Chapter 5 : Five Rules

565 96 164
                                    

M A X E N E

I read mom's message about the status of my condo. Unfortunately hindi pa maayos ang dapat maayos doon, kaya rin pala niya ako pinagkatiwala kay Travis. Ugh! Let's count some sheeps to help me fall asleep. Yet, the flaw of sleeping in a room that isn't yours is... the challenge of finding the sleep itself. Kahit anong ikot ang gawin ko sa kama, hindi ako makatulog. Sinubukan kong lumabas ng kwarto, sisilipin ko sana yung may ari ng penthouse pero naalala ko na it's rude to check someone's bedroom without consent. Kasi private space niya iyon. Siguro mahimbing na rin ang tulog niya, anong oras na rin kasi. Dumiretso ako sa kusina niya at nakita ko na halos lahat ng gamit dito ay meron siya. I'm really impressed.

Bigla ko na namang naalala si Kenzo. I'm sure kung magiging ganito ang kitchen niya matutuwa iyon, lalo na at magaling siyang mag luto. I checked Travis's refrigerator pero nagulat ako nang makitang walang lamang pagkain ang ref niya, ilang cans ng beer lang ang nagpapalamig sa loob ng ref niya. Wala man lang kahit itlog, juice o kaya gatas. Paano nabubuhay ang lalaking ito?

I tried to open his freezer but I found nothing but ice. What the hell! Just ice? Yung totoo, wala man lang frozen bacon or sausages? Hindi ako mabubuhay ng ganito.

I don't have any choice but to check if he's still awake. I knocked three times but I didn't hear any response so I gradually opened the door to take a peek, buti na lang at hindi ito naka lock. Sinilip ko siya at kung mahuli ko siyang gising ay magpapabili ako sa kanya ng gatas para makatulog ako. But I pushed all of my luck and saw that he's in a deep sleep. Buti pa siya. Yung damit niya kanina ay kung saan-saan niya lang hinagis. Ganoon ba siya napagod sa araw na ito para hindi man lang niya mailagay sa hamper ang mga damit niya? I sighed, mukhang hindi ko siya magigising ng ganito. Naalala ko pa na may pasok din siya bukas. I'm not that inconsiderate anyway.

That's it Maxene, you have to get by. Sinuot ko ulit ang damit ko kanina na hindi kasama ang alahas ko dahil anong oras na rin, nagdala na lang ako ng konting cash para mamili sa malapit na convenience store. Tumigil ang elevator sa 8th floor at nakita kong sumakay si Travis. Wait, what? Doppelganger niya ba ito? Kinilabutan ako, isang Travis pa nga lang sakit na ng ulo, dalawa pa kaya? Oddly, this Travis didn't know me. O baka naman nag-astral form si Travis at miski sa panaginip niya ay bantay-sarado niya ako.

"Do you need something?" iritadong tanong ng lalaki sa akin, nahalata niya sigurong pinagmamasdan ko siya. Well looking at him the second time around, I'm glad that he's not Travis. He looks just like him; well not exactly, yet I can sense that they give me the same snobbish vibe. Though this guy is a little buffer than Travis, maybe this guy plays sports.

"I'm sorry." I humbly said and hear him took a deep sigh. Nagbukas na ang elevator sa ground floor at kaagad naman bumaba yung lalaki. Pero dahil sa hindi ako pamilyar sa lugar na ito, kailangan kong magtanong, "Hey, wait." nilingon niya ako, his eyes warily meets mine as I approach him, "I'm wondering kung saan may malapit na convenience store dito?" I asked with a friendly smile. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Suplado!

"Papunta rin ako doon kaya sumunod ka na lang sa akin." he says with a monotonous voice and I nodded. Pero ni ang hintayin ako hindi niya ginawa dahil nauna na siyang maglakad sa akin. Ugh! What's with men? Mahirap bang maghintay? Sinundan ko na lang yung lalaki sa convenience store at ni ang pagbuksan ako ay hindi niya rin ginawa, muntik na sumalubong sa mukha ko yung glass door pagpasok niya. Bwisit na lalaki 'to. Halatang wala siyang pakialam sa akin at diretsong kumuha na rin ng basket para bumili ng ilang supplies.

Breathe in, breathe out Maxene. Sadyang may mga tao talaga na walang manners. Kumuha ako ng sarili kong basket. I bought a dozen eggs, cooking oil, a cornbeef in a can, some instant ramen, a loaf of bread, two boxes of juice and some pack of coffee na rin para bukas. Oh I almost forgot my milk, dinagdagan ko na rin ng dalawang bar ng chocolates. Binayaran ko agad ang mga pinamili ko sa counter at nakita yung lalaking kasabay ko na puro ramen naman ang binili. Sobra sa sodium yan boy!

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now