Chapter 38 : Shattered Hope

196 28 23
                                    

M A X E N E

Dahil nakuha ko na ulit ang condo ko: thanks to dad; minsan sa condo nauwi si Travis may konting damit na rin siya sa condo ko, pero madalas sa penthouse pa rin ako nauwi, ewan ko. Malakas kasi mokong sa akin. Kainis!

Kakaligo lang ni Travis at pinaghanda ko siya ng almusal.

Bigla kong naalala, ano nga ulit yung pangalan ng tapsilugan na iyon, ah! "Sinangag Express."

Kumunot ang noo niya, umupo sa silya at uminom ng hinanda kong tubig para sa kanya. "Ano naman iyon?"

"Wala, minsan kasi niyaya ako nila Martin mag-SEx." Kaswal kong kwento sa kanya.

Bigla siyang nabilaukan. "Who the fuck is Martin?" Mahinahong singhal niya.

"Easy Travis." Paglalambing ko sa kanya at pinunasan siya, "Mutual bestfriend namin ni Sarah si Martin." I sit on his lap and kissed him bago pa siya magalit.

Pero nakataas pa rin ang kilay niya, "Sinangag Express ang pangalan ng bagong tapsilugan na kinainan namin also known as S-Ex." I spelled it for him para naman hindi siya mag-isip ng kung anu-ano.

He rolls his eyes. "Ha! Talaga lang ah." May konting inis at selos na naman sa boses niya. "Oo nga naman, masarap ang SEx, sino bang hindi masasarapan doon." Sarcasm, punong puno ng sarcasm ang boses ni Travis. Ugh!

"Ugh! Really Hayes?" I roll my eyes at him and take out my phone. I showed him the picture of me and some of Sarah's friends eating at that diner.

"Ayun si Martin, kasama si Abby na step-sister niya, tapos ayun naman si Alex, tapos si Kathleen, tapos Stephanie, tapos ayun si Sarah." I paused looking at his face I'm guessing hinahanap niya si Laurenz sa picture. "Nagkatampuhan si Sarah at Laurenz ng araw na iyan, kaya wala siya sa picture."

"Hindi ko naman tinatanong." Sagot niya. Hindi daw tinatanong pero hinahanap niya yung utol niya sa picture.

"Are we good, it's just the name of the diner Travis." I reminded him at mukha namang okay na siya kaya umupo na ako sa kabilang upuan. Kung makapagmaktol naman ito kasi.

"Kailan nangyari iyan?" He starts asking questions.

"Actually biglaan lang yan, kung makapagyaya naman kasi si Martin biglaan lang, ay actually idea iyan ni Alex kasi stress daw sa school, kaya tamang foodtrip at kain lang sa labas." He's observing me as I answer the possible questions in his mind, "Nasa school ka noon, tapos sa condo ako nagstastay that time, eh sakto sila naman kakatapos ng classes nila and I wanna hang-out with them since kasama si Sarah kaya sumama na rin ako, para syempre makapag-catch up din matapos nung nangyari sa amusement park."

"Bakit hindi mo nasabi sa akin?" Maingat niyang tanong sa akin. Hindi ko alam if naiinis siya or nagtatampo kasi hindi na naman ako nagpaalam sa kanya, to think na lumabas ako ng wala siya.

"Sorry na, kasi si Stephanie kinonfiscate lahat ng phones namin, ang bonding time daw, bonding time. Nakisama lang naman ako since it's been a long time noong nakasama ko sila." Sagot ko sa kanya pero pakiramdam ko nagtatampo siya.

"Hinatid naman kami ni Alex, may dala siyang sasakyan." dagdag ko pa, "Napasleep over nga that time sila Stephanie at Sarah sa condo. We may have some drinks, but hey, kami lang naman, no guys. To think na si Martin at Alex lang naman ang lalaki sa grupo noong araw na iyon."

He's still quiet.

"Are you not comfortable that I'm hanging around with them?" I asked.

"Do they know...me?" There's this insecurity in his voice and he looks away, "I remember them. Sila ang naging kaibigan ni Laurenz noong high school. I'm glad that they're still friends."

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now