Chapter 39 : The Unexpected Visitor

160 28 15
                                    

T R A V I S

Hindi ko alam kung nakakailang araw na ako dito sa hospital. Pero hindi ako kailanman umalis sa tabi niya.

Bigla kong naalala, ganito rin ba siya noong naaksidente ako? That thought alone made me smile. Hindi pa kami noon mag boyfriend-girlfriend, but then from the start, she was there for me when I have no one.

She's all I had when I have none.

"Don't you have school to attend to?" Tanong ng daddy niya sa akin. "I heard that you're taking law."

"Hihintayin ko pa po siyang gumising sir." Mahina kong sagot na parang nagmamakaawa ako na huwag niya ako paalisin sa tabi ni Maxene.

"Ilang araw ka na rin walang tulog Travis." Kumento ng daddy niya sa akin.

I don't mind. I smiled and looked at him, "I'm fine."

Hindi pa ulit dumadalaw ang mommy ni Maxene sa kanya matapos ng harapan na nangyari sa pagitan namin. Baka masama pa ang loob sa akin ng mommy niya. I can't blame her though.

Madalas yung daddy lang ni Maxene ang dumadalaw sa kanya, minsan na ring dumaan sila Maxwell at Beatrix kapag maluwag ang schedule nila.

Ako lang ang bukod tanging hindi umalis sa tabi niya.

Hindi ko siya kayang iwan mag-isa. Laking takot ko na lang na tumigil ang puso niya na wala ako sa tabi niya.

Hindi ko kaya.

Just the thought of it, I know it would be the end of me.

"You..." Her dad started, "You really love her...don't you?" napatingin ako sa daddy niya, "You love Maxene."

I immediately look away concealing my tears.

"Hindi naman po mahirap mahalin si Maxene." Mahinang sagot ko sa kanya. Si Maxene pa nga ang kauna unahang taong nagmahal sa akin.

She just sees me through.

"It's true." He uttered. "But you also said that she had someone before you." He's pertaining to Kenzo. "Tama ba?"

"Yes. yes she does." Matipid kong sagot.

"Hindi ko kailanman nakilala ang binatang iyon. Pero knowing Maxene, I'm sure he's also a fine young man too." He paused, "It just so happens that Miranda overstepped...and I wasn't able to defend Maxene because of that."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Baka nga siguro kung nakilala niya ang first boyfriend ni Maxene, baka mas magkasundo sila, di hamak naman na mas matino sa akin si Kenzo, pakiramdam ko kasi matapos ng nangyari noong nakaraan alam kong nawala na ang pabor na dapat pinagsisikapan kong makuha sa kanila.

My emotions are just all over the place when it comes to her.

"Are you embarrassed of me?" His father asked me.

"Opo." matipid na pag-amin ko, "Hindi ko nga po alam kung paano kayo titingnan ngayon," Napalunok ako, "Nakalimutan ko kung saan ako dapat lumugar."

I heard him chuckled. "Oo nga eh, isang sampal kay Miranda ang mga nasabi mo sa kanya, no one dared to speak to her like that." Umiwas ako ng tingin sa kanya, "Ikaw at ako lang ang nakagawa noon sa kanya." Halos pabulong niyang sabi sa akin.

A wave of silence fills between us. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng daddy ni Maxene. Pero sa nalaman ko kay Natasha, parang ang lalaking katulad niya; hindi niya iyon magagawa ng walang malalim na dahilan. I still should give him the benefit of the doubt.

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now