Chapter 16 : Scrapbook

366 53 117
                                    

M A X E N E

Sumakay ako ng bus ng madaling araw para pumunta sa isang probinsya sa norte. Tahimik lang ako na pinagmamasdan ang mga sasakyan na bumibiyahe ngayong madaling araw mula sa bintana May dalawang araw akong bakasyon mula sa sama ng loob ko sa siyudad. Sana magkausap kami ni Kenzo ng maayos ngayon. Sana magkabalikan na lang kami. I don't know where else to go if in case he chooses to reject me for the nth time. Bakit ba hindi pa ako napapagod na habulin siya?

Ganito ba ang nararamdaman ni Travis kay Monique? Teka, bakit ba sumagi na naman siya sa isipan ko? Kaya nga ako nandito para bumalik na sa ayos ang lahat. Masama rin pala na lagi kong kasama si Travis. Muntik ko na makalimutan na nagpapanggap at nag-gagamitan lang naman kami. Isang malaking joke na ipagpatuloy ko pa kung anong meron kami ni Travis, kasi in the first place arranged lang naman kami. Tapos may kanya-kanya rin naman kaming commitments sa buhay.

Infatuated ako. Oo iyon nga, infatuated ako sa kanya.

I don't want him to stay with me because he sympathizes me. Ayokong masanay na nandyan siya dahil bumalik na naman na si Monique sa buhay niya. Buti nga at bumalik na si Monique sa buhay niya. Dahil laking pasasalamat ko na dahil doon ay nagising ako sa realidad na hindi kami pwede ni Travis. Simula umpisa naman, hindi kami pwede at hangga't kaya ko pa pigilan ang kung ano man ang namumuong pagtingin ko sa kanya, pipigilan ko hanggang sa bumalik ako sa dati.

Sa dati kung kailan wala pang Travis sa buhay ko. Kailangan ko siyang iwasan, para maiwasan kong mahulog sa kanya ng tuluyan. Tama si Pierre, sa sugal na ito, talo ako. Talong talo ako.

Bigla tuloy naglaro sa isipan ko: paano kung sa ibang lalaki ako na-arrange? Mahihirapan din ba ako? Paano kung kay Pierre, o kay Joshua, o kay Gerard, o kahit doon sa hayop na si Brandon ako na-arrange? O kung sino pa mang prospect sa akin ni mommy, magiging mahirap kaya ang sitwasyon ko ngayon?

Kung tutuusin, hindi naman mahirap mahalin si Travis. Pero bakit hindi iyon masuklian ni Monique? Maswerte nga siya at may Travis siya.

Dahil kung ako si Monique, mamahalin ko si Travis ng buong buo.

But then again, I'm not her. Kaya Maxene, huwag ka na umasa. Erase, erase, erase. Isa pa, baka karma mo na ito Max, masyado ka kasing malandi. Mahal mo nga si Kenzo pero nakikipag-session ka rin naman kay Travis. Napapapikit na lang ako sa kung ano man ang naging kahihinatnan ng naging kasunduan namin ni Travis dati.

What if hindi ako pumayag?

What if hindi siya ang pinili ko?

What if pinalampas ko lang siya?

What if at the first place, hindi ko na lang binasag ang side mirror ng kotse niya para tuluyan na akong nalaglag sa bangin noong gabing iyon?

What if...what if...what if...

Sa dami ng what if's ko, parang ang kinakalabasan nito ay nagsisisi ako na nakilala ko si Travis. To think that I'm very thankful for meeting him. Meeting him is a blessing in disguise. Dahil kahit sa maikling panahon na kasama ko siya, nagawa kong maging malaya at maging si Maxene lang.

Kung dati kay Kenzo, pakiramdam ko restricted ako; kay Travis mas nakahinga ako ng maluwag kasi unang una, pabor si mom sa kanya and he just let's me to be the person I should be. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na naka-date ko dati na kailangan mong sabayan dahil lang sa iniingatan nila ang social status nila sa buhay.

If ever I have to leave something sa naging samahan namin ni Travis; at least I want to keep our friendship. He's one of the best friends I had kahit na hindi naman talaga magkaibigan ang turingan namin, he's always been there for when I have no one else.

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now