Chapter 48 : Protect the Queen

215 29 15
                                    

T R A V I S


It's been three weeks since I last saw her.

Sa mansion siya nauwi ngayon dahil na rin sa paghahanda sa nalalapit niyang birthday, gusto ko man siyang dalawin pero hindi ko maisingit ang oras ko, masyadong maraming ganap sa school lalo na at exam week din ngayon.

Ayoko namang bumagsak dahil madidisappoint siya sa akin. Gusto ko sa susunod naming pagkikita may maipagmamalaki ako sa kanya.

We keep each other posted. Kapag nasa school ako either tinatawagan ko siya or tinetext. Halos siya na nga ang laman ng inbox ko pati ng call logs ko. Kahit na hindi pa kami nagkikita ulit, ramdam ko pa rin ang suporta niya sa akin sa lahat ng ginagawa ko sa school.

Minsan nga inuutusan niya pa si Natasha dalhan ako ng pagkain, gustuhin man din niyang puntahan ako, pero hindi naman niya matiis yung mommy niya na bumabawi na sa kanya ngayon.

Knowing that, made me a little happy for her. At least unti-unti nagiging maayos na sila mag-ina.

Matapos ng school, nagyaya si Pierre na tumambay sa bahay nila, kami lang ni Joshua ang nahatak niya dahil si Gerard sinamahan ang mommy niya sa kumpanya na hahawakan niya balang araw.

Matagal tagal na rin noong huling nakadalaw ako sa bahay nila Pierre. Wala namang nagbago dito, siguro nagbago sila ng pintura at masasabi kong mas maaliwalas ang bahay nila ngayon kaysa dati.

"Nasan si Tito?" Tanong ni Joshua sa kanya.

"Business, as always." Matipid na sagot ni Pierre.

"Eh si Tita?" I just have to engage a conversation.

He smirks at me, "Si Mom, nagpunta ng Macau kasama si Addy noong umuwi si Dad," He sighs, "Hindi naman nila kailangan pang magpanggap na maayos. Alam na rin naman ni Addy ang sitwasyon namin."

Kung tutuusin, hindi naman nagkakalayo ang sitwasyon ng pamilya ni Pierre sa pamilya ni Maxene. Political Marriage din ang nangyari sa pamilya nila, balita ko pa hindi naman talaga yung mommy ni Pierre dapat ang pakakasalan ng daddy niya. His mother was just his father's secondary option in case hindi sila magwork nung una niyang napili.

Minsan lang namin nakilala ang daddy niya, pero agad din naman namin nadama ang tensyon sa pagitan nilang mag-ama, lalo na noong mga bata pa kami.

His father pressures him to be the best. To be better than him.

Dahil sa kung sino si Pierre ngayon, he will always just be a second best to his father's eyes.

Hanggang ngayon masasabi kong pinapatunayan niya pa rin sa daddy niya ang sarili niya, na kahit gumawa siya ng ilegal, mapatunayan lang sa daddy niya na hindi siya second best, lahat gagawin niya para lang ma-please ang daddy niya.

Para kay Pierre ang maging second best ay hindi kailanman magiging sapat sa kanya.

Lahat ng gusto niya, kukunin niya sa paraang gusto niya. Lahat ng tao siya lang ang dapat tingalain at respetuhin. Hinding-hindi niya gusto na napapahiya siya sa iba, na para sa kanya, tama ang lahat ng ginagawa niya dahil ganun ang impluwensya ng daddy niya sa kanya.

I can't blame him for having that kind of mindset dahil pressured siyang mahigitan ang daddy niya, kahit na minsan hindi tama ang paraan niya, kaya lagi ko rin naman siyang pinaalalahanan bilang kaibigan niya.

Kahit naman paano nakikinig siya sa akin dati, pero nang nag-college kami, nagkaroon na kami ng kanya kanya naming mundo. Lalo na at magkakaiba kami ng course kahit na sa iisang school kami napasok.

Binaling ko ang atensyon ko sa frosted glass chess set na naka-display sa side table na katabi ng bintana nila.

"It's been a while since we last play chess," kumento ni Pierre, "Kapag kasi si Joshua ang kalaro ko, walang challenge. Boring."

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now