Chapter 39

908 31 4
                                    


Hello, thank you for reading.
~

My eyes were puffy. Ang mga braso ko ay nakapaikot sa bewang ni Rajancho. I couldn't stop myself on hugging him. He said that he missed me. But I miss him more.

Napakagat ako sa labi, nanghihina at nahihiya. I heard him sighed heavily. He kissed the crown of my head before tilting his face to gaze at me.

Ngumuso at mas lalong sumiksik sa kanya. He then chuckled. Damn, he sound so sexy and masculine. Far from what I described him before. You fool, Diane!

"Mag-uusap pa tayo, Deborah Viviane," marahang bulong niya.

Muli akong napapikit. May kung anong kumikiliti sa aking tiyan. My heart fluttered as my name rolled in his tongue. I calmed myself before breathing shakily.

I slowly unwrapped my arms around him. The wooden door is still open, giving a wide view of us.

Gumilid ako, naiisip na baka makita kami ng mga napapadaang kasambahay.

Rajancho shot up his one brow before shutting the door with the back of his palm. Muli akong huminga nang malalim.

"You tripped earlier in the staircase. Nasaktan ka ba? How 'bout your wounds?" nanliliit ang mga mata niya habang sinusuri ang kabuuan ko.

Then I remembered the wound in my knees earlier. Naramdaman ko ang pagdurugo niyon. Huli na nang tangkain kong takpan ang sugat. With his brooding and hawk-like eyes, Rajancho easily spotted it.

Napaatras ako. Tumikhim ako

"Pag-usapan na natin ang hindi pagkakaunawang naganap, Rajancho. I am fine," I said in monotone voice.

Nag-igting ang panga ni Rajancho at umiling. Tila ba hindi naniniwala sa akin sinabi. I licked my lower lips and stared at him.

"Gagamutin ko muna iyang mga sugat mo. Saka tayo mag-usap," may pinalidad sa kanyang tono.

What? Nais ko sanang umalma at kumbinsihing maayos naman ang lagay ko. But he seems sure about his decision. Yumuko siya bago iniangkala ang mga palad sa aking hita.

Napatili ako sa gulat at kaba. My lips parted in awe as he carried me downstairs. My one arm wrapped around his neck. It felt so good to be like this.

Pagtataka ang nakita ko sa mga kasambahay na nakapanood sa aming paglabas ng mansion. Isang trabahador sa kuwadra ang kumaway at tumango kay Rajancho.

"Saan mo ba ako dadalhin?" nagtataka kong wika.

Ang aking katanungan ay mabilis na nagkaroon ng kasagutan nang binuksan niya ang pintuan ng passenger seat ng kanyang Gladiator Jeep.

Napasinghap ako nang tuluyan niya akong ibinaba sa mala-alpombrang upuan. I immediately smelled his signature musk of cologne.

Rajancho puts my seat belt on. Matapos niyon ay tinitigan niya ako. Ang isang braso ay nakapatong sa headrest ng aking upuan. My eyes fluttered.

His fingertips trace the small wound in my cheeks. I shut my eyes as I whimpered. Naalala ko ang pagdapo ng kamay ni Tita Lucinda doon.

And I slowly dive in a daydream. He was softly touching and tracing it. I felt his breathe on my neck. I can also see his cute mole under his eye.

"Ito ba ang isasalubong mo sa akin pagkatapos ng maraming araw? Your cousin's wedding was my only hope to see you again. And yet you hadn't come," bakas ang pagkaseryoso at diin sa kanyang tono.

I pursed my lips, slightly feeling its quivering. Pinaglaruan ko ang aking palad.

"Pupunta naman talaga ako, Rajancho. Kaya nga lang..." halos hindi ko na madugtungan pa ang sasabihin nang maalala muli ang nangyari.

Caressing The Mighty One (Heavenly Harmonies Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon