Chapter 50

925 29 3
                                    


Hello. Thank you for reading. Huhu. Parang hindi ko pa kayang bitawan si Rajancho at Diane. Anyways, enjoy reading.
~

I have never thought that it would be a glitter to my eyes. Iyong senaryo na ang bawat isa ay tumutulong, kahit pa nakakapagod ngunit nananatili ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi.

Kahit mainit at pawisan, tuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan. And I just had a sudden rush of emotions within me.

Like, what the hell did I do during my teen days? Oh yeah, bukod pa sa pangongolekta ng mga lalaki, party life, expensive materials, wala yata akong maalala na ganito ang senaryo.

"Ma'am, mainit po sa puwesto na iyan. Sumilong ka muna dito," wika ng isang babae na miyembro ng isang committee at sinenyasan ako.

Umiling lamang ako at binigyan siya ng isang ngiti.

"Hindi na po. Tatapusin ko po muna ito," sabay turo ko sa pader na pinipinturahan ko.

"Sige, Ma'am. Pero puwedeng sumilong muna upang makapagpahinga ka anumang oras mo gugustuhin," banayad na pagpapaalala nito bago muling binalingan ang mga flower pots na pinipinturahan nila.

I smiled again for one last time. Nilubog ko ang paint brush na makapal sa isang kulay blue na pintura.

Halos magdadalawang linggo na simula nang ayusin ko ang aking schedule upang mapaglaanan ng oras ng pagtulong ko sa pagpapatayong muli ng mga daycare buildings.

Napagkasunduan namin ni Kuya Kevin ang aming pagtulong na gagawin. I was assigned in a daycare building that has been destroyed drastically.

Habang si Kuya Kevin naman ay tumulong sa pagdidisenyo muli ng isang health care center malapit sa Munisipyo. He also mentioned to me that the current Mayor is also interest in his drafts.

Nakapagtapos ng Architecture si Kuya. Hindi na rin talaga ako magtataka kung maraming humahanga sa mga gawa niya.

And I am also one of those people who was greatly influenced by him. Naisipan ko pa nga noon sa mag-shift ng course.

Nahiligan ko na rin kasi ang Drafting. Ngunit kursong pang-negosyo ang tinapos ko sa huli. He has always been busy in his drafting table before.

I wiped off my sweat using a towel. My breathe hitched as the sunlight got fiercer this time. Katanghalian ngunit heto ako, kasama ng ilang volunteers ay pinipinturahan ang pader ng bagong gawang daycare building.

Sa lahat ng mga daycare buildings na nasira sa sentro, ito na yata ang pinaka-nasira sa lahat. Nagkalat pa ang mga nasirang bakal, bintana, at iba pang mga gamit.

I almost cry seeing those children books, notepads, teachers' things scattered everywhere like those were useless garbages.

Nagkaroon kami ng surveying sa bawat buildings. We have our securities with us as we survey. At noong inililibot ko ang aking mga mata sa paligid, naramdaman ko ang haplos sa aking puso.

It's like the destroyed building has a story to tell in all four corners. I could tell that those children who used to dwell in there had a great time.

Mayroon pa ngang mga papel na hula ko ay iginuhit ng mga bata. Those papers were supposed to be posted in the wall.

Ngunit katulad lang din ng nangyari sa lahat ng gamit, karamihan ay napunit na at nasira.

"Mamaya na lang ulit pipinturahan 'yung mga picket fences doon sa garden area. Mananghalian muna tayo," anunsyo ng isang babae na volunteer din.

Puro mga kababaihan ang kasama ko. Mostly were the mothers of the children.

Caressing The Mighty One (Heavenly Harmonies Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon