Chapter 41

916 30 6
                                    


Hello. Thank you for reading.
~

Tumungo ako sa aming bahay upang maikalma ang sarili. Tiyak na malalaman ng lahat ang senaryong iyon! Pag-uusapan iyon.

Humahangos akong lumakad patungo sa kusina. Inabot ang isang baso at nagsalin ng malamig na tubig mula sa refrigerator.

"Deborah Viviane! Ano itong narinig kong balita? Patay na raw ang taong muntikang lumapastangan sa iyo?" magkahalong pagtataka at pagkabahala ang nasa himig ni Mommy.

Lumingon ako sa kanya pagkatapos kong makainom ng tubig.

"H-Hindi ko po nalalaman kung ano ang tunay na nangyari. Nadaanan ko na lamang po ang mga taong nagkakagulo sa gitna ng kalsada," I said.

Suminghap ako. Pumikit nang mariin, muling naalala ang duguang katawan ng matandang lalaki. Itinago ko ang nanginginig kong palad sa mga mata ni Mommy.

"Who could do that? Knowing the people here, they would surely talk about it. Bagaman naitago natin ang nangyari noong kasal ni Jenny, wala akong nakikilalang tao na nakakaalam ng pangyayari! Your father talked to the police to find that old dirty man. Kaya nga lang, nakapagtago raw ito."

"But he was now found dead in the middle of the road... with an arrow strucked in his head," my voice trembles.

Hindi bala ng baril ang nasilayan ko. I am very sure that it was an arrow.

That dark night before... I'd never forget that. Nagpaulan ang mga nakaitim na lalaki noon ng mga palaso upang masaktan o di kaya'y mapatay ako.

Maaaring sila ang mga gumawa niyon. Ganoon na lamang ba sila papatay ng tao gayong maaga pa at tiyak na makikita sila?

I'm sure those rebels would't risk it. Or they could! I groaned. Napayuko ako. I am so frustrated now.

Dapat ay matuwa ako dahil napatay na ang manyak na matandang lalaki na iyon. Subalit sa gulat at takot ay hindi ko makuhang magbunyi sa balitang iyon.

It would cause fear and doubts for the people, too. Nagpaalam ako kay Mommy na babalik muli ako ng asyenda.

Nasa tapat na ako ng kuwadra upang sana'y makakuha ng kabayong sasakyan nang mapansin ko ang sasakyang nakaparada sa tapat ng gate.

Nangunot ang aking noo, tinatanaw iyon. Humugot ako ng malalim na hininga nang mapansin ko na si Rajancho iyon.

He really did chase me. Then I remembered that I didn't answer his calls or texts earlier.

I wrinkled my nose. Lumakad ako patungo sa tarangkahan. I spotted Rajancho stepping out from the vehicle.

Umawang ang labi ko, muling sinarado nang hindi ko mahanap ang mga salitang sasambitin. His face looked dark and grim.

Nag-igting ang bagang nito habang papalapit sa akin. I licked my lips and held up my head. Tinaasan niya ako ng kilay. He then licked his bottom lips when his eyes glued on my lips.

He stared at it for a fleeting moment. I saw longing and passion on his eyes that only last for seconds.

Tumikhim siya bago muling ibinalik ang tingin sa akin. Now, his forehead formed a knot. Dinungaw niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata.

"Bakit bigla kang umalis?" wika niya sa kalmadong tono ngunit may bagsik sa dulo.

Pilit akong ngumiti. Aaminin ko bang nataranta ako roon sa mga ikinuwento ni Lola Harmonia? Lumunok ako.

Of course, you can't, Diane. He might felt insulted again. At ngayong nakaramdam ako ng bahagyang pagkataranta at takot, tila ba nawala ako sa huwisyo.

Caressing The Mighty One (Heavenly Harmonies Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon