Chapter 49

871 29 4
                                    


Hello. Thank you for reading.
~

Bitbit ko ang isang bag sa kanang kamay ko. Nasa labas na ako ng tore, with my stoic and stern face. Kahit pa namumugto ang mga mata ko ay matalim kong binalingan si Arnolfo na nangingisi sa akin.

He waved his hand in a playful way before going back inside the plane. Bandang alas cinco y media nang matanaw ko na nakaparada ang isang sasakyan sa ibaba.

Sinabi sa akin ni Nanay Sering na iyon ang maghahatid sa akin patungo sa kung saan nag-land ang private plane ni Rajancho.

And of course, ang mapanudyong piloto na si Arnolfo ang maghahatid sa akin pabalik ng Azagra.

Pasakay na ako ng sasakyan nang hinawakan ako bigla ni Nanay Sering sa aking braso. Her apologetic eyes can narrate well that she had already knew the news about my grandmother.

Iyon naman pala ang ipinagtataka ko kung bakit tila naluluha pa siya nang makausap ko habang nag-aayos ng mga petunias.

"Ipagdadasal ko na maging mapayapa at ligtas ang pagbibiyahe mo, hija.  Hihingi sana ako sa iyo ng isang pabor... kung maaari ay pakibigay mo ang sulat na ito kay Donya Harmonia. Pakikumusta mo na rin ako sa kanya," pagkatapos ay malungkot siyang ngumiti sa akin.

Isang pisil sa palad ang ginawa niya bago ako hinalikan sa pisngi. Naninikip ang dibdib ko habang papaalis sa toreng iyon. At sa huling pagsulyap na ginawa ko roon ay naulinagan ko si Rajancho na nakatanaw.

Tanaw na tanaw ko kung paano humigpit ang hawak niya sa railings mula sa itaas habang pinagmamasdan akong pumapasok ng sasakyan.

His eyes glistened as the sun sets behind him, drowning in the middle of the mountain ranges.

Pumikit siya nang mariin at tumingala bago marahas na bumaling patalikod na tila ba hindi niya ako makayang pagmasdan na lumisan.

My heart clenched painfully at that sight. Lumunok ako at humugot ng isang malalim na hininga. God, I am so cruel.

I've watched him cry and wail, on his knees while looking at me. Nagmamakaawa ang mga matang tumatanaw sa akin.

At hindi ko alam kung paano ko nahimok ang sariling tatagan ang loob sa ganoong ayos niya. That's why I had to leave him on that room.

I can't stand the sight of him crying. With him being weak and defenseless. Muling namuo ang luha sa aking mga mata.

I've said words to him that I never really meant to. Like forgetting his oath and all, hindi ko yata makakaya iyong kalimutan ng ganoong kabilis.

Ngunit hindi ko na alam ang tama o hindi sa mga sinasalita ko ng mga oras na iyon. All I am thinking is the pain and bleeding of my heart.

I am very sorry, abuela... Babalik na ho ako. It would have been better if I would see you again  in your usual smiling face, arms open wide for me.

Kapatagan na ngayon ang nakikita ko sa paligid. At sa aking harapan ay ang private plane. Yumuko at pinunasan ang mga luhang bumabagsak sa aking mga mata.

Suminghap ako kasabay ng pagbugso ng panggabing hangin. It felt cold and fresh, something that is very usual in a place where mountains ranges were around.

See you again, Loma de Alto. Stay high and mighty, bring thy comfort to those downed souls. After all, I've shared moments in your height and reached the depths of love.

Sa gilid ko ay ang bintana. The plane starts to take off and a lone tear once again fell from my eyes.

See you, too, my Javelarozque.

Caressing The Mighty One (Heavenly Harmonies Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon