DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, Place, Characters, Business, Events, Locales, It's only imagination of the Author.This story is not affiliated with
ADMU/DLSU/other universities.*************************************************
Nagising ako sa sikat ng araw at dahan dahan kong binuksan ang aking mata at nang makita kong hindi ito ung Condo ko kaya napabalikwas ako ng tayo at sumakit naman ung ulo ko kaya agad kong hinahanap kung may tubig nakita kong may tubig sa side table kaya inabot ko yun at ininom pag tapos kong uminom ng tubig ay nilibot ko ung paningin ko hindi talaga to ang condo ko inalala ko ung mga nangyari kagabi.
Napasabunot ako ng maalalang kasama ko si Ryzhell tae wala naman siguro akong ginawang kalokohan sana naman wala diba kaya tumayo na ako at kinuha ung bag ko at dahan dahan kong binuksan ung pinto at tinignan kung may tao ba nung makita kong wala ay dahan dahan akong lumabas ng biglang bumukas ung pinto ng Cr tatakbo na sana ako ng mabilis papunta sa pintuanpalabas ng bigla akong tawagin
"Where are you going?" Tanong niya sa akin
Dahan dahan akong humarap sa kanya at tumingin sa kanya pero shetttt kakatapos niya lang maligo ghorl tas sinundan kong ung patay ng tubig na tumutulo galing sa buhok niya papunta sa katawan niya and shettttt ghorl ganda ng abs potek napalunok ako sa nakita ko
"Uuwi na?....." sagot ko habang naka tingin sa katawan niya shete talaga ghorl
Napansin niya atang nakatingin ako sa katawan niya, dahan dahan siyang lumapit sa akin
"Do you want to touch?" Nakangising tanong niya sa akin
"H-huh?!" Nagulat akong napatingin sa kanya bigla
"I mean Do you want to eat breakfast first bago umalis and mag hilamos na din" nakangiting sagot niya sa akin.
"A-ahhh hehehehehe sure...." awkward kong sagot.
Dali-dali ko namang inilagay ung gamit ko sa couch at dumiretso sa Cr gosh nakakahiya ung itsura ko ghorl may muta pa pero maganda pa rin naman.
Pagtapos ko mag hilamos ay lumabas na ako ng Cr at nakita ko siyang nandun sa kitchen habang nakasandal dun sa sink habang inaantay ako nakapag bihis na din siya simple lang suot niya naka black sweatpants tska white shirt lang siya.
Naglakad ako papunta sa lamesa at umupo na, maraming pag kain may fried rice, bacon, scramble egg, hotdog ang dami namang ulam kami lang naman dalawa by the way marunong pala siyang mag luto well
"What do you want coffe or juice?" Tanong niya sa akin
"Coffee no cream diet kasi ako eii..." nahihiya kong sagot sa kanya
"Diet ka pa niyan? Ang payat mo na nga" sabi niya sa akin habang nag titimpla ng kape ako naman ay kumain na konti lang kinuha kong kanin dahil diet nga ako
"Oo kailangan kasi eii sabi ng Coach namin" sagot ko sa kanya
"Malapit na kasi ung UAAP Volleyball eii" dagdag ko
"Ahh oo nga no" sagot niya naman
Pag tapos ko kumain ay ako na din nag presinta na mag hugas nag aawat pa kami kung sino pero ako din naman ang nanalo
"Ako na mag huhugas" sabi ko sa kanya
"No, ako na" sabi niya naman
"Ako na, ikaw na nga nag luto ikaw pa mag huhugas kaya umupo ka na lang dyan at ako na ang mag huhugas" pag pupumilit ko.
Wala siyang nagawa kaya ako ung naghugas. Habang naghuhugas naalala ko kung may ginawa ba akong kalokohan kagabi kaya tinanong ko siya.
"Ahmmm... may ginawa ba akong kalokohan kagabi?" Tanong ko sa kanya
"Like what?" Tanong na sagot niya
"Did I kiss you?..... or what?....." awkward na tanong ko
"Hahahahahahaha what do you think?" Tawang sagot niya napahinto tuloy ako sa pag huhugas at tumingin sa kanya
"Oo?...." kinakabahang sagot ko
"Hahahahahaha don't worry hindi " tawang tawa na sagot niya at ako naman ay nakahinga ng maluwag
"Baka sapakin ako ng Kuya pag nangyari yun" nakangiting sagot niya at tapos na akong mag hugas at tumingin sa kanya at naalalang oo nga pala kaibigan siya ni Kuya Kaleb.
"By the way I'm sorry kung naistorbo kita ahh" sabi ko sa kanya
"Wala ka namang ginawang mali bat ka nag s'sorry? Tska okay lang yun di ka naman istorbo" sagot niya at nagtaka ako dun sa huli niyang sinabi pero di ko na lang pinansin at tumango na lang ako sa kanya.
Kinuha ko na ung gamit ko at lumabas na hinatid niya ako sa parking lot.
"Thank you ulit" nakangiting sabi ko
"Welcome" nakangiting sagot niya sa akin.
Nang makapasok na ako sa kotse ko ay kumatok naman siya sa bintana.
"Safe Drive" sabi niya sa akin at nginitian ko na lang siya.
Nakauwi na ako sa condo ko at dumiretso na agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng pambahay at pumunta sa sala para manood ng netflix.
Nanonood ako ngayon ng It's Okay To Not Be Okay Episode 6 na ako ng biglang mag ring ung cellphone ko tinignan ko kung sino yun at ung gc namin Video call pa ang gusto kaya sinagot ko na lang
"Hello oh kamusta kayo?" Tanong ko sa kanila
"Ghorl pano ako naka uwi?" Tanong ni Claire sakin
"Pinasundo kita sa driver niyo" sagot ko sa kanya
"Ahh okayy" sang ayon nila
"Ghorl sino kasama mo kagabi? Kasi nawala daw bigla ung kaibigan ng Kuya mo" tanong sakin ni Shanelle
"Ahhh.... wala nag kasalubong lang kami nung kaibigan ni Kuya sa Parking lot" sagot ko sa kanya
"Ahh okay....." sagot nilang tatlo
"Sino nag hatid sayo?" Tanong naman ni Freya na nagpasamid sa akin kasi umiinom ako ng milktea
"A-ahh si..... Ryzhell" sagot ko na medyo inuubo pa
"Ahhhh balita ko di ka nakauwi sa Condo mo? San ka galing?" Tanong ulit ni Freya sakin na nakangisi
"A-ahhh....ehhhhh sa condo ni Ryzhell kasi di ko nasagot ung tanong niya sakin kung saan ung Condo ko dahil nahihilo ako di ko nga namalayang nakatulog na pala ako eii" sagot ko
"Walang nangyari?" Tanong sakin ni Claire at nasamid nanaman ako di na sa milktea sa sarili ko ng laway gosh
"Wala, walang nangyari okay wag niyo na kong tanong okay masakit ulo ko... o sige na bye matutulog pa ko ulit" sagot ko at pinatay na agad ung call.
BINABASA MO ANG
With You Again
Teen FictionAgain Series #1 Umibig.... Nasaktan.... Nag- umpisa.... Natatakot umibig ulit at takot masaktan ulit. Ito ang storya ng dalawang taong nasira ang pagmamahalan dahil sa isang pag kakamali Magmamahal pa kaya siya o Mamahalin niya pa ulit?