DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, Place, Characters, Business, Events, Locales, It's only imagination of the Author.This story is not affiliated with
ADMU/DLSU/other universities.*************************************************
Nagising ako ng maaga at ginawa ko lang yung usual na ginagawa ko bago pumasok sa school. Nag workout ako dito sa condo ko tas kumain tas naligo. Pag tapos ko mag bihis ay inayos ko yung gamit ko dinala ko yung sport bag ko nag lagay ako dun ng dalawang t-shirt tas towel tas tumbler ko and yung sapatos ko tas yung nike kong headband tas nag dala na din ako ng extra ponytail, pag tapos kong ayusin yun lahat ay umalis na din ako bitbit yung mga gamit ko.
Nakarating na ako dito sa parking lot at dumiretso ako sa kotse ko, pumasok na ako kaagad sa driver seat pagka pasok ko ay nilagay ko sa passenger seat at inistrat ko na yung sasakyan ko at nag drive na.
Maaga akong nakarating sa school buti walang traffic. Pagka park ko ng sasakyan ko ay kinuha ko na yung gamit ko at pumasok na sa school para ilagay sa locker ko yung sport bag ko kinuha ko muna yung tumbler ko kasi i need to drink water every hour you know stay hydrated kailangan maging healthy lalo na may training na kami paniguradong pagudan to, pag tapos kong ilagay yung gamit ko ay dumiretso na ako sa classroom ko.
Pagka pasok ko ng classroom ay konti pa lang yung nandito kasi maaga pa naman kaya dumiretso na lang ako sa upuan ko malapit sa bintana upuan ko sa likod pagka upo ko ay kinuha ko kaagad yung earphone ko at nagpatugtog ng kanta yung kanta na pinatutugtog ko ay yung 'When I look at you' yung kinanta ni Miley Cyrus yun kasi usong kanta ngayon kaya ako yun din pinakikinggan ko, kinuha ko din yung libro na binili ko kahapon naisipan ko din kasing dumaan saglit sa National Bookstore kaya ayun ngayon ko pa lang siya mababasa related naman siya dito sa course ko.
Habang nagbabasa ako ay napatingin ako sa tumabi sa akin, si Selene pala to isa sa mga malapit na kaibigan din to sa akin kasi since third year highschool kaklase ko to hanggang Fourth year highschool kaya kilala ko na siya.
"Hi sis!!!" Energetic niyang bati sa akin
"Hi din sis, himala aga mo ngayon ah" biro ko sa kanya at natawa naman siya
"Hahahahaha maaga ako nagising eii tska nagbabagong buhay na din ako" natatawang sagot niya kaya natawa din ako sa kanya nag kwentuhan lang kami saglit tas biglang may tumawag sa telepono niya di ko alam kung sino yun tska ko na lang tatanungin kasi magbabasa pa ako eii. Nang umalis si Selene ay sinalpak ko na ulit sa tenga ko yung earphone at nag patuloy na sa pagbabasa.
Nang marinig kong tumunog na yung timer ko hudyat na mag s'start na yung klase namin ay binalik ko na sa bag ko yung cellphone ko at yung binabasa ko at ngayon ko lang napansin na halos lahat ay nandito na at sakto naman ng nakuha ko na yung gamit ko ay siyang dating naman ng prof. namin kaya umayos na ako at nakinig na sa lesson.
Apat lang klase ko ngayon kaya maaga kaming makakapag training, Last na subject ko na pero sabi ni Selene wala daw yung prof. namin may sakit may iniwan lang na assignment samin kaya sinulat ko na muna yung ass. na pinapagawa ng prof. namin at pag tapos kong isulat ay inayos ko na agad yung gamit ko at nag paalam na sa kanila.
"Una na ako Selene may training pa ako eii" sabi ko sa kanya
"Sige sige sis bye!!" Kaway niya sa akin.
BINABASA MO ANG
With You Again
Teen FictionAgain Series #1 Umibig.... Nasaktan.... Nag- umpisa.... Natatakot umibig ulit at takot masaktan ulit. Ito ang storya ng dalawang taong nasira ang pagmamahalan dahil sa isang pag kakamali Magmamahal pa kaya siya o Mamahalin niya pa ulit?