DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, Place, Characters, Business, Events, Locales, It's only imagination of the Author.This story is not affiliated with
ADMU/DLSU/other universities.*************************************************
Naka rating na din ako dito sa hospital na pag mamay-ari ng mga magulang ko. Pagka pasok ko sa hospital ay may nagsi bati na sa akin at nginitian ko lang sila. Dumiretso agad ako sa information desk.
"Excuse me, Miss saan pala room ni Mr. Ryzhell Sean Arceo?" Tanong ko dun sa Nurse.
"Ah room 204 po" sagot niya naman sa akin.
"Ah okay salamat" sabi ko at umalis na.
Pumunta ako sa may elevator at sakto namang kabubukas lang kaya sumakay na agad ako at pinindot ang second floor.
Habang hinihintay kong bumukas ay tinignan ko yung bag ni Ryzhell at nakita ko yung wallet niya kaya tinignan ko kung anong laman. Pag bukas ko ng wallet niya nakita ko yung picture niya at ng family niya at nakita ko din na nandun yung mga I.D picture niya kaya kumuha ako ng Isa.
Ibinalik ko na sa bag niya yung wallet niya at kinuha ko naman yung cellphone niya triny ko itype yung birthday ko baka yun kasi yung passcode niya at tama nga ako chineck ko yung photos niya, Habang nagsc'scroll ako ay may nakita akong picture, stolen picture ko yun nung unang date namin napangiti ako kasi naalala ko yung date namin na yon wala lang first time ko kasi yun.
Nang tumunog na yung elevator ay binalik ko na agad yung telepono niya sa bag niya at lumabas na ako. Hinahanap ko yung room niya at nakita ko naman agad kaya pumasok na ako.
Pag pasok ko nandun yung doctor and the doctor was my mother, I don't know kung paano ko sasabihin sa kanya about sa amin ni Ryzhell ay bahala na.
"She's here na po pala Tita" sabi ni Ryzhell.
"Ow! Hi my daughter! How are you?" Sabi niya sa akin.
"I'm.... okay Ma" awkward na sagot ko.
"Ryzhell please be patience to My Daughter 'cause you know she's stubborn" sabi niya kay Ryzhell and I think alam na ni Mama about sa amin ni Ryzhell.
"Opo Tita, Mahaba naman po ang pasensya ko" sabi niya kay Mama.
"Okay, and you Nicole take care Ryzhell okay?" Sabi niya sa akin at tumango naman ako at sinabi niya sa akin yung condition ni Ryzhell wala naman daw nabaling buto or anything napilayan lang siya tska ginamot na din yung sugat niya sa binti at makakalabas na din daw si Ryzhell mamaya.
Nang makaalis yung Nanay ko ay napansin kong nakatitig sa akin si Ryzhell kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ang ganda mo kasi, kamukha mo pala Mama mo" sabi niya at feeling ko ay namumula ang buong mukha ko kaya tumalikod ako at pumunta dun sa may sofa para ilagay dun ang bag niya.
BINABASA MO ANG
With You Again
Teen FictionAgain Series #1 Umibig.... Nasaktan.... Nag- umpisa.... Natatakot umibig ulit at takot masaktan ulit. Ito ang storya ng dalawang taong nasira ang pagmamahalan dahil sa isang pag kakamali Magmamahal pa kaya siya o Mamahalin niya pa ulit?