Chapter 11

2 0 0
                                    





DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, Place, Characters, Business, Events, Locales, It's only imagination of the Author.


This story is not affiliated with
ADMU/DLSU/other  universities.




*************************************************



Nagising ako ng maaga siguro 5 am syempre bumangod ako at nag strech muna tas nag suklay din ako ng buhok ko bago lumabas ng kwarto.



Pag labas ko ng kwarto ay walang tao kaya dumiretso ako sa Cr para mag hilamos pag tapos ko ay dumiretso ako sa kusina para mag luto ng breakfast. Tumingin ako sa ref kung ano maluluto naiisip ko bacon, egg, fried rice and bread kaya yun na lang niluto ko.



Malapit na akong matapos mag luto ng biglang may nag salita sa tabi kaya nagulat ako.



"Good Morning" bati ni Ryzhell sa akin at naalala ko nanaman yung nangyari kagabi.


"Good Morning din...." awkward na bati ko at kumuha siya ng baso at binuksan yung ref para kumuha ng tubig ako naman ay pinag patuloy ko na yung pag luluto. Nang matapos na ako mag luto ay inilagay ko na sa table yung mga niluto ko.



Saktong lumabas naman yung Kuya ko na medyo magulo pa yung buhok at dumiretso agad dito sa lamesa.



"Ang sakit ng ulo ko" sabi niya habang hawak-hawak niya yung ulo niya natawa naman ako sa kanya at si Ryzhell ay napailing na lang at umupo na.


"Hahahahahaha ano ba kasi ginagawa mo Bro? Bat ka ba nagpaka lasing?" Natatawang tanong ko sa kanya habang nag hahain ako.


"Ewan ko din sa sarili ko, wag ka na mag tanong kumain na lang tayo" nakasimangot na sabi niya kaya ako naman ay umupo na din at kumain.



Actually nahihiya ako kay Ryzhell kasi yung nangyari nga kagabi potek bat ba kasi napaka clumsy ko naiinis ako sa sarili ko grrrrr....



Pag tapos kong kumain ay nilagay ko na sa sink yung plato ko para hugasan na ng mag salita si Ryzhell.



"Ako na dyan" sabi niya, nagulat ako sa kanya at dahil sa gulat ko ay nahulog ko yung plato at nasugat yung paa ko.


"Shit!" Sabi niya


"Be careful!" Sabi niya sa tonong naiinis na nag-aalala, agad niya akong inalalayan para maka upo ako, nagulat yung Kuya ko sa nangyari kaya dali-dali niyang kinuha yung medicine kit at inabot ito kay Ryzhell.



Naramdaman ko yung sakit at yung dugo na lumalabas napahawak ako sa balikat ni Ryzhell ng buhusan niya to ng hydrogen peroxide nakurot ko nga ata siya dahil napangiwe siya dahil mahaba kasi yung kuko ko di pa ako nakakapag pamanicure baka bukas na lang o kaya sa linggo. Nang tapos na kong gamutin ni Ryzhell ay tatayo sana ako kaso sumakit yung paa ko at muntikan na ako matumba buti na lang nahawakan agad ako ni Ryzhell sa braso. Si Kuya Kaleb na yung nag hugas ng plato tas pag taos niya mag hugas ay nauna ng umalis kasi may pasok pa daw siya.



Binuhat ako ni Ryzhell pa bridal style papunta sa kwarto ko at nilapag niya ako dun sa kama ko. Pagkababa sa akin ni Ryzhell ay biglang tumunog yung telepono niya sinagot niya ito at punta muna sa balcony ko, ako naman ay tatayo sana ako ulit kasi mal'late ako sa school kaso biglang pumasok naman si Ryzhell at sinenyasan niya akong umupo kaya umupo ako siya naman ay busy pa din sa telepono kaya dahan-dahan akong umusog dun sa dulo ng kama ko at tatayo na sana ng bigla niya akong tinulak sa kama.



With You Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon