DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, Place, Characters, Business, Events, Locales, It's only imagination of the Author.This story is not affiliated with
ADMU/DLSU/other universities.*************************************************
Friday na ngayon at ang traning daw namin ay aabutin ng 11 pm. Okay na yung sugat ko sa paa nakakalakad naman na ako. Hindi pa din mawala sa isip ko yung sianbi ni Ryzhell sa akin at hindi pa din alam ng mga kaibigan at ng family kong may boyfriend na ako. Kinukumpirma ko pa yung nararamdaman ko sa kanya kaya ganun.
Nag p'practice ako ng pag spike kasi sabi ni Coach para daw may substitute daw yung spiker namin kaya eto ako ngayon paulit-ulit pinapalo yung bola sa mga ka teammate ko.
Nag break muna kami kasi ilang oras na din kaming nagp'practice eii. Kinuha ko yung water bottle at uminom ako tas kinuha ko din yung cellphone ko at nag check ng mga messege.
FOUR SISTERS AND A WEDDING
Claireyatot: Wassup
Freyatot: supp
Shaneyatot: Hii
Me: Musta kayo mga sis?
Claireyatot: Okay lang naman
Shaneyatot: Maraming ginagawa
Freyatot: Eto buhay pa naman, ikaw kamusta ka?
Me: Eto MWF practice namin
SendPagka send ko ng messege sa kanila ay biglang may nag pop up na messege sa taas kaya tinignan ko kung sino yun. Pag bukas ko nakita ko pangalan ni Ryzhell.
Ryzhell Sean Arceo
"Where are you?" Tanong niya
"Dito pa sa school, may practice kami eii bakit?" Tanong ko sa kanya
"Do you have your car?" Tanong niya ulit
"Wala pa yung kotse ko 'di pa binabalik ni Kuya Kaleb" reply ko sa kanya
"What time are you going home?" Tanong niya ulit sa akin
"I guess 11 pm" reply ko sa kanya
"Okay :)" reply niya sa akin kaya binalik ko na lang sa bag ko yung telepono ko dahil tinatawag na din kami ni Coach.
Tapos na kami mag practice at sabi ni Coach baka next next week daw ay Monday to Friday na kami mag practice kaya kailangan daw ready kami. Pag tapos ng meeting namin ay lumabas na ako may naunang lumabas sa akin at sakto naman pag labas ko ay nag sitinginan sila sa akin ako naman ay napataas ng kilay.
"Bakit?" Tanong ko sa kanila
"Naks naman, sana all" sabi nila ako naman ay nag tataka at ngumuso sila sa gilid ko kaya tumingin ako at nakita ko don si Ryzhell naka sandal sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
With You Again
Teen FictionAgain Series #1 Umibig.... Nasaktan.... Nag- umpisa.... Natatakot umibig ulit at takot masaktan ulit. Ito ang storya ng dalawang taong nasira ang pagmamahalan dahil sa isang pag kakamali Magmamahal pa kaya siya o Mamahalin niya pa ulit?