DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, Place, Characters, Business, Events, Locales, It's only imagination of the Author.This story is not affiliated with
ADMU/DLSU/other universities.*************************************************
Maaga akong nagising dahil balak kong mag workout dyan sa baba malapit lang dito sa Condo ko kaya 6 pa lang ay nag bihis na ako sports bra tska leggings lang suot ko nag baon na lang ako ng pamalit ko. Nang maayos ko na yung gamit ko sa bag ay umalis na din ako kaaga di ko na sila ginising nag iwan na lang ako ng note nakadikit dun sa may Tv mababasa naman nila yun eii.
Nandito na ako sa Gym nag warm up muna ako mga 7 minutes bago ako mag umpisa. Una kong ginawa ay nag treadmill muna ako habang tumatakbo ako ay napansin kong may tumabi sa akin at si Ryzhell yun aba dito din pala to nag g'gym.
"Hi" bati ko sa kanya
"Uy ikaw pala yan" sabi niya
"Dito ka din pala nag g'gym" sabi ko
"Ah ngayon lang, nag iba kasi ako ng gym para bago naman" sagot niya ng naka ngiti
Tumango na lang ako at nag patuloy na ulit tumakbo, ilang minuto lang ako dun tas umalis na din ako sa treadmill. Kumuha ako ng mat at nilatag na yun mga basic work out lang ginawa ko gaya ng russian twist, planking, tas sit ups.
Habang nag planking ako ay nakita kong lumipat na si Ryzhell at kumuha din siyang mat bago mag push up natulala ako dahil nakikita ko yung muscle niya sa braso shala siya ghorl. Nang mapansin niyang pababa na yung katawan ko tumigil siya sa pag push-up at ginilid niya ung kamay niya at inalalayan yung katawan ko pataas at dun ako napabalik sa realidad.
"Focus on your workout" sabi niya sa akin habang nakangisi tas tumayo na siya at binalik niya na yung mat at pumunta sa locker para uminom ng tubig ako naman ay narinig ko ng tumunog yung timer ko sa cellphone kaya nakahinga ako ng mabuti ng matapos ko na yung workout ko.
Niligpit ko na yung mat at binalik ko na yun at pumunta ako sa locker para kunin yung water bottle ko tas uminom ako tas kinuha ko yung gamit ko at pumasok na sa shower room nakita kong nauna si Ryzhell pumasok sa shower room ng lalaki ako naman sa shower room ng babae.
Pag tapos ko ay lumabas na ako simple lang suot ko high waist na maong short tas white t-shirt lang. Nakita ko si Ryzhell na inaayos yung gamit niya dun sa upuan aalis na sana ako ng bigla niya akong tinawag.
"Zyra!" Tawag niya sa akin kaya huminto muna ako at tumingin sa kanya
"Nag breakfast kana? Tara kain tayo" alok niya sa akin
"A-ah sige..." pumayag na lang ako kasi gutom na ako eii
Sabay kaming lumabas ng Gym at sinundan ko lang siya papunta dun sa kotse niya maganda yung kotse niya ahh Ford Mustang Gt nice, pinag buksan niya ako ng pinto napaka gentleman naman nito kaya pumasok na ako at sinara niya naman yung pinto at dumiretso sa driver seat nag suot naman na agad ako ng seatbelt. Pag kasakay niya ay agad niya ng inistart yung kotse niya at umalis na kami.
Pumunta kami sa mall at nag hanap ng makakainan sa Mcdo na lang kami kumain para mabilis kaya pumasok na kami.
"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa Menu
"Pancake lang sakin tas coffee na din" sabi ko sa kanya
"Sige hanap ka na lang ng upuan natin ako na mag oorder" sabi niya tumango ako sa kanya at ibibigay ko na sana yung bayad para sa order
"Wag na treat ko to" sabi niya kaya tumango na lang ako at umalis na para mag hanap ng mauupuan namin.
Nakahanap ako ng pwesto sa taas malapit sa may hagdan kaya umupo na ako dun. Umakyat na din si Ryzhell dala-dala yung inorder niya. Tahimik lang kaming kumakain kaya nilabas ko na lang yung cellphone ko at tinignan kung may text sila Claire.
FOUR SISTER AND A WEDDING
Claireyatot: @Zyratot san ka ghorl?
Shaneyatot: Oo nga ghorl san ka?
Freyatot: Hinahanap niyo pa malamang kasama niya yung Captain Ball ng Ateneo
Claireyatot: Ay may date?
Shaneyatot: Okay enjoy your date Zyra Nicole Davin Claveria
Natawa ako sa mga pinagsasabi nila kaya nag reply ako sa chat nila.
FOUR SISTER AND A WEDDING
Me: Baliw di yun date inaya niya lang ako kumain kasi malungkot daw kumain mag-isa, kayo kung ano-ano iniisip niyo
Reply ko sa kanila at pinatay ko na agad yung cellphone ko at binalik ko na agad sa bag ko. Napansin kong tapos na pala kumain si Ryzhell parang kanina lang kakaumpisa niya pa lang kumain ngayon ubos na ganun ba ako katagal nakatingin sa telepono ko? Hayy na ko kaya binilisan ko na lang ang pag kain ko.
Natawa siya sa ginawa ko kaya hinayaan ko na lang siya at pinilisan ko na lang talaga kumain. Pagtapos kong kumain ay lumabas na din kami ka sa Mcdo. Palabas na kami ng mall at mag aabang na lang sana ako ng taxi.
"Ako na mag hahatid sayo" sabi niya
"Ay nako wag na magt'taxi na lang ako" sabi ko sa kanya pero nag pupumilit siya
"Ako na malapit lang naman yung Condo niyo eii tska sayang yung bayad mo sa Taxi ipunin mo na lang yan" sabi niya kaya wala na akong nagawa at sumunod na lang sa kanya papuntang parking lot.
Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto pag kasara niya ng pinto ay dumiretso siya ka agad sa driver sit at nilagay sa backseat yun gamit niya at inistart niya na ang sasakyan at nag drive na.
Nakarating din kami ka agad sa Condo ko. Pinag buksan niya ako ng pinto napaka gentleman talaga neto sabi ko sa sarili ko. Pagka baba ko sa lobby ay nag paalam na ako.
"Salamat ah, sige na umuwi kana baka ma traffic ka pa eii" sabi ko
"Naku wala yun, sige bye!!!" Sabi niya sa akin at umalis na siya habang kumakaway sa akin.
BINABASA MO ANG
With You Again
Teen FictionAgain Series #1 Umibig.... Nasaktan.... Nag- umpisa.... Natatakot umibig ulit at takot masaktan ulit. Ito ang storya ng dalawang taong nasira ang pagmamahalan dahil sa isang pag kakamali Magmamahal pa kaya siya o Mamahalin niya pa ulit?