Chapter 4

7 1 0
                                    




DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, Place, Characters, Business, Events, Locales, It's only imagination of the Author.


This story is not affiliated with
ADMU/DLSU/other universities.




*************************************************

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto ko kaya bumangon ako at binuksan ang pinto.


"Kuya bat ang ingay mo?!" Inis kong tanong sa kanya


"Tanga mal'late kana sa klase mo!" Sagot niya sakin lumaki ang aking mga mata at tinignan ko ang orasan kung anong oras na.


"Shet!!! 6:40 na! Kuya bat di mo ko ginising agad?!" Inis kong kinuha ang tuwalya ko


"Tanga kanina pa kita ginigising di ka magising dyan, bilisan mo na kumilos kana" sabi niya sa akin kaya dumiretso na ako sa Banyo.


Mabilisang ligo lang ang ginawa tas nang nakapag ayos na ako ay agad ko ng kinuha ang mga gamit ko at lumabas na di na nga ako nakakain eii narinig kong sumigaw si Kuya.


"Zyra! Kumain ka muna dito!!" Sigaw niya pero di ko na sinagot kasi mal'late na ako.


Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko at muntikan pa akong makabangga buti na lang naka pag preno ako ka agad. Nang makarating ako ng school ay Nandun na agad ang Prof. namin.


"Your late Ms. Claveria" sabi ng Prof. ko


"I'm sorry Ma'am" sagot ko


"Babawasan na lang kita ng Points sa quiz natin today" sabi niya 


" You may go to your seat" dagdag niya.


Nang matapos na ang second subject namin ay hinihintay namin dumating ang Prof. namin pero sabi nung Kaklase ko ay may meeting kaya Cut daw ang Klase hanggang last subject Haysss buti naman dahil kanina pa ako nagugutom di ako nakapag breakfast dahil late na ako.


Umalis na ako ng school ng malaman yung balitang yun at dumiretso na lang sa Mall para kumain. Naghahanap ako ng makakainan ng  mapag isipan kong kumain sa Shakeys. Isang solo pizza tska spaghetti lang inorder ko and water lang.


Pagka tapos kong kumain ay dumiretso na akong Starbucks para bumili ng Coffee.

"Miss isa ngang Venti iced flat white almond Milk" order ko at binayaran na din.


"Name po Ma'am?" Tanong sakin nung casher


"Nicole" sagot ko at nag hanap na ako ng upuan na bakante para umupo muna at nakahanap naman ako dun malapit sa may pintuan.


Habang hinihintay ko ay ginawa ko na lang kuna yung  pinapagawa ng Prof. namin samin di na nga naubusan ng gagawin eii pero ganun talaga nag-aaral eii. Nakikinig din ako ng music sa spotify sa laptop ko at tumugtog ung kanta ng December Avenue isa din sa mga paborito kong banda.


Busy akong nakaharap sa laptop ko ng biglang may nag lapag ng order ko sinundan ko yung kamay niya paangat at nakita ko si Ryzhell 'Anong ginagawa niya dito? Anong oras pa lang ah' takang tanong ko sa sarili ko. Tinanggal ko yung EarPods ko at tinignan siya.


"Thanks" tipid na sagot ko

Umupo siya sa harap ko at nilapag yung gamit niya sa table.


"Bakit ka pala nandito? Di ba mamaya pang 3 uwi mo?" Tanong niya sa akin


"Ahh cut daw yung klase  kasi may meeting yung mga teacher kaya dumiretso ako dito" sabi ko sa kanya pag katapos kong uminom


"Ah akala ko nagcutting ka eii susumbong sana kita sa kuya mo" sabi niya sa akin habang nakatingin sa laptop niya


Napatingin ako sa kanya at tinaasan ng kilay at tumawa lang siya kaya di ko na lang siya pinansin at binalik ko na lang yung tingin ko sa laptop ko.


"Bat ka din pala nandito?" Tanong ko sa kanya


"Ah late kasi ako kaya di na ako pumasok naisipan kong pumunta na lang ng mall sakto namang nakita kita dito sa Starbucks kaya pumasok ako sakto namang tinawag pangalan mo eh kaso di mo marinig kasi tutok na tutok ka dyan sa laptop mo kaya ako na ang umorder" sagot niya sakin 'Ay sana all kayang umabsent' sabi ko sa sarili ko.


"Ah ganun ba thanks ulit, By the way Ano bang Course mo?" Tanong ko sa kanya


"Engineering" tipid na tanong niya sa akin at tumango na lang ako at binalik na ang tingin sa ginagawa ko.


Napansin kong 3 na pala at saktong tapos na ako sa ginagawa ko kaya sinara ko na yung laptop ko at si Ryzhell naman ay natapos na din kaya sinara na din niya yung laptop niya at inaya ko siyang lumabas na.


"Zyra.... gusto mo bang....ahmmm.... manood ng laban namin sa next saturday? May laro kasi kami ng Kuya mo" nahihiyang tanong niya


"Ah sige ba, anong oras ba laro niyo?" Tanong ko sa kanya


"4 pm doon sa court namin sa school, sunduin na lang kita ng mga 3" sabi niya sa akin


"Ow sure pero alam mo ba kung saan Condo ko?" Tanong ko sa kanya


"Ah... ehhh... hindi...." napakamot siya sa ulo niya Hahahahaha cute lang tignan


"Sige send ko na lang sayo yung location kung saan condo ko, sige una na ako ah bye!" sabi ko sa kanya


"Ah sige ingat ka" sabi niya sakin at nag hiwalay na kami.



Nakauwi na ako sa Condo ko at napag isipan kong magluto ng Sinigang na Baboy kasi nagtext sakin si Kuya Kaleb na dito muna daw siya uuwi ngayong week kaya umokay na lang ako.


Pagtapos kong magluto ay saktong dating naman ni Kuya kaya inaya ko na siyang kumain.


Habang kumakain kami ay para naman siya asong inaantay na tumunog ang telepono niya kaya tinanong ko siya.


"Sino ba hinihintay mong tumawag? At naka abang ka dyan sa telepono mo?" Tanong ko sa kanya


"A-ah wala..." sagot niya at binalik na lang ang tingin sa pagkain niya kaya nagkibit balikat na lang ako.


Nang matapos kaming kumain ay siya na ang nag hugas at ako naman ay dumiretso na sa cr para mag toothbrush at mag hilamos na din. Pag kalabas ko ng banyo ay nakita ko siya dun sa sala na busy at maya-maya ay tinitignan yung cellphone niya Hay naku di na lang kasi siya yung mag text o tumawag kesa yung nag hihintay siya parang tanga eii.


Nag skin care muna ako bago pumasok sa kwarto ko. Pagtapos kong mag skin care ay nahiga na ako at binuksan ko ang lampshade ko at nagpatugtog na para makatulog na ako ka agad ayoko ng malate sayang din yung points na mababawas pag nag quiz.

With You Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon