DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, Place, Characters, Business, Events, Locales, It's only imagination of the Author.This story is not affiliated with
ADMU/DLSU/other universities.*************************************************
Pag tapos ko mag palit ng damit ay lumabas na ako, actually nag pants na lang ako tas pinatong ko na lang yung jacket na pinili niya kahit ang init.
Pumunta ako sa sala at umupo na. Busy siya sa laptop niya at may mga nakalagay din na papel sa coffee table kaya kinuha ko na lang yung laptop ko at binuksan yun. Binuksan ko yung netflix para manood ng movie, nakapili na ako ng panonoorin bago lang yun eii yung 365 days, syempre kinuha ko earphone ko baka makaistorbo ako sa isa dito.
Tutok na tutok ako sa pinapanood ko ng biglang may tumabi sa akin. Napatingin ako sa kanya at sinara ko ka-agad yung laptop ko at tinanong siya.
"Bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya
"Kanina pa kasi kita tinatawag kaso di mo ko pinapasin kasi naka tutok ka dyan sa laptop mo tska ano pala yang pinapanood mo?" Sagot niya sa akin
"Bakit mo tinatanong? At ano kailangan mo?" Tanong ko sa kanya
"Papanoorin ko kasi mukhang maganda, ah pupunta kasi akong mall gusto mo ba sumama?" Tanong niya sa akin kaya ako naman ay pumunta sa kwarto ko para kunin yung bag ko tas binalik ko na din yung laptop ko sa kwarto ko tas lumabas na ako at niyaya na siya.
"Tara na" sabi ko sa kanya at siya naman ay inayos muna yung mga gamit niya at pag tapos niyang ayusin ay tumayo na siya at kinuha sa akin yung bag ko nagulat ako sa ginawa niya.
"Akin na, ako na magbibit-bit niyang bag mo" sabi niya at binuksan na yung pinto at sinenyasan akong lumabas na kaya lumabas na ako.
Nakasakay na kami ng elevator at naisip ko kaninong sasakyan yung gagamitin namin kaya tinanong ko siya.
"Ahm, kaninong sasakyan gagamitin natin? Sayo o yung akin?" Tanong ko
"Mine, ginamit ng Ryzhell yung kotse mo dahil wala siyang gagamitin pauwi ipapabalik na lang niya daw sa Driver niyo" sabi niya at ako naman ay tumango na lang.
Bumukas yung elevator at ang daming nagsi pasukan kaya ako ay napaatras hanggang sa mag dikit kami ni Ryzhell sa dami ng taong pumasok ay naiilit na ako kaya hinatak ako ni Ryzhell palapit sa kanya at niyakap ako para 'di ako maipit.
Napatingin ako sa kanya at diretso lang ang tingin niya at minsan kapag nasisiksik ako ay sinasabihan niya yung tao.
"Excuse me sir, naiipit na po siya pwede po medyo umusog po kayo" sabi niya dun sa lalaki at nagsorry naman yun at umusog naman siya.
Bumukas na yung pinto ng elevator kaya lumabas na kami at naglakad na papunta sa kotse niya. Pinag buksan niya ako ng pinto at ako naman ay pumasok na at sinuot na yung seatbelt. Pag sara niya ng pinto ay dumiretso agad siya sa driver seat at sumakay na, nagdasal muna siya saglit bago mag drive.
BINABASA MO ANG
With You Again
Teen FictionAgain Series #1 Umibig.... Nasaktan.... Nag- umpisa.... Natatakot umibig ulit at takot masaktan ulit. Ito ang storya ng dalawang taong nasira ang pagmamahalan dahil sa isang pag kakamali Magmamahal pa kaya siya o Mamahalin niya pa ulit?