Chapter Seven: Nervous to a man called DANGER

349 34 15
                                    

Grienna Labueva


Napapa-sulyap na lang ako sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa kanyang opisina. 'Bakit ba kasi nakakatakot itong lalaki na 'to? Konting mistake lang, titingnan niya na ako ng masama o di kaya ay papatulisin ang dalawang kilay. Tsk!'


Napa-tingin ako sa kamay namin ng bigla niya itong hawakan.


Naramdaman ko na napa-saamin na naman ang atensyon ng mga empleyado. "Ca-Calvin yung kamay ko.. P-Pinagtitinginan tayo oh." utal na sabi ko habang pasikreto na inaalis ang kamay ko.


He smirk. "Tsk! Gusto mo let's fvck in front of them pa." sumbat niya.


'Ay! Bwisit! Baliw na ba siya? I can't imagine. Tangina!'


This time, I feel speechless. Hindi ko na pinansin ang mga tumitingin sa akin bagkus ay tumingin na lang ng diretso sa daan namin.


"Sa tingin mo sis? May nangyari na kaya sa kanila." 'Wow naman! May ihihina pa ba yung bulungan nila? Hindi ko kasi marinig sa sobrang lakas eh. Tsk!'


Si Calvin ay wala man lang paki-alam sa kanyang paligid, basta nakatingin lang sa daan at confident na naglalakad. Samantalang ako ay inis na inis na dito.


Nang marating na namin ang opisina niya ay pinapa-upo niya ako sa kaninang sofa na pinaghihigaan niya bago pa man lang ako dumating kanina.


"Hey! Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko ng bigla nitong ihiga ang kanyang ulunan sa hita ko.

"Pa-iglip lang sandali." seryosong sabi niya.

"Wag kang mamboboso, kung ayaw mong ihulog kita! Now na!" asik ko.

"Gusto mo naman eh. Ano clover ko na ba?" makahulugang wika niya.


Kunot-noo ko siyang pinasadahan ng tingin. "Ha? Anong clover? W-What are you talking about?" nagulumihanan na tanong ko.


He laugh sarcastically. "Tsk! Bahala ka! Alamin mo kung ano yun. Kung gusto mo mag-survey ka pa to know it." mungkahi niya.

'Bwisit! Matanong nga si ate Ezza mamaya kahit sa chat lang.'


"By the way.." kapagkuwa'y kuha niya sa atensyon ko.


Tumingin naman ako sa kanya ng nagtatanong.


"Pupunta tayo mamaya sa bar ni Astro, but sandali lang. Sayo na din pala 'yong sasakyan ko, start from this day. Ka--".. "Talaga!" galak kong impit sabay yakap sa kanya kahit nakahiga siya.

"Wag ka ng mamboso, gusto mo lang akong yakapin! Tapos mamboboso ka lang." mayabang na sabi niya.

"Excuse me. Hindi ako kagaya mo noh!" asik ko.


Napabalikwas siya ng bangon. "Anong sabi mo?!" sabi niya kapagkuwan. Binigyan niya ako ng masamang tingin na ikinalaki ng mga mata ko.

Radioactive 1: Calvin Mashiro {Completed✔️}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon