Grienna Labueva
Pagpasok ko sa office ko ay natanaw ko ang babae na naka-talikod habang naka-upo sa respected seat ko.
Bigla siyang umikot. "How's the meeting?" tanong niya.
Nagulat ako na makilala ko siya. "Griezza? Diba nasa London ka? Teka, baka panaginip lang." kinusot ko ang talukap ng mga mata ko.
'Totoo bang nandito na ang twin sister ko?'
Kapagkuwa'y lumapit ako sa kanya. "Aray, hanggang ngayon ganyan ka pa din. Tsk!" daing niya ng pitikin ko ang kanyang noo.
"Ikaw nga!" sigaw ko.
"Oo nga, ako nga 'to! Ang kulit!" ganting sigaw niya din.
Umupo ako sa lamesa ko. "Ano ate? Kamusta London? May boyfriend ka na? Jowa?"
"Baliw, pareho lang yun. Oo naman noh! Ako pa." bilib niyang sabi.
"Weh? Sino? Patingin nga ako." pangungulit ko.
"Tss. Huwag na noh! Baka mamaya agawin mo pa."
"Sige na, hindi ko aagawin, promise!" sumbat ko.
Inilabas niya naman ang phone niya. "Saan mo naman siya nakilala? Baka may AIDS yan?" 'Aish! Ang sama ko hahaha.'
"Baliw! Wala noh! Saka one month pa lang kami kaya wala pang tusok-tusok hahaha." bulalas niya.
Ibinigay niya sa akin ang phone niya. "Ang gwapo huh. In-fairness ang hot din. Ano palang pangalan niya?" usyoso ko.
"Wow ha! Lahat na lang tinanong. Baka mamaya tanungin mo na din kung saan nakatira?" sumbat niya.
"Ito naman, masyadong high blood, parang tanong lang eh." saad ko naman.
"Tsk! He is Bright Vilnius my lovable boyfriend! Eh ikaw? Saan boyfriend mo?" aniya.
"Wala akong boyfriend!" 'Kasi magiging asawa ko na siya.'
"Wala daw, eh ano yung kinukwento ni Mamita na ka-sosyo mo?"
"Tsk! Pinapakasal nila ako dun. Bwisit! Ang malas ko naman, doon pa sa danger man na yun." reklamo ko.
Nanlaki ang kanyag mga mata marahil sa gulat. "You mean? Kay Calvin? Calvin Mashiro aka Mr. Danger." usyoso niya.
"Sino pa ba? Siya lang naman yung Mr. Danger na kilala natin eh." sagot ko.
"Ano malaki ba yung kanya?" kapagkuwa'y tanong niya.
Pinangunutan ko siya ng noo at nagtatakang tiningnan. "What are you talking about?" takang tanong ko.
"Tsk! Kailan ka pa naging inosente? Alam mo na yun." giit niya naman.
Inisip ko ang gusto niyang plabasin. Pagkaraan ay binigyan ko siya ng masamang tingin. "Ewan ko ba dun! Ni hindi ko pa nga nakita eh. How about Bright?" sagot at ganting tanong ko.
"Hindi pa ako sure about that, maybe sa susunod ko na lang aalamin yan. But I think.. Haha, monster head? Wahaha." halakhak niya. Kaya napatawa din ako.
"Have a bet with me." sabi niya bigla.
"What bet?" tanong ko naman.
"Hahaha, open minded to huh!" aniya.
Tumango ako. "Ano nga?" tanong ko.
"Operation, measure their size from length to width. Dapat ngayong linggo meron ng result." sagot niya.
BINABASA MO ANG
Radioactive 1: Calvin Mashiro {Completed✔️}
RomanceWarning! Danger Alert!-- Ito ang bukambibig ng mga empleyado sa tuwing darating na si Calvin na kanilang boss. He's so handsome, full of intelligent and oozing with sex appeal. Ika nga nila, 'Silent but Dangerous' kaya binansagan siya at kinilalang...