Chapter Nine: Advance

264 32 6
                                    



Pasado alas singko y' medya ng mag mulat ako ng mga mata ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang madilim pang langit sa glass window. Naalala ko na nandito pa pala ako sa kwarto ni Calvin.


Nakita ko na nakatakip ang braso niya sa kanyang mga mata. 'Tulog pa siya? Buti naman.' Lumapit ako sa kanyang mukha para kilatisin iyon. Dahan dahan kong inalis ang kanyang braso na nakatabing sa kanyang mukha.


"Lalo talaga siyang mas gwapo pag tulog." mahinang sambit ko. "So you mean, crush mo ako? Wag mo naman akong pagnasahan."


Napalayo ako agad sa mukha niya ng bigla siyang magsalita. "Damn! Nakakagulat ka." sabi ko kapagdaka.


Tanging ang ilaw lang ng lampshade ang ilaw sa loob ng kwarto kaya, naulinigan ko ang pag tulis ng kanyang dalawang kilay. "May itatanong ako." seryosong wika niya. "Ano?" kunot-noong tanong ko naman. "Ilan ang nasukat mo kagabi?" mapang-asar na ganting tanong niya.


Napalunok naman ako ng maalala ko na naman ang kabaliwan ko. "Uhm.. a-ano..".. "Ano? Sagot na agad! Baka hindi ka na maka-ulit kapag may nasagap na naman ako." atat na sumbat niya.


"E-Eleven po-point t-three in-inches.." nahihiyang sagot ko kaya kumuha ako ng unan at ipinang takip ko agad sa mukha ko. 'Damn it! Damn it! Parang gusto ko tuloy umurong sa deal namin ni ate.'


Kinuha niya naman ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Don't be shy, it's yours now." pambubulalas niya na ikinapula ng mukha ko. Nahampas ko naman siya ng mahina sa kanyang braso. "S-Sige, magluluto lang a-ako ng a-almusal." nautal-utal na palusot ko. "Wag ka ng magluto." sabay ngisi niya.


'Oh! noes!' Bigla nitong iniyakap ang kanyang hita sa bewang ko. "Our wedding is on Tuesday. Wala tayong pasok ngayon, dahil excuse ka, at ako din ngayon sa kumpanya. Wag mo ng itanong kung bakit." mungkahi niya. "Kaya ngayon pa lang. Uunahin na natin ang honeymoon bago ang kasal." mala-demonyong dugtong pa niya. "S-Sandali. Hindi p-pa ako k-kumakain." 'Shucks! Ngayon pa lang naiimagine ko na kung paano ako sisigaw!'


Ngumiti siya ngunit nakakakilabot iyon. "A-Anong ba-balak m-mo?!" kinakabahang sambit ko.


Hindi siya sumagot, bagkus ay pinagdikit niya ang aming noo. Naduduling ako dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Pinilit ko din na hindi mapa pikit. 'Bakit ba ganito siya? Ayoko ng ganito eh!' I gulped twice when I saw him slowly bit his lips like he's seducing me to kiss him.


Biglang sumama ang kanyang tingin. "Kiss na, hay nako! Kanina pa ako naghihintay!" seyosong sabi niya.


Tiningnan ko lang siya sa mga mata at marahan siyang hinalikan sa labi saka mabilis din na nag bitaw.


Muli akong tumingin sa kanyang mukha na seryoso pa din na nakatingin sa akin. Kapagkuwan ay tila nagpigil siya sa tawa. "You kiss me with a dry drool to you lips side." mapang asar na bulalas niya.


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis na tumayo sa kama. "Bakit ngayon mo lang sinabi?! Kainis ka!" pagsigaw ko.

Radioactive 1: Calvin Mashiro {Completed✔️}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon