Ilang saglit pa ay nakita ko sa kanyang likuran sina Sha Sha at Flash holding a baseball bat and iron tube.
Kumunot naman ang noo ng lalaki, paharap na sana siya sa kanyang likuran ng hampasin siya ni Flash sa ulo.
"Flash!" sigaw ni Sha Sha.
Nakahinga naman ako ng masalo ni Flash ang bomb remote at hindi nasama sa pagbagsak ng lalaki.
Tumakbo agad ako saka kinalag ang tali kay Rien. I felt her tears drop at my arm while I'm loosing the rope na nakabalot sa kanya.
"Kami ng bahala dito Kuya Calvin." ani Flash.
"Iuwi mo na si Ate Rien at pagpahingahin. We can manage this." giit saman ni Sha Sha. Tumango naman ako sa kanila, nang makalag ko na ang tali ay niyakap ko si Rien at saka inalalayan sa paglalakad.
Lumakad na kami ni Rien palayo sa kanila, I was to carry her when I heard a three loud bang of a gun exactly. Naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay ni Rien sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Rien? Rien! Please Rien!" She was to fell at the ground ng saluhin ko siya. Wala sa sariling hinugot ko ang baril ko at saka tumingin sa likuran ko. I saw the two lying on the ground habang nanghihingalo. May tama silang pareho sa may tiyan.
Muli niyang itinutok sa direksyon ko ang baril at kinalabit ang gatilyo niyon. But...
I didn't heard a loud bang, ngumisi ako at saka iniharap ang butas ng baril ko sa kanya. "Go to hell! Moron!"
Bang!* Bang!* Bang!*
Pagkatapos ng alingawngaw ng baril ay nanghina ang tuhod ko, hindi ako bumagsak sa lupa bagkus ay minadali kong buhatin si Rien papunta sa sasakyan ko. Nang maayos ko na siya doon ay binalikan ko ang dalawa sa loob. Kahit nanghihina na ako ay inalalayan ko silang dalawa sa pagtayo.
Isinakay ko sila sa back seat. May malay si Flash ngunit si Sha Sha ay papikit na ang kanyang mga mata.
Tumulo ang luha ko na kinikimkim ko mula pa lang kanina. I drove fast, pasikat na din ang araw at saka dumating ang mga nagraragasang sasakyan ng mga pulis sa pinangyarihan ng barilan.
Nang makakita ako ng hospital dahil alam kong hindi na kami aabot sa hospital ni Kuya Klein kung sakaling dalhin ko sila doon. "Hold on Rien!" wika ko habang pinaparada ang sasakyan ko.
"Emergency please!" sigaw ko, aligaga namang nagsilabasan ang mga nurse na may dalang stretcher. Maingat kong isinakay doon si Rien habang ang iba naman ay isinakay ang dalawa pang kasama ko.
Mabilis nilang ipinasok si Rien sa emergency room. "Sir hanggang dito na lang po kayo." wika ng nurse.
"No! Ayoko! Gusto kong pumasok!" asik ko sa dalawang nurse na pumipigil sa akin.
"Sir, hindi po pupwede na pumasok kayo." sabat ng lumabas na doctor.
"But! I wanna see her kung magiging okay lang siya!" bulyaw ko.
"Sir 'wag na po kayong magpilit na pumasok! Pagkatapos na lang po saka kayo pwedeng pumasok." sumbat niya, wala na akong nagawa pa kundi ang sundin na lang siya. Until I found myself sat at the bench.
Napahilamos ako sa mukha ko habang malimit na umiiyak.
Bigla naman ay may mga apurang tumakbo palapit sa akin.
"Calvin! What the hell is happening?" bungad ng kambal ni Rien. Nag-angat ako ng tingin.
"Sh-She's under c-critical." nanginginig na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Radioactive 1: Calvin Mashiro {Completed✔️}
RomanceWarning! Danger Alert!-- Ito ang bukambibig ng mga empleyado sa tuwing darating na si Calvin na kanilang boss. He's so handsome, full of intelligent and oozing with sex appeal. Ika nga nila, 'Silent but Dangerous' kaya binansagan siya at kinilalang...