Chapter Eight: Danger Called: Radioactive

280 31 6
                                    




Ilang oras na ang nakalipas at nahahati na sa dalawa ang mga nakikita ko. Kinusot ko ang dalawang talukap ng mga mata ko na tila babagsak na. Kapagkuwa'y ginala ko ang paningin ko para hanapin si Calvin. "Calvin? May kambal ka pala? Hahaha." bulalas ko.


They smirk at me. "Tsk! Tsk! Poor you.." sabi nilang dalawa. 'Wow! Duet ang peg! Kung nandito din sana si ate, duet din kami.'

"Uwi na tayo." yaya nito. "Lasing ka na, baka mamaya magpa-akay ka na niyan sa akin." dagdag pa niya.

"Hindi noh! Hindi ako lasing oh ayan." sabay tayo ko. I was to be seated ng bigla na lang akong na out of balance sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nahilo.


Hindi ako natumba dahil sa pagkaka-salo sa akin ng pinakilala niya kanina na si Astro. "Lasing na yata 'to tol! Iuwi mo na at baka biglang magwala. Sayang pa naman ang daming hottie ngayon.".. "Astro, ako hottie mwahaha!" sumbat ko naman. "Tsk! Lasing ka na nga talaga." bulong nito sa akin saka binigay ako kay Calvin.

"Ingat na lang sa daan tol! Sa susunod na lang ulit." narinig kong pahabol pa nito bago kami tuluyang naglakad palabas.

"Mukhang may hottie kayo ngayon sir ah.. Well enjoy!" saad naman ng bouncer ng makalabas na kami sa pinto. "Hey, ang gwapo mo haha." sabay tudyo ko sa bouncer.

"Lasing na yan, kaya ganyan. Salamat na lang Kirross." giit naman ni Calvin saka, muli akong inakay papunta sa sasakyan ko. 'Dahil akin na ito ngayon.'

"Where is the car key?".. "Ako na lang ang driver. Vroomm..! Vroomm..!" giit ko naman.


Kinapkapan niya naman ako. 'Shit! Bakit siya nanghaharass?! Gago ba 'to?'

Kapagkuwan ay nakuha niya na din ang susi at pinasok na ako paupo sa passenger seat. "Ako na lang ang mag drive!" pamimilit ko sa kanya. "Ako na! Shut your mouth now." mataray na sabi niya. "Tss, I'm not scared at you! Haha." giit ko pa. "Akala mo takot ako sayo, hahaha. Go to hell!" asik ko.

"Ma-Oommpp!" bigla niya na lang akong hinalikan sa labi ng mga sandaling iyon. I don't know what to do. Hindi ko din matukoy kung sasagot ba ako sa halik niya.


Nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit na kamay niyang malamyos na humahaplos sa hita ko. Ang alam ko na lang na nangyari ay bigla na lang akong nag-responde sa kanyang halik ng ipinid niya ako sa pinto ng sasakyan.


He slip his tongue to my lips na tila nilalasahan ang bawat sulok nito. Bigla na lang din lumalim ang paghinga ko kaya kahit wala na sa sarili ay pilit ko pa din siyang tinulak ng mahina.


"U-Uwi na t-tayo." nahihiyang sabi ko. Muli kong nasilayan ang ngiti niya ngunit ramdam ko na may balak iyon. "Sure." anito matapos niya akong titigan.


Inayos ko na ang sarili ko ng maramdaman ko na humarurot na ulit ang sasakyan.


Naramdaman ko na may tumatapik sa pisngi ko kaya, unti unti akong nag mulat ng mga mata. Nakaramdam ako ng hilo at tila masusuka na ako ng tuluyan ng magdilat ang dalawa kong mga mata. Binuksan ko agad ang pinto ng sasakyan saka dumuwal-duwal. "Tsk! Ayan kasi! Sabi ng five shot lang, tapos nag laklak ng isang bote." pagpaparinig niya. He tap my back habang inilalabas ang maasim na lasa ng kinain ko.

Radioactive 1: Calvin Mashiro {Completed✔️}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon