Calvin Mashiro
The world turn ang it's another day for Calvin. Malapit ng matapos ang buwan and before two days is my wedding day. Malapit na malapit na.
"Anak, ano ba naman 'yan? Bakit ang tagal naman mabuo? Eh bukas ng isa kasal niyo na! Para namang hindi mo yata kami sinunod eh, bawiin na lang namin ang kumpanya mo."
"Mom, ang dami pang oras, hindi kayo mauubusan! Saka hindi naman ganon kabilis mabuo 'yun.".. "Tama ang brother ko!" napalingon naman kami ni Mama sa pagsabat ni kuya mula sa likuran namin. He kiss our mother's cheek.
"Klein, ikaw ba? Kailan ka kaya magkaka-asawa?" tanong ni Mama kay kuya ngunit kibit balikat lang ang tanging tugon niya.
"Ihanapan kaya kita anak, marami akong kilala." ani Mama. Nagsalin naman si Kuya Klein ng tubig at inisang lagok iyon.
"No thanks Ma." sagot niya matapos magpunas ng labi.
"Tatanda kang binata niyan eh. Nasaan na nga pala si Gun Reeve?"
"Siya ngayon ang nasa hospital Ma, sabi niya kasi wala siyang pasok sa school ngayon."
"Naku kuya! Nangbabae yun. I saw him kahapon with a girl." sabad ko sa usapin.
"Baka si Joyce ang nakita mo. Girlfriend niya 'yon. Pinakilala niya na sa akin kaso minsan lang siya nadalaw sa hospital at sinasamahan si Gun."
"Naku! Kabata bata, ilang taon na ba ni Gun wala pa yata siyang kinse anyos eh."
"Ma, he's already sixteen and it's normal to him na magkaroon ng girlfriend." giit ko naman.
"Oo na, basta bantayan niyo ang batang 'yon. May gatas pa siya sa labi para maging tatay." sabi ni Mama.
Inayos naman ni Kuya ang buhok niya. "Opo Ma, sige po alis na ako at may mga patient pa ako ngayon." paalam ni Kuya at muling hinalikan si Mama sa pisngi at ako naman ay tinapik sa balikat.
"Walang kiss?" biro ko kay Kuya. Natawa naman si Mama sa sinabi ko.
"Loko!" anito sabay tawa habang naglalakad palabas ng pinto.
"Ikaw naman Calvin, mamaya sumama ka kay Rien. Magsusukat kayo ng para sa kasal niyo, kayo na rin ang bahalang pumili ng cake and more. Don't worry about your honeymoon place. It's already settled." 'I think mas inuna pa yata nila ang honeymoon place namin kesa sa wedding place eh.'
"Sige Ma, alis na din ako. Baka magalit si Papa at natagalan ako." bulalas ko.
"Oh siya, sige. Ingat ka sa daan." aniya.
I kiss her cheeks and say goodbye to her.
Naglakad na ako palabas ng bahay at sumakay na sa sasakyan ko, pagkaraan ay nagmaneho na ako palabas sa bakuran ng mansion.
Iniliko ko ang direction ng sasakyan ko ng maisipan ko si Astro. Ilang araw na lang at kasal na namin ni Grienna, 'Tsk! Baka makalimutan niya. Ireremind ko lang ulit sa kanya.'
Pagkaraan ng ilang minuto na pagmamaneho ay natanaw ko na ang bar na pagmamay-ari niya. I was to park my car ng biglang lumabas si Astro habang may kausap sa phone, bukas din ang mga butones ng polo niya at hindi rin naka buckle ang kanyang sinturon. Napapailing na lang ako ng bumaba ako sa sasakyan. 'Buti at hindi siya nagkaka-AIDS sa ginagawa niya? Hay nako Astro! Wala na talagang pagbabago sayo. Hindi pa kasi mag-asawa. Tsk!'
"Okay sige, always welcome. Bye!" sabay baba niya sa cellphone niya.
Humarap siya sa akin. "Calvin? Ang agang dalaw yata?" nakangising pangbungad niya.
BINABASA MO ANG
Radioactive 1: Calvin Mashiro {Completed✔️}
RomansaWarning! Danger Alert!-- Ito ang bukambibig ng mga empleyado sa tuwing darating na si Calvin na kanilang boss. He's so handsome, full of intelligent and oozing with sex appeal. Ika nga nila, 'Silent but Dangerous' kaya binansagan siya at kinilalang...