Chapter Twenty One: What's That?!

191 27 19
                                    



Klangg!* Klangg!*

"Gising na Rien!"

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa malakas na ingay na nakatutok sa tainga ko.

Umupo ako sa ibabaw ng kama. "The fvck Ate Ezza!" singhal ko.

Tumaas ang isa niyang kilay. "Huwag mong sabihin na nakalimutan mong ikakasal ka ngayon? Gusto mong isumbong kita kay Calvin?" mungkahi niya.

Pinang-singkitan ko siya ng mata. "Hindi noh! Saka mamaya pa namang hapon 'yon eh!" sumbat ko.

"So, hihintayin mo pa ang hapon bago ka gumising? Hala sige na tayo na dyan."

Klangg!* Klangg!* Klangg!*

Batangtang niya pa sa hawak nitong aluminum na palanggana at isang martilyo. Napatakip na lang ako sa tainga ko dahil sa ingay niyon.

"Ano ba Ate?! Can you please stop that! It's disgusting!" I irritatingly shout.

Humalakhak naman siya. She was to hit it again ng biglang pumasok ang boyfriend nitong si Bright. "Nandito ka lang pala babe, anong ginagawa mo?" tanong nito kay Ate.

'Nag-iingay! Kaya palayasin mo na siya dito kung ayaw ninyong pilipitin ko kayong dalawa.'

Bumaling naman siya ng tingin sa akin. "Ikaw talaga babe, iniinis mo na naman si Rien. Halika na nga sa baba. Hintayin na lang natin siya doon." anito.

'Good to hear that. Umalis na kayo sa kwarto ko. Tsk!'

Kinuha niya naman ang dala ni Ate Ezza na palanggana at martilyo. "Buhatin mo ako bilis!" patili nitong sabi.

Napakamot naman siya sa kanyang batok. "Ikaw talaga. Tsk!"

Pagkaraan ay umangat si Ate at inilakad na ni Bright palabas ng kwarto ko.

Umirap ako saka pabagsak na binalik sa higa ang katawan ko. Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa inaantok pa ako dahil sa pakikipag-usap ko kay Sha Sha kagabi at kay Calvin na huli ng tumawag sa phone ko kagabi.

Kumuha ako ng unan saka itinapal iyon sa mukha ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan at hinila ako ng antok.

Ilang oras pa lang ang naitutulog ko ng may mga lagabag akong nadidinig na nagmumula sa baba.

'Kainis naman oh!'

Kinusot ko ang talukap ng mata ko saka humikab at uminat. Tinatamad na tumayo ako at nagsuot ng tsinelas. Lumakad ako palabas ng pinto para tingnan kung ano ng nangyayari.

Wala pa lang ako sa hagdan ay narinig ko na ang sigawan na tila ng may nag-aaway.

"Hey, sandali! Mag eexplain ako. Ouch!" dinig kong halinghing ni Flash.

Hanggang sa makarinig ako ng huni ng casserole na tumilapon.

"Ang kapal ng mukha mo! Walang hiya ka! Lumayas ka dito!" sigaw naman ni Sha.

Pagkababa ko sa hagdan ay naagaw na agad ng mga mata ko si Ate Ezza at si Bright na sitting pretty sa isang gilid habang pinapanood ang dalawa na halos patayin na si Flash dahil sa ginagawa ni Sha Sha.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid.

'What the fvck! May bagyo bang dumaan? Buhawi?'

Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ako ng kalampag ng kaldero na tumilapon.

"What the fvck are you two doing?!" sigaw ko.

Doon ay naagaw ko ang atensyon nilang apat. "Anong ginagawa niyo? You'll ruin all of my things!" bulyaw ko sa kanila.

Radioactive 1: Calvin Mashiro {Completed✔️}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon