Chapter Seventeen: Devil and Dirty Mind

223 25 4
                                    



After the meeting ay dumiretso na kami ni Rien tungkol sa sinabi ni Mama kanina. Pinasabay ko na siya sa akin dahil pareho naman ang pupuntahan namin.

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang makikinis ang maputing hita ni Rien, gusto ko iyong hawakan ngunit busy pa ako sa pagmamaneho.

"Calvin, naiihi na ako. Hanap muna tayo ng restroom please." biglang singhal niya.

Inihinto ko ang sasakyan. "Dyan ka na lang sa gilid umihi." giit ko sabay tingin ko sa kanya.

"What? Seriously! I mean, I don't want to pee there. I'm not a man to pee where I want." he scolded.

Muli kong pinaandar ang sasakyan. "Tsk! Parang iihi lang sa gilid eh." anas ko.

"Calvin ayun oh! Bilis!"

"Damn it! Oo na ayan na! Hindi makapag hintay eh."

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa di kalayuan sa comfort room na nahagip niya. Patakbo siyang lumabas sa sasakyan kaya sinundan ko na lang siya ng tingin. Bigla namang may tumunog mula sa inupuan niya kanina. Nagtataka ko iyong kinuha.

Ate Ezza calling...

I pressed the answer button. "Hello Rien? Are you free this night? Bar naman tayo." anyaya ni Ezza mula sa kabilang linya.

"This is not Rien, this is Calvin."

Hindi siya nakasagot, hanggang sa marinig ko na lang na pinatay niya na ang tawag. 'Anyare dun? Nagpakilala lang eh. Tsk!'

Muli kong binalik ang phone niya sa kinauupuan niya at muli siyang hinagip mula sa pinasukan niyang CR.

Nakita ko na lumabas na siya at patakbong lumapit sa sasakyan na pinagparadahan ko.

"Success?" tanong ko ng buksan niya ang pinto. Tumango naman siya saka pilyong ngumiti.

"Tara na para hindi tayo masyadong magabihan." sabi niya kapagdaka. Tumango naman ako.saka muling pinaandar ang sasakyan ko.

Ilang minuto din ang byahe namin para lang makarating sa isang sikat na wedding boutique. Hindi ko inalam ang pangalan nito dahil nakasulat ito sa hangul.

Hinawakan ako ni Rien sa braso. "Ayusin mo ang paghawak mo." giit ko ng mapansin kong medyo nahihiya pa siya. She gulped and made a right hold.

 "Annyeonghaseyo Ma'am and Sir." malamyos na bati sa amin ni Rien ng makapasok kami sa loob.

Nahinto naman si Rien sa paglalakad kaya nahinto din ako. "Uhm, excuse me." kuha niya ng atensyon sa babaeng bumati sa amin. "Where is Unnie Kellene."

"Grienna!" napalingon kami sa malakas na boses na tumawag kay Rien. Ngumiti siya saka hinila ako palapit sa babae na mukhang Koreano.

"Annyeong Unnie Bogoshipeo." ani Rien.

"Haha, talagang kinareen mo na ang pag gaya sa akin huh?" sagot naman ng babae na tinawag kanina ni Rien na Kellene.

"By the way Unnie, this is Calvin my soon to be husband," inilahad ko naman ang kamay ko for shake hands. "Calvin, this is Unnie Kellene, the owner of this boutique." pakilala pa ni Rien.

"Mannaso bangawoyo Calvin." aniya.

"Nice to meet you too Unnie Kellene." nagulat naman sila sa sagot ko.

"Nakakaintindi ka ng korean Calvin?" namamanghang tanong ni Rien. Tumango lang naman ako ng seryoso pa rin ang mukha.

'Mag sample nga.' "Musen ill eesoyo?" I asked.

Radioactive 1: Calvin Mashiro {Completed✔️}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon