Naalimpungatan ako ng marinig ko ang sasakyan nya na dumating.Kanina pa ko naghihintay sa kanya kasi nga may gusto akong sabihin at baka pag sinabi ko yun eh matuwa naman sya.
Umupo ako ng maayos sa sofa habang hinihintay syang makapasok sa bahay at kasabay nun ang malakas na kabog sa dibdib ko
"Really?" Narinig kong boses ng babae na nagsalita At kasabay noon ang pagpasok nito sa loob ng bahay at ganon ko na rin nakita na nakakapit sa kanya ang babaeng yun ay sya namay naka akbay dito
"So sino sya?" Tanong ng babae Kay stefan
"My maid" maikling sagot nito habang hindi makatingin sakin
"Really? Mukhang kanina ka pa nya hinihintay ah?" Sabi nito at sabay tingin sakin nila ulo hanggang paa
"Don't mind her. Let's go" yaya nya sa babae para umakyat
"Stefan" awat ko sa kanya habang naka hawak sa kamay nya
Tinignan ako nito at alam kong hindi sya masaya sa ginawa ko agad kong binitiwan ang kamay nya
"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ko sa kanya
Masakit na makita ko syang may kasamang iba pero mas masakit ang sinabi nya
"Ayoko. At wala akong pake sa sasabihin mo" walang gana nyang sabi sakin
Nakita ko pang Napa smirk ang babaeng kasama nya kung pwede nga lang sabunutan ang babaeng ito ay kaladkarin sa labas eh gagawin ko na eh
Aakyat na sana sila sa taas ng magsalita ulit ako
" I'm pregnant, Stefan" seryosong sabi ko sa kanya at nakita kong napahinto sila sa paglakad at ganon na lang ang mabilis na lakad ni stefan papunta sakin at hilain ako sa braso papuntang kusina
"Pwede ba tigilan mo na to!" Inis na sabi nya sakin ng makapunta kami ng kusina
"Hindi kita niloloko! Buntis nga ako!" Sagot ko rito
"At ano? Sa tingin mo maniniwala ako sayo?!" Sigaw nya sakin
"Bakit hindi eh kung totoo naman" seryosong sagot ko sa kanya
Nakaramdam na lang ako ng sampal sa mukha ko at naramdam ko ring namanhid yun. Hindi ito ang unang beses na saktan nya ko pero ito na yata ang pinaka masakit
Binaling ko sa kanya ang mga mata at nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit at puot
"Kahit sabihin mo na buntis ka, hindi ako naniniwalang ako ang ama ng batang yan!" Sagot nya kaya napatulala ako ng Ilang minuto.
"Hindi ko akalain na masasabi mo yan? Alam mong sayo ko lang binigay ang pagkababae ko at kaya mo pa rin sabihin yan?" Biglang pagtulo ng luha ko. Hindi ako nasasaktan para sa sarili ko kundi para sa anak ko.
"Malandi lang babae! Kaya Pwede ba wag mo kong idamay dyan sa batang yan dahil wala akong pake!" Sabi nya sakin at ganon na lang talaga nadurog ang puso ko
Sorry baby, sorry kasi alam kong naririnig mo ito at alam kong nalulungkot ka
"Wala kang pake?" Pag uulit ko sa sinabi nya
"Oo. Wala akong pake sa inyong dalawa ng batang yan!" Sigaw nya sakin.
Napayuko na lang ako dahil sa sobrang sama ng loob at sobrang panlalabo ng mga mata ko dahil sa pag iyak. Umakyat na sya sa taas kasama yung babae nya kanina at narinig ko pa itong nagsalita kung bakit natagalan daw si stefan, at ang sagot naman nito ay I ayon lang daw ang peste.
Dumiretso ako sa guest room katabi ng kwarto nya, naririnig ko pang umuungol ang babae sa kabilang silid at pag sara ko ng pinto agad na lang nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig ganon pa rin ang luha ko, walang tigil.
"Siguro nga tama lang tong gagawin ni mommy baby? I'm sorry kung lalaki kang walang ama, Pero mas lalo akong mag sisi kung lalaki ka at makikita mo ang sitwasyon namin ng daddy mo" bulong ko sabay hagod ko sa tyan
"I'm sorry kasi mali ang desisyon ni mommy, dapat hindi na lang ako pumayag sa arrange marriage na to para hindi tayong dalawa nasasaktan." Iyak pa rin ako ng iyak dahil sa sobrang sama ng loob ko
"Aalis tayo baby, papalakihin kita kahit ako lang mag isa ok?" Sabi ko sabay tayo
Kinuha ko ang maleta ko at pinaglalagay ang mga damit ko rito.
Isang oras din ako nakatulala sa kawalan at hindi ko na rin sila naririnig. Siguro nga ay tapos na rin silang dalawa
Tumayo ako at hinila ang maleta pababa. Nakita kong umiinom ng tubig yung babae kanina na kasama ni stefan, maganda ito aparang isang modelo
"Ohhh! look who's here?" Mapang asar na sabi nito habang naka smirk
"Pwede ba tigilan mo ko." Matapang na sagot ko sa kanya lalagpasan ko na sana sya ng bigla nyang hilain ang buhok
"Aray!" Sigaw ko dahil sa sakit ng paghila nito at dahil na rin sa pag ka bigla
"How dare you! Wag mo kong babastusin at tatalikuran pag kinakausap kita!" Sigaw nito sa akin.
"Bitiwan mo nga ako sabi ko sa kanya sabay hila rin ng buhok nya
"Ah! Lumalaban ka pa ah!" Lalo nya pang nilakasan ang paghila sakin
"Fuck you bitch!" Sigaw ko rito at ganon na lang ang pag ka shock ko ng bigla nyang bitawan ang buhok at biglang umiyak na akala mo ay sya ang inaapi
Nagulat na lang din ako ng may biglang umawat samin at natulak ako sa sahig
Napatingin ako sa taong yun galit pa rin ang mukha nito
"Stefan, help me!" Biglang lapit at hawak sa braso ng babaeng yung Kay stefan
"Anong nangyari?" Alalang tanong nito sa babae
"She started it! Bigla na lang nya akong sinabunutan!" Paawa effect na sabi nito
"Stefan, wag kang maniniwala! Sya ang unang nanakit sakin." Sabi ko sabay tayo
Nakita ko pang napa tingin ito sa maleta na dala ko
"Ano yan?" Tanong nito
"Ahh a-ano kase"di ko masabi sabi yung dahilan ko
"Iiwan mo ko? Aalis ka?" May takot at lungkot akong narinig sa boses nya pero inis at galit naman sa mga mata nito
Di talaga ako makasagot sa kanya hindi ko alam bakit pero para akong walang boses
" mabuti pa nga! Umalis kana!" Sabi nito sakin
Nagulat ako sa sinabi nya pero di na lang ako nag salita pa at kinuha ko na lang ang maleta ko at tuluyan nang iniwan ang bahay na yun.
Sumakay ako ng taxi papunta sa guesthouse namin ng family ko sa manila bukas na bukas kasi ay pupunta ako ng state. Iiwan ang magulung naging buhay ko dito at mag sisimula muli ako sa ibang lugar. Patuloy pa rin ang sakit at luha ko ngayon, mas di ko pala kakayanin pag ang taong mahal ko mismo ang magpapa-alis sakin sa bahay na akala ko ay magiging saksi sa pagmamahal ko sa kanya. Mas masakit pala marinig ang mga salitang yun mula sa kanya.
Naka tingin lang ako sa bintana at pilit ko pa rin pinapatahan ang sarili ko mula sa pag iyak. Masakit man sa damdamin pero mas kailangan kong inisipin ang kalagayan ng anak ko dahil alam kong hindi rin ito magiging maganda kung ipagpapatuloy ko pa.
Po Nakarating ako sa Manila at pinagmasdan ang buong bahay. Malaki pero nalungkot. Pumasok ako sa loob at pinagbubukasan ko ang mga ilaw, medyo maalikabok din ito, marahil ay di masyadong naaasikaso ng mga tagabantay. Nilapag ko ang maleta na hawak hawak ko
"Tama lang ito Sam, para sa sarili at para rin sa Bata ito" sabi ko sa sarili ko at kasabay non ang paglabo ng paningin ko
*********
Don't forget to vote and comment ok?ATTENTION:
Mamimili ako ng mga name ng new character sa story na gagawin ko so keep commenting guys and enjoy reading!