Chapter six: divorce paper 2

94 5 2
                                    

Stefan POV

It's been a month now nang simulang iwan ako ng babaeng mahal ko. Yes, I love her so much but I also need to protect her.

Nakatanggap ako ng text mula sa kanya na gusto na nya makipag divorce sakin. Dapat ay matuwa ako kasi malalayo ko sya sa kapahamakan kapag pumayag akong makipag divorce sa kanya pero hindi ko kaya na lalong mahiwalay sa kanya

Nakatulala lang ako sa kawalan habang iniisip kung May nahanap naba syang iba na papalit sakin kaya gusto nyang makipag divorce. Masakit pero hindi ko alam ang gagawin ko.

Naalala ko nang sabihin nyang buntis sya at ako ang ama. Alam kong ako ang ama pero nang nalaman ko yun ay nagalit ako hindi dahil sa buntis sya kundi dahil pwedeng mawala sakin ang mag ina ko.

Maraming bagay ang pwedeng sumira sa mag asawa at sa sitwasyon ko ngayon pinili kong gamitin ang mga babae para magalit sya at iwan ako.

Naalala ko yung panahon kung kailan ko sya minahal at yun yung bago mamatay ang daddy nya.

"Marami akong gustong sabihin sayo stefan, pero ito lang ang tatandaan mo. Alagan at bantayan mo ang prinsesa ko. Mahalin mo rin sya tulad ng pag mamahal ko sa kanya" sabi ni Tito robert

Nasa office nya kami nung nga panahon na yun.

"Mahal ko na po ang anak nyo Tito." Sabi ko nang naka ngiti at ganon din sya

"Alam kong konting oras na lang ang natitira ko dito at alam kong papatayin na nila ako" sabi nya

Nila? Sinong papatay sa kanya?

"Ano pong sinasabi nyo?" Nagtatakhang Tanong ko

"Wala. Wala ito ijo" sabay tawa nya

"Tito please, sabihin nyo sakin" sabi ko sa kanya

"Hindi ko sila kilala pero alam kong lagi silang nagbabantay. Ikaw ijo, kailangan mong protektahan ang anak ko pag namatay ako naliwanag ba?" Seryosong sabi nito

Yun ang huli naming pag uusap ni tito dahil namatay na sya pagkalipas ng tatlong linggo. Nangako ako Kay Sam, na hahanapin ko ang pumatay sa ama nya at gagawin ko yun Pero ang mahalaga ngayon ay yung nailayo ko sya dito sa pinas.

I'm not ganna blame her if she's mad at me dahil sa ginawa ko sa kanya. I want her safe kaya ko yun nagawa. Maraming mata ang nakatingin samin at di ko hahayaang mawala sakin ang mag ina ko.

Naalala ko nang may mangyari samin ni sam. Masaya ako at alam kong masaya din sya I didn't tell her that I love her kasi maghahanap sana ako nang tamang oras para sabihin sa kanya yun pero hindi rin yun nangyari kasi nung pumunta ako sa libing ng daddy nya ay May inabot sakin papel ang kasambahay nya

Ingatan nyo po si ma'am sam, sir.
Ang nauuna sa sulat bago ko ito buksan tinignan ko pa ang kasambahay na yun pero Nawala na sya

"Papatayin kita at isusunod ko ang anak mo Robert Cruz" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng nabasa ko yun at simula ng araw na yun ay ginawa ko ang lahat para magalit sya sakin at iwan nya ako para maging ligtas sya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang lahat kaya ginagawa ko yun

Masakit para sa akin na saktan sya nung mga panahon na sinabi nyang buntis sya pero mas masakit isipin na mamatay sya kasi selfish ako.

Ginagawa ko ang lahat ngayon para mahanap ko kung Sino ang nasa likod nito at pag nangyari yun ay hahabulin ko si sam at ang anak naming dalawa.

Kumatok at pumasok sa office ko si zhairylle na secretarya ko. Para ko na syang kapatid dahil matagal tagal na rin syang nagtatrabaho para Kay papa at hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo maganda ay sexy naman sya?

"Sir pinadala po ito ni ma'am samantha para sa Inyo" sabi nya. Tumango bilang pag oo ay pagtapos noon ay ang pag labas nya ng office ko

Nang buksan ko ang sobre na pinadala ni sam, nakita ko ang divorce paper, ito na Siguro yung sinasabi nyang mga dokumentong ipapadala nya sakin

~~~~~~~~~itutuloy~~~~~~~~

Don't forget to vote and write a comment ❤️

ATTENTION:
Thank you so much sa name na binigay mo @marcoOlido 💋

Enjoy 😉

Mrs.AlfonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon