Sam POV
Eto ang araw na babalik kami sa pinas at kasalukuyan kong binibihisan si phonix, para mamaya.
"Mommy are you okay?" Tanong sakin ng anak ko
"Yes baby, why?"
"Kasi parang di po kayo ok" sabi nya
"Mommy's ok, nalulungkot lang ako kasi Iiwan natin si tito Ben mo" sabi ko sa kanya
"Mommy don't be sad. Pupuntahan naman tayo ni tito duon diba?" Sabi nito
Oo pupunta din sa pinas si Ben, ngayon kasi ay may tinatapos pa syang trabaho at di nya ito pwedeng iwan.
"Yes baby" ngumiti na lang ako
Nang matapos ko syang bihisan ay bumaba na kami ni phonix sa baba. Nakita kong nakatayo si ben, sa sala
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya
"Pwede bang ako ang maging driver nyo today?" Nakangiti nitong sabi
"Oo naman" napangiti na lang din ako
Tinulungan kami ni Ben, ilagay lahat ng gamit namin sa sasakyan at duon na kami umalis para bumyahe. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa airport
"I promise, just give me a two weeks at pupuntahan ko kayo ok?" Sabi nito at humalik sakin
"I know. I'll wait for you" sabi ko sa kanya
"Good answer" Sabi nito sabay tap sa ulo ko
"And you little bud, be a good boy ok?" Sabi nya Kay phonix ay sumaludo naman si phonix sa kanya kaya lalo akong natawa at ganon din si Ben.
Nagpaalam na kami sa isat isa at pumasok na kami sa airport. Naghintay kami ng ilang oras bago makasakay sa airplane, hinanda ko na rin yung tubig incase na kailangan ni phonix mamaya pag sumakit ang tenga nya.
~~~~
Nakarating kami sa pilipinas ng 9am sa oras natin at nakita rin namin si mommy na naghihintay para sa pagdating namin.Ngumiti ito ng maganda at nag wave samin ni phonix, agad naman na nakilala ni phonix, si mommy kaya nauna na itong tumakbo papunta sa kanya. Niyakap ni mommy ng mahigpit phonix, at sinabing sobrang namiss daw nya ang apo nya kaya napangiti na lang ako.
Sumakay kami sa sasakyan ni mommy at buti na lang may driver sya. Umupo ako sa passenger seat at pinikit ko ang mata ko dahil sa sobrang pagod at sakit ng ulo, naririnig ko namang nag kukwentuhan ang mag lola kaya napangiti na lang ako, buti pa si phonix hyper pa rin akala mo walang jetlag. Hay nako.
Ilang oras lang ng makarating kami sa bahay. Sa bahay ni daddy to be exact. Ganon pa rin ang itsura nito. Maganda pa rin. Bigla ko tuloy namiss si daddy, kaso wala na sya. Naramdaman kong hinawakan ni mommy ang balikat ko kaya tumingin ako sa kanya at binigyan lang nya ako ng magandang ngiti.
Dinala ng mga katulong ang mga gamit namin ni phonix sa magiging kwarto namin. At dinala na rin nila si phonix sa kwarto nya dahil nakatulog ito sa byahe. Naiwan kami ni mommy sa sala
"Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin tumango ako bilang sagot
"Kailan mo kikitain si stefan?" Tanong nito
"Di ko pa alam ma" sabi ko
"Eh si ben? Kailan sya pupunta dito?"
"In two weeks daw ma, may trabaho pa kasi sya na di nya pwedeng iwan" sabi ko sa kanya
"Okay, magpahinga kana anak, alam kong pagod ka" Sabi nito at umalis na sya babalik daw kasi sya sa company dahil may naiwan syang trabaho duon
Umakyat ako sa taas at akmang papasok na sana ako sa kwarto ko ng may makita akong sobre sa tapat ng pintuan ko tumingin pa ko sa paligid pero wala naman akong nakitang tao.
Ano kaya itong sobre na to? Kulay pula ito at halatang mahal. Pag pasok ko sa kwarto ay umupo ako sa study table ko at binuksan ito halos manlamig ang buo kong katawan.
DI KA NA DAPAT BUMALIK
Yan ang nakasulat sa papel pero hindi yun ang nagpatakot sakin kundi ang ginamit na panulat dito. Dugo ang ginamit na panulat dito at alam kong hindi ako nagkakamali. Ngunit Sino ang gagawa nito? Nararamdaman kong nanginginig ang buo kong katawan dahil sa nabasa ko at natatakot ako para Kay phonix.
~~~~~~itutuloy~~~~~
Dont forget to leave a vote and comment.