Sam POV
Araw ng lunes ngayon at 3days na kami ng anak ko dito sa pinas at hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako dahil sa sulat na natanggap ko nag tataka rin ako kung Sino ba talaga ang nagbigay noon, hindi ko pa sinasabi Kay mommy o kahit Kay ben ang sulat na yun dahil ayaw ko silang mag alala at isa pa gusto kong malaman kung sino ang gumawa noon at nang malaman ko rin kung bakit nya ginawa yun at isa pa pala naninibago pa rin ako at si phonix sa temperatura dito sa pinas pero ko lang naman.
Kasalukuyan kaming namamasyal ni phonix, ngayon dito sa mall at halatang nag eenjoy naman sya kaya masaya na rin ako, May mga nakikita rin akong mga tao na nakatingin sa kanya at ang iba dito ay kinukuhanan pa sya ng litrato kaya naman napapangiti na lang ako ng palihim. Bakit ba kasi ang cute cute ng anak ko eh! Hahaha #proudmommy lang ang peg hahaha
"Parang pamilyar ang mukha ng bata na yan?" Bulungan ng mga babae na nadadaan namin
"Oo nga eh, di ko lang malala kung sino" sabi pa ng isa kaya napatingin naman ako sa mga babaeng yun. Hindi kaya si stefan ang naaalala nila?
"Tama! Si sir stefan alfonso!" Kinikilig na sabi ng isang babae, mukhang natandaan nga nila
"Ang weird? Wala namang jowa si sir stefan ah?" Sabi pa ng isa
Di ko na narinig ang pinagusapan nila dahil medyo naka layo na kami
Pumasok kami sa isang clothing shop dito sa mall at namimili ako ng damit naming dalawa ni phonix, mas mura kasi dito compared sa US na mahal talaga.
Inabot kami ng isang oras sa shop na yun kapipili at nang maramdaman namin ang gutom ay pumunta kami ni phonix sa isang kainan. Nag order kami ni phonix ng pagkain at makalipas lamang ang ilang minuto ay dumating na ito.
Nang matapos kaming kumain ni phonix, ay May mga shop pa kaming pinuntahan at binilhan ko rin ito ng laruan kahit na alam kong matalino ang anak ko at di tugma ang utak nito sa katawan nya ay alam ko pa rin na kailangan nitong maglaro. Binilhan ko sya ng tatlong Ibat-ibang laruan.
Nang makauwi kami sa bahay ay dumiretso kami sa kwarto ni phonix para bihisan ko ito ng pambahay at pagkatapos kong gawin yun ay iniwan ko na syang magisa sa kwarto nya para maglaro hindi ko rin sinasara ang pinto nya para pag tinawag nya ko ay marinig ko agad sya
Kasalukuyan akong nanunuod ng t.v nang biglang lumitaw ang picture ni phonix sa palabas.
"Oh my ghad" yun na lang ang nasabi ko nababasa ko rin sa headline na pinagtatalunan ng mga tao kung anak ba talaga ni stefan ang anak ko. Isa daw kasing netizen ang nag post nito at agad naman na nag viral dahil nga daw sa napaka gwapo ng anak ko.
Kilala rin kasi si stefan dito sa manila dahil sa matagumpay nyang napalago ang kompanya nila at ngayon ay nasa top 2 na at di rin naman maikakailang gwapo ito at makisig at isa pa isa ito sa mga pinapantasya ng mga kababaihan dahil nga daw ay wala itong nobya o asawa man lang.
Maraming nagsasabi ay oo at ang iba naman ay hindi naman. Now I'm thinking kung paano ko ito malulusutan alam kong makikita at makikita ito ni stefan at pag nangyari yun ay baka makipag kita ito sakin o baka ay hindi rin.
Napahawak na lang ako sa ulo ng bigla itong sumakit. Hay naku. Stress na stress na ko!
~~~~~~itutuloy~~~~~~
Don't forget to leave a vote and comment!Enjoy the story guys!