Chapter 12: Meet tye alfonso

89 3 1
                                    

Sam POV

Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng mangyari and paglabas ni phonix sa tv nakatanggap din ako ng text mula Kay mommy na nakita daw iyon ng daddy ni stefan at gusto nitong makita ang apo na si phonix, pumayag ka rin ako para naman makilala na rin ni phonix, ang side ni stefan.

Kasalukuyan kong binibihisan si phonix, para sa pag alis namin.

"Mommy, is he scary?" Tanong nito kaya napa tingin ako rito

"Who's scary?" Tanong ko

"Grandpa?" Pagkasabi nya non ay napatawa na lang ako

"Naku baby, mabait si tito Rey, hindi ka nya tatakutin"

"Really mommy?" Masayang sabi nya

"Hahaha yes baby, really" tumatawang sabi ko

Pagtapos ko syang bihisan ay nagpahatid na kami sa driver namin papunta sa mansyon ng alfonso.

Ilang oras ang byahe namin papunta sa bahay nila tito Rey at nang makarating kami duon ay sinalubong kami ng mga maid at kinuha nila ang bag ko at inalalayan kami na makapasok. Ganito na ganito pa rin ito ng umalis ako walang pagbabago maliban na lang siguro kasi nagdagdag sila ng mga painting at ibang mga antique sa loob

Nang maka pasok kami ay naabutan ko ang lahat. Lahat. Si tito Rey, ang tatay ni stefan, Tita Emily, na mommy nya at si rica na bunsong anak ng mga alfonso at naabutan ko rin si tefan na kasama nila.

Biglang tumibok ng napaka bilis yung puso ko hindi ko alam kung dahil sa kinabahan ako o dahil Kay stefan mismo. Ang gwapo nya parin! ang matatangos na ilong nito at yung mga mata nya na ginagayuma ka

Nakaupo ito ng tuwid ay para banang kinakabahan. Seryoso din itong nagiisip

"Ija!" Malakas na boses ni tito Rey ang sumalubong saamin. Napatingin ang lahat at kasabay noon ang pagtingin din ni stefan sa direksyon namin ni phonix, at mas lalong tumibok ng mabilis ang puso ko ng tumingin ito sa akin.

"Hello po tito rey" sabi ko kay tito rey nang tumayo ito at yumakap sakin ganon din naman sila tita emily at rica at si stefan naman ay nanatiling nakaupo habang titig na titig sakin.

"Kamusta po kayo?" Sabi ko sa kanila pagtapos namin magyakapan.

"Okay naman kami ija! Namiss nga lang kita" sabi ni tita emily

"Patawad po kung di man lang ako nagpaalam bago umalis" sabi ko sa kanila habang naka yuko

"Ano kaba  ija, ayos lang yun at maraming salamat na rin sa panginoon at ligatas ka pati na rin itong apo ko" sabi ni tito rey

Pinakilala ko sa kanila si phonix, at medyo nahihiya pa ito kasi nga naman ay first time nyang makita ang lolo nya Kay stefan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay naging okay na si phonix, at nagsimula nang lumapit lapit sa kanila at ganon na lang ang saya nila dahil Kay phonix at ganon din naman si phonix, kaya masaya na rin ako.

Nakita kong nakatingin si stefan, sa anak at parang naghihintay ito na lapitan sya ng bata at kita sa mukha nito na nasasabik din sya sa yakap ni phonix.

"Sya nga pala ang daddy mo" sabay turo ni rica kay stefan, kaya napatingin naman si phonix, dito at ganon din si stefan, pareho silang nagtitigan hanggang sa lumapit na papalapit si phonix Kay stefan, agad na niyakap ni stefan si phonix at nakita ko rin na may pumatak na luha sa mga mata nito.

"Daddy" umiiyak na sabi ni phonix, naiiyak din ako kasi parang feeling ko na kasalanan ko ang lahat kung bakit hindi man lang kilala ni phonix, si stefan na ama nito sa personal

Tumingin si stefan Kay phonix, at pinunasan nito ang luha ng anak at ganon din sya. Lahat kami ay tahimik lamang sa loob ng bahay at talaga naman na walang nagsasalita at pinapanuod lang namin sila.

"Masaya ako at nakita na rin kita" sabi nito

"Me too daddy" sabi ng anak ko at yumakap ulit sa ama nito

Ang saya ng mukha nilang dalawa kahit pa umiiyak si phonix, sa balikat ni stefan, tinatapik tapik naman ni stefan, ang likod ng anak habang umiiyak ito

Ilang oras lang ako ako duon at napagpasyahan ko na iwan ko muna si phonix sa poder nila kahit isang gabi lang, iniwan ko rin ang mga damit nito sa kanila at sinabi nila na sila na daw ang bahala sa anak ko.

Nagpaalam na ako Kay Phoenix na aalis na si mommy at yumakap naman ito sa akin

"Thank you so much for this mommy" sabi nya kaya hinagod ko ang ulo nito

"Everything for my baby" sabi ko at hinalikan ang noo nito, nakita ko rin na nakatingin si stefan samin na para bang May gusto itong sabihin.

Umalis na ko sa bahay alfonso at umuwi na sa bahay ni mommy, iniwan na rin ako ng driver dahil May pupuntahan daw si mommy.

"Bakit ang dilim?" Sabi ko ng makita kong walang ilaw na bukas, mag gagabi pa lang kaya imposible na tulog na sila. Tumawag tawag pa ako sa mga katulong pero wala man lang sumasagot sa kanila. Sinimulan kong hanapin ang switch ng ilaw para buksan ito nang maramdaman kong may tao sa likod ko sisigaw na sana ako ng bigla nyang takpan ang bibig ko at unti-unti na akong nawalan ng malay.

Third person POV

"Bakit natin sya idadamay" sabi ng kasama ko sa kwarto

"Bakit hindi?" Sagot din ng isa pa

Nakaupo lang ako dito sa upuan ko habang nakatingin sa babaeng hawak namin

"Wala naman syang kinalaman duon ah?" Sabi nung isa

"Parte sya non! At pwede ba wag ka ngang masyadong mabait!" Inis na sabi ng kapatid kong nakaupo sa lamesa

"Basta wag nyo muna syang gagalawin" sabi ko at unalis na sa silid na yun

Kasalanan ito ng malalapit sa kanya kaya pati sya madadamay din

~~~~~~itutuloy~~~~~~

Leave a vote and comment guys!

Enjoy reading!!!

Mrs.AlfonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon