Sam POV
Nagising ako sa loob ng kwarto ko. Chinek ko agad kung may mga sugat ba ako o pasa pero wala akong nakita kahit isang galos wala.
Nanaginip lang ba ko kagabi? Yan ang tumatakbo sa isip ko. Pero imposibleng nanaginip lang ako.
Bumaba ako sa sala para mag tanong sa mga kasambahay at sabi nila na bigla na lang daw namatay ang mga ilaw kagabi mga five minute daw itong nawala at wala naman daw silang narinig na tumatawag sa kanila. Ang sabi pa nila ay wala daw ako sa bahay nang mangyari yun kasi dalawang oras ang makalipas ay hinatid ako ng kaibigan kong lalaki, hindi naman daw nila natanong ang pangalan kasi nagmamadali daw itong umalis.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko nang sabihin ng mga katulong na may naghatid sakin sa bahay. Imposible. Hinatid ako ng driver namin dito at alam kong may nagtakip ng bibig at ilong ko kaya ako nawalan ng malay. Hindi kaya sila rin ang naghatid sakin dito?
Nakaplano lahat ng ito. Five minute nawalan ng ilaw at nagawa nya agad ang plano nya. Pero pano nya nalaman na uuwi na ko? Pano nya nagawa yun? Hindi kaya May kasabwat sya? ang mga kasambahay kaya? imposible. Matagal na ang mga kasambahay namin bata pa lang ako eh andito na sila, pati ang driver namin. Matagal na nila kaming pinagsisilbihan kahit namatay si daddy ay hindi ko sila tinggal dahil malaki ang tiwala ni daddy sa kanila at ganon din ako pero kung iisipin ko talaga ay hindi nya magagawa yun kung wala syang kaktyuba sa bahay.
Umakyat ako sa kwarto ko upang mag isip-isip.
Una yung letter na may dugo. Ngayon ang pagkidnap sakin at ano ang sunod nilang gagawin? At Bakit? Bakit nya ba o nila ginagawa ito? At bakit di nila ko sinaktan o kahit ano? Ano ba talaga ang plano nila?Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si mommy na magkita kami sa labas dahil May sasabihin ako sa kanya
Nagayos at nagmamadali na rin akong umalis. Hindi na talaga ako panatag sa loob ng bahay na ito kahit dinpa ka lumaki ay nababagabag pa rin ako dahil sa nangyari. Iniisip ko rin ang kalagayan ni phonix kung sakaling iuwi ko sya sa bahay at baka May gawin din sila sa anak ko at yun ang ayaw kong mangyari
Nagkita kami sa isang kainan ni mommy, maaga kasi itong umaalis sa bahay at nung magising ako ay wala na ito sa bahay.
"Ma" tawag ko sa kanya nang makita ko syang pumasok at nagmano naman ako sa kanya bilang paggalang
Ikinuwento ko sa kanya lahat simula nang makatanggap ako ng sulat hanggang sa nangyari sakin kagabi at sabi ko sa kanya na napag isip isip ko na lumipat muna kami ni phonix, ng bahay para masigurado ko lang na ok si phonix, umokay naman sya at sinabing mas mabuti yun para samin ni phonix, sinabi ko rin sa kanya na wag munang sabihin ito sa pulis at baka mas lalong lumala ang lahat pag nangyari yun at yun ang iniiwasan ko sa ngayon na mangyari.
Sinabi ko rin na mag iingat sya dahil feeling ko ay May kakutyaba ito sa loob ng bahay at sinabi naman ni mama na kaya nyang ingatan ang sarili nya niyaya ko rin sya na sumama samin ni phonix pero ayaw nya talaga.
Pagka tapos namin mag usap at kumain ni mama ay bumalik na ito sa office nya at ako naman ay pumunta na sa bahay nila stefan, para kausapin na dyan ko muna iiwan si phonix, dahil maghahanap ako ng titirahan namin
Nang makarating ako sa bahay nila stefan ay agad naman akong pinapasok ng mga katulong at isinama sa kwarto ni phonix, sinabi din nila na wala sila tito rey, tita emily at rica ngayon iniwan naman nya ako sa hagdanan at tinuro na lang nito kung saang kwarto si phonix at nagpasalamat naman ako sa kanya
Nang buksan ko ang pinto ay nakita kong tulog si phonix, pero nagulat din ako ng makita si stefan, na kasama ni phonix, sa higaan parehas silang natutulog at mukhang katatapos lang nila mag laro dahil nakakalat ang mga laruan sa sahig.
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nakikita ko at alam kong hindi ito maganda.Lalabas na sana ako ng kwarto ng makita ako ni stefan, nagusing ko ba sya?
"Andito kana pala" sabi nito at bumangon sa higaan ang kakamot din ito ng mata nya
"Kukunin mo na ba si phonix?" Tanong nya sakin nang makabangon sya. Halatang malungkot ang boses nya ng sabihin nya yun "pasensya kana nakatulog sya eh, napagod maglaro" sabi pa nito nang nakangiti habang kumakamot sa ulo nya na para bang nahihiya May sinisisi ang sarili
Magulung buhok at napaka gwapong mukha nito na nakatingin sakin.
"Ahm, hindi muna. Pero okay lang sige matulog ka na" Sabi ko sa kanya at aalis na sana nang hawakan nya ang kamay ko at mas lalo itong nagpakabog sa dibdib ko! Ano bang nangyayari sakin! Hindi ito pwede hindi!
Yan ang sinasabi ng utak ko.
"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong nya
~~~~~itutuloy~~~~~
Keep voting and leave a comment guys!
Enjoy the story too!