Stefan POV
Dalawang araw na ako nagbabantay dito kay sam, sa ospital at ngayong araw ang pangatlo ko. Nangsabihin ng doctor na ok na si sam, ay laking pasasalamat ko.
Hindi ko din pinapasok ang lalaking yun dito sa loob. Kasalanan nya rin to kahit alam kong wala syang ginawa ay kilala nya kung sino ang gumawa nito
"Please, gumising kana ok? Pag gumising ka pinapangako ko hindi na kita pababayaan man kahit kailan."Sabi ko sa natutulog na si sam, hinahaplos ko rin ang mga kamay nito
"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang biglang magsalita si sam.
"You're awake?! You're awake!" Masayang sabi ko rito.
Sam POV
Nagising ako sa isang puting kwarto ay naabutan ko si stefan na hawak hawak ang kamay ko. Bakit sya andito? Asan si ben? Nandito dapat sya ngayon!
"Anong ginagawa mo dito?" Pilit akong nagsalita kahit sobrang nanunuyo ang lalamunan ko at medyo masakit ito
"You're awake?! You're awake?!" Makikita sa mukha nya ang saya at ginhawa nang makita nya akong gising na agad naman itong lumabas at tinawag ang mga doctor.
Chinek ako ng mga doctor kung okay na daw ako at ang sabi naman nito ay okay na ko bukas daw ay pwede na akong makauwi.
Lumabas na ang mga doctor at naiwan kaming dalawa ni stefan sa loob ng kwarto. Kumuha ito ng tubig at binigay sakin agad ko naman itong inimon dahil sa na rin sa sobrang pagkauhaw ko.
Umupo sya sa tabi ko at hinintay na matapos akong uminom, inabot ko naman sa kanya ang baso at nilagay naman nya ito sa table
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit sa kanya
"Inaalagaan ka" Sabi nya
"Bakit? Bakit ikaw ang nandito? Nasan si ben?" Tanong ko ulit
"Wala diba? Nakikita mo ba sya?" Pilosopong sagot nya at mukhang iritado
"Then why you're here?"
"Para alagaan ka" Seryosong sabi nya sakin
Umiwas ako nangtingin sa kanya dahil na rin siguro sa sagot nya. Asan ka ben? Bakit wala ka dito kung kailan kailangan kita? Bakit?
"Kung iniisip mo kung asan si ben, talagang di ko alam." Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya yun.
"Alam mo ba kung nasan sya?" Tanong ko ulit
Tumango ito at magtatanong pa ulit ako nang magsalita sya
"Can I tell you something?" Tanong nya at tumango naman ako bilang pag oo sa Tanong nya
"May kinalaman si ben, sa nangyari sayo" panimula nya at medyo na pikon ako sa sinabi nya isa ba to sa mga paraan nya para magulo ang buhay ko?
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?!" Pikon na Tanong ko sa kanya dahil sa sinabi nya sakin
"Kilala nya kung sino ang nasa likod nito at kung sino ang pumatay sa daddy mo" sabi nya
"Ano?" Hindi ko magets. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya
"Kilala nya ang mga taong yun" sabi pa nya ulit
"Pwede ba stefan? Tama na! Please tigilan mo na to! Pagod na ko sayo! Pagod na pagod na!" Inis na sabi ko sa kanya. Kung isa to sa mga paraan nya para masira kami ni ben, pwes nagkakamali sya
"Totoo ang sinasabi ko sayo sam, Kilala nya kung sino ang pumatay sa daddy mo-" hindi nya natapos ang sasabihin nya
"GET OUT! Get out stefan!! GET OUT!" Sigaw ko sa kanya
"Ayaw mo ba talagang maniwala sakin?" Tanong nya? Tumingin ako sa mga mata nya na nakatingin din sakin
"Bakit kita paniniwalaan huh? Bakit? I don't need to believe you! You're a liar!" Galit na sigaw ko sa kanya
"Well I'm telling the truth!" Inis na sabi nya sakin
"Pwede ba stefan? I'm happy already! Stop ruining everything?! Stop it!" Sigaw ko rito
Tinignan nya ko na para bang sinasabi ng mga mata nya na dapat ko syang paniwalaan. Stefan, everything you said is hard to believe, kahit na gusto kong maniwala sayo ay napakahirap para sakin. Ben is such a good person. Hindi nya magagawa yun. Imposible.
Isang oras na kong nakatulala sa bintana at hindi mapakali hanggang ngayon kasi ay wala pa si ben, napano na kaya sya? Okay lang kaya sila ni phonix? Pilit ko syang tinatawagan at hindi ko ito ma contact tinawagan ko din si mommy para tanungin kung okay lang din ba sya at para sabihin na okay na ako at hindi na dapat pa syang mag alala para sakin sinabi naman nito na okay din sya at medyo busy lang kasi May mga kailangan pa syang tapusin kaya naman nagpaalam nako sa kanya at pinatay ang tawag.
Iniisip ko rin ang mga sinabi ni stefan tungkol kay ben, imposible! Napaka imposible. Pero kung totoo man yun ibig sabihin hindi aksidente ang nangyari Kay daddy? Ibig sabihin may pumatay nga sa kanya? Pero sabi ng mga pulis aksidente daw yun. Gumagawa lang kaya ng istorya si stefan? Pero Bakit nya idadamay si daddy?
Sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari. Kung totoo ba ang sinasabi ni stefan o gawa gawa nya lang yun? Some parts of want to believe na totoo ang sinasabi nya and the other half naman sinasabi has huwag dahil nga sinungaling sya! I don't know! I don't know what to do.
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong message ito mula kay stefan, binuksan ko ito at puro ito picture
"No. No. This is not true" Yan na lang ang nasabi ko nang makita ko ang picture. "Hindi ito totoo. No! No!" Hindi ako maka hinga ng maayos dahil sa sinent sakin ni stefan.
Lumipas ang isang araw at hindi man lang ako nakakain. Wala akong gana at iniisip ko pa rin ang yun. Ang mga picture na pinadala sakin ni stefan, kung totoo nga yun ibig sabihin totoo na pinatay nga nya si daddy? Pero Bakit? Bakit nya yun ginagawa?! Galit, Inis at pagka puot ang nararamdaman ko ngayon.
Tinext ko si stefan na kung pwede duon muna kami sa bahay nila at pumayag naman sya. Desidido na ko hindi ko hahayaan na saktan nya si phonix at hindi ko rin hahayaan na makalapit sya sakin.
Lalabas na ko bukas at sinabi ko kay stefan na kunin ang mga gamit namin ni phonix at dalhin na yun sa bahay nila.
I thought I can trust you pero hindi pala. Ikaw na malapit sakin ang tinatraydor ako patalikod.
~~~~~~itutuloy ~~~~~~
Don't forget to vote and comment
Enjoy reading