It's been 3years nang pumayag akong magpakasundong ipakasal sayo, di ko inisip ang damdamin mo at inuna ko ang kaligayahan ko at alam kong nagalit ka kasi kailangan mong sundin ang family mo. naaalala ko rin nang magmaka awa ka sakin na wag ituloy ang kasal kasi hindi mo naman talaga ako mahal pero nagalit lang ako kaya tinuloy ko pa rin.
Ang sakit lang kasi ito na yata ang parusa ko sa lahat ng ginawa ko sayo. Mabuti ka naman'g tao pero ginawa lang kitang masama, patawad sayo stefan."Please, wag na lang natin ituloy ang kasal. Kausapin mo yung daddy mo na wag na itong ituloy" pag mamaka awa mo sakin nung gabi na yun.
"Bakit?" Tanong ko sayo
"Hindi kita mahal. May mahal na kong iba, at ayoko magpatali sa isang taong di ko naman kayang mahalin" yung mga salita na yun ang dumurog sa puso ko at ganon na lang ang galit ko kasi sinabi mo sakin yun
"Hindi pwede! Matutuloy ang kasal tulad ng kasunduan! Pamilya mo ang may kailangan sa pamilya ko hindi ba? Maaatim mo bang makita ang pamilya mo na maghirap dahil sa gusto mong mangyari? Mamili ka stefan? Ako na makakatulong sa family mo o yang sinasabi mong pagibig?" Sabi ko sa kanya
Lungkot at galit ang nakikita ko sa mukha nya at alam kong papayag din sya sa kasunduan na to
"Ikaw ba ang nag requests nito sa daddy mo?" Tanong nya
Hindi ako sumagot pero parang alam na nya na ako nga
"Maniwala ka sa hindi sa oras na matuloy ang kasal hindi ka magiging masaya" yan ang huli nyang sinabi Bago sya umalis sa restaurants na yun
***
Natuloy ang kasal sa madaling salita. Masaya ako kasi ikinasal na ako sa taong mahal ko pero nakikita ko rin na hindi sya masaya at ganon na lang ang pagka puot nya sa sakinNalaman ko rin na inutusan sya ng daddy, nya na hiwalayan ang gf nya at masaya ako sa nangyaring ganon kasi baka posible na mahalin din nya ako at maging maganda ang takbo ng buhay namin.
Paglipas ng 5months ay mag simula syang magdala ng mga babae sa bahay na ibinigay ng daddy nya para samin. College pa lang kami noon at syempre masakit sakin na makita na ang taong mahal mo na may kasamang iba
"Sino sya?" Tanong ko Kay stefan ng dalhin nya sa bahay si Aileen, isa sa mga kaklase nya.
"Makikilag sex ako Kay stefan" malandi at detersahang sagot nito sakin
"Hindi! Umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas" marrin na banta ko dito at parang wala itong narinig sa mga sinabi ko
"Pwede ba Sam, ang inggay mo!" Biglang sagot ni stefan.
"What? Hindi kaba nahihiya sakin at magdadala ka pa ng babae mo dito sa bahay?" Inis na sabi ko dito
Bakit ako mahihiya? Sino kaba?" Sabi nito "ahh! Oo nga pala, ikaw si Samantha Cruz-alfonso, Hindi ba?" Tanong nito sakin hindi ako sumagot sa sinabi nya at tinignan pa rin sya
"Asawa lang kita sa papel kaya pwede ba tigiltigilan mo yang kadramahan ko sa buhay" sabi nito
"Stefan." Awat ko sa kanya pero parang wala itong narinig sakin at diretso lang ang lakad papunta sa taas
Simula ng araw na yun ay madalas na ko matulog sa guest room dahil sa mga babae na inuuwi nya sa bahay
Wala akong sinabi na kahit ano sa magulang namin akala nila ay okay lang kami
*****
Sa loob ng 3years ay naramdaman ko rin na naging asawa ko si stefan at yun ang moment na namatay si daddy dahil daw sa isang aksidente pero sabi ng isang witness ay sinadya daw yung nangyari at pagkatapos sabihin sakin ng witness na yun ang nagyari ay namatay din ito.