Sam POV
Nagising ako dahil sa sakit ng katawan. Sa sahig pala ako nakatulog kagabi agad ko namang naalala ang nangyari kagabi at agad ko ring kinuha ang phone ko tiwagan ko ulit yung number na tumawag sakin kagabi pero di ko parin talaga ito macontact, dahil sa nangyari kagabi ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Iniisip ko kung ano ang pwede nilang gawin sa mommy ko.
Nalagay ko sa panganib ang buhay ni mama, at sa unang pagkakataon ay baka mapahamak si mommy ng dahil sakin, dahil sa kagagawan ko.
Iniisip ko kung bakit ba nila o nya to ginagawa? Ano ba talaga ang atraso sa kanya ng pamilya ko? Mabuting tao naman si mommy, daddy at ate eh kaya nagtataka talaga ako kung bakit may isang taong may galit sa pamilya ko. Wala akong maalala na may naka alitan ang pamilya ko. Wala akong maalala na may inaway sila daddy at mommy, wala.
Eto rin ang araw na darating si ben, sa pinas at dapat ay susunduin ko sya pero sa kalagayan ko ngayon ay imposibleng mangyari yun.
Gusto kong malaman kung sino ang nasa likod nito. Gusto kong malaman kung bakit ba nya to ginagawa sa pamilya ko dahil sa oras na may mangyari talaga Kay mommy ay hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
Tinawagan ko si stefan sa telepono dahil feeling ko May alam sya, may nalalaman sya sa lahat nang nayayari ngayon. Sinabi ko Kay stefan na mag usap kami dahil pupunta ako sa bahay nila ay hindi na nito natapos ang sasabihin dahil pinatay ko na agad. Ang bastos ko lang talaga.
Kinuha ko ang mga bagay na ipinadala sakin ng taong yun at dumiretso na pag alis sa condo.
Ilang oras nang makarating ko sa bahay nila stefan, ay agad akong sinalubong ng kasambahay nila at hinatid ako Kay stefan.
Nakatayo ito sa terrace at para bang ang lalim ng iniisip nito, di makakailang ama nga sya ni phonix dahil sa hawig na hawig nga ni phonix ang mukha nito. Tatawagin sana sya ng kasambahay ng pigilan ko ito at sinabing ako na tumango naman ang kasambahay na yun ay umalis na nag pasalamat din ako dito bago ito umalis. Dahan dahan akong naglalakad papunta sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginagawa.
Nang makalapit ako sa pwesto nya ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, amoy na amoy ko rin ang pabango nito at alam kong ito ang pabango nya nuong mag asawa pa kami.
Kakalabitin ko na sana ang balikat nya nang bigla syang humarap.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Napatitig ako sa mukha nya at ganon din naman sya. Pareho kaming nagkatitigan. One inch! One inch na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa at isang maling galaw ay pwedeng mangyari ang bawal na bagay.
Nang matauhan ako ay ako na mismo ang umalis sa posisyon na yun.
"Sorry" yun na lang ang nasabi ko halata rin kasi sa mukha ni stefan, na nabigla ito. Wala akong narinig mula sa kanya kaya tinignan ko sya, nakatingin lang ito sa akin at hindi ko mabasa ang nasa isip nito.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at winawasiwas pa ang palad ko sa mukha nito.
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hilain ako palapit sa kanya, ang isa naman nitong kamay ay nasa bewang ko. Itutulak ko na sana sya nang bigla nya akong halikan. Pilit ko syang tinutulak paalis sakin pero di ko talaga magawa matangkad at mas malakas ito kesa sakin hanggang sa napagod na ako kakatulak sa kanya.
Humiwalay din ang labi nya sa labi ko pero tumingin ito sakin "please, kiss me back" sabi nya, ang mga mata nito ay nagmamakaawa din
Hinalikan nya ulit ako at hindi ko macontrol ang katawan ko, hinalikan ko ito pabalik at pinikit ko rin ang mga mata ko tulad ng kanya. Ganito nya ko halikan dati nangmamatay si daddy, punong puno ng imosyon.
Tumigil kami sa paghahalikan ng makatanggap ako ng tawag. It's ben, tumatawag sya sakin. Napalunok ako ng laway ko dahil sa nangyari. Ano bang ginawa ko. Ano bang pinagagagawa ko! Sasagutin ko na sana ang tawag ni ben, nang hawakan ako ni stefan, sa kamay at umiling ito sinasabi ba nyang wag kong sagutin ang tawag?! Inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko at bigla ko syang nasampal
"Akala ko ba hindi mo sisirain ang buhay ko ngayon! Pero bakit mo ginawa yun?!!" Sigaw ko sa kanya
"You still love me" yun lang ang nasabi nya at agad ko nanaman syang nasampal
"Shut up stefan! Ayoko! Ayokong mahalin ang isang katulad mo! Pagod na pagod na ko sayo! You ruin my life already at hindi ko na ulit hahayaan yun!!" Sabi ko sa kanya tumalikod ako "kalimutan na lang natin to" aalis na sana ako nang magsalita ulit sya.
"Kukunin kita" yun na lang ang narinig kong sinabi nya at umalis na ko. Hindi yun ang punta ko dito pero yun ang nangyari.
Nang makasakay ako sa kotse ko ay nasampal ko ang sarili ko! I know it's my fault too and I feel so bad para kay ben, he's too good para gawin ko sa kanya to.
Tinawagan ko ulit ang number nito
"Hello?" Sabi ko
"Hi hon!" Sabi nito sa kabilang linya. Masaya ang boses nya at alam ko rin na nakangiti ito ng sabihin nya ang (hi hon) na yun
Bigla na lang tumulo ang luha ko
"Hon, are you ok?" Tanong nya sa kabilang linya ang kaninang masayang boses nito ay napalitan ng pag aalala
Why did I do that! Why I let myself to do that! Why?!
"I'm sorry. I'm sorry talaga" yun na lang ang nasabi ko.
"Hon, it's okay kung hindi mo ko masusundo, okay lang talaga kaya please wag kana umiyak" sabi pa ulit nya
Lalo lang tuloy akong mas napaiyak! I cheated on him! Sa taong nandyan para sakin nung mga panahon na wala akong kasama, sa taong nag mamahal sakin ng tunay! Sa taong gagawin ang lahat para sumaya din ako!
"I'm sorry" Yan nanaman ang nasabi ko
"Okay nga lang pupunta na lang ako dyan sa condo mo okay? Sasakay na ako ng taxi. I love you" sabi nya
"I- I love you t-too" sabi ko sa kabilang linya
Pagkatapos non ay mas lalo akong napa iyak sa loob ng kotse ko. Ano ba itong nangyayari sa buhay ko! Una si mommy nalagay ko sa kapahamak ngayon na man si ben, bakit ba to nangyayari?!!! Why?!
Umalis na ko sa bahay ng mga alfonso ay dumiretso sa condo ko.
~~~~~~~itutuloy~~~~~~
Don't forget to vote and leave a comment
Enjoy the story!