PROLOGUE

4.7K 267 77
                                    

PROLOGUE



"NASAAN ang iyong mga kasamahan?"

Hindi ako sumagot. Nakatitig lamang ako sa bumbilyang kumikisap-kisap na sa bandang ulunan ko. Tila hini-hipnotismo ako nito.

"Hija, tinatanong kita! Saan ka galing?"

Hindi pa rin ako umimik. Napabuntong-hininga ang pulis at napahawak sa bewang. Nauubusan na ito ng pasensya sa ginagawa ko pero wala akong pakialam.

Mayamaya pa'y hinugot nito ang cellphone at nagdial ng number. Saglit lamang akong sumulyap sa kanya at binalik ang atensyon ko sa bumbilyang malapit na atang mapundi.

"Sir, narito ako ngayon sa loob ng interrogation room. May babaeng sumugod rito sa station kanina. Humihingi ng tulong. Hindi ko alam. Hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi umaamin, e." Nakapamewang na palakad-lakad ang pulis habang may kausap sa kanyang cellphone.

"Sige, sir. Copy." Ibinaba niya ang cellphone at humarap sa akin. Hinampas niya nang malakas ang mesa dahilan para mapaigtad ako. Tinitigan ko lamang siya.

"Hija, paano kita matutulungan kung hindi ka nagsasalita? Sino ka ba? Anong pangalan mo? Saan ka galing?"

Napaiwas ako ng tingin. Sa bandang sulok ng kwarto kung saan madilim itinutok ko ang mga titig.

"Ikaw itong humahangos kanina at humihingi ng tulong. Tingnan mo ang sarili mo. Duguan ka pa at sugatan. Sangkot ka ba sa isang aksidente? Sabihin mo ang buong pangyayari!"

"Ang buong pangyayari," sarkastiko kong sambit dahilan para masapo niya ang mukha.

"Hindi ko alam kung pinagti-tripan mo lang ako bata o sadyang baliw ka lang," naiiling niyang wika.

"Sabihin mo!"

"Sabihin mo!"

"Sabihin mo!"

Napangiwi ako. Sumasakit ang ulo ko. Nakakarinig ako ng mga sigaw at pagmamakaawa. Sandali lamang ay napatitig ako nang matalim sa pulis na kaharap ko.

Nabigla siya sa akin at napaatras.

"Hija, ang kailangan mo lang naman ay ikwento ang nangyari," mahinahon niyang sambit.

Umawang ang bibig ko. Naghahanap ng mga salita. Nasa dulo na ng dila ko.

Napaiyak ako.

"Hija?"

Mayamaya ay kusa na lamang akong napatawa. Umiiyak. Tumatawa habang inaalala ang mga nangyari.

"Ang pangalan ko ay Ezelle. Ezelle Lamontez." Napatitig muli ako sa pulis. Nakakunot na ang noo niya.

"Naaksidente ka ba? Nasaan ang iba mong mga kasama?" usisa pa niya kaya napangisi ako.

Kasabay ng pagkisap-kisap ng bumbilya sa unahan ko ay ang muli kong pagsagot sa tanong niya.

"Labing-dalawa kami. Ako na lang ang natira. Pinatay ko silang lahat."

Namatay ang ilaw.



***

Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon