CHAPTER 21 - THE JUDGEMENT

1.7K 117 43
                                    

CHAPTER 21 - THE JUDGEMENT






PAREHO kaming nakatitig sa kawalan. Nakaupo habang nakasandal sa malamig na pader ng bakanteng classroom. Madilim ang paligid. Tanging naririnig ko lamang ay ang mabibigat niyang buntong-hininga. Suminghot ako at hinayaang tumulo ang mga luha.

"What should I do now?" halos pabulong kong sambit at napapikit. Nakuyom ko ang mga palad na may bahid ng dugo. Mga pinagsama-samang dugo ng mga kaklase ko.

I heard him sigh.

"I know you would flip the card from the moment that I untied you," mahina niyang sagot kaya naimulat ko ang mga mata at napatingin sa kanya. Pinaglalaruan niya ngayon sa kaliwang kamay ang isang patalim at sa kanan naman ay ang suot niyang mascara.

Hindi na ako muling nagsalita pa. Hinayaan ko na lang siya sa tabi ko. Umiyak ako nang umiyak nang maalala kung gaano ako naging masaya na mabahiran muli ang dalawang palad ko ng sariwang dugo mula sa mga taong pinaslang ko.

Mas napaiyak ako at nagtakip ng tenga. Nakakarinig na naman ako ng mga boses ng pagmamakaawa. Humihingi sila ng tulong.

"Mama, Papa," paulit-ulit kong bulong.

Sa bawat pagpikit ko ay ang duguan nilang mga bangkay ang nakikita ko. Ako, habang hawak ang matalim na kutsilyo. Napailing-iling ako.

Patuloy pa rin ako sa paghikbi nang maramdaman kong tumayo na si Caelum mula sa tabi ko at binitawan ang hawak niyang mascara. Naiangat ko ang paningin ko. Nakalahad na ang kamay niya tulad ng dati upang tulungan ako na makatayo.

"Where are we going?" kunot-noo kong tanong. To think na kaming dalawa na lamang ang natitira ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin pagkatapos nito. Sirang-sira na ang pangako ko sa aking sarili na magbabago ako para kay Lolo. I failed him again.

"We're going home," tipid niyang sagot dahilan para mapaawang ang bibig ko.

"A-Are you not going to k-kill me too?" gulat kong bulalas. Naging blangko na naman ang titig niya. Dumako ang tingin ko sa hawak niyang patalim at napalunok.

"Do you want me to kill you, Ezelle?" Tinamaan muli ako ng kaba. Kahit pagbali-baliktarin pa ang mga pangyayari, pareho pa rin kaming mamamatay-tao rito at posibleng isa lang sa amin ang matira.

"Magpapatayan pa ba tayong dalawa bago matapos ito?" tanong ko pabalik.

Nakita ko ang biglaan niyang pagngisi ngunit bago pa siya muling makapagsalita, nakarinig na ako ng isang putok ng baril.

Nanlaki ang mga mata ko at napatayo sa sobrang gulat.

Maging si Caelum ay napatda rin. May dugong lumabas mula sa bibig niya at napahawak sa bandang tagiliran.

"Caelum!" sigaw ko at dadaluhan sana siya nang may magpaputok muli sa bandang likuran niya. Napasigaw ako.

"Huwag kang lalapit sa kanya o ikaw ang papuputukan ko!" Umalingawngaw ang boses ni Ma'am Caroline na papalapit sa direksyon namin. Hawak niya ngayon ang de kalibreng baril at nakatutok ito kay Caelum.

Paika-ika na itong maglakad at napakaraming dugo na umaagos sa ulo.

"Buhay ka pa palang demonyo ka. Hindi ata napalakas ang pagpukpok ko sa iyo ng martilyo kanina," komento ng nakangiwing si Caelum at sapo na ang tagiliran na tinamaan ng bala.

Natutop ko ang bibig ko at napaiyak muli.

"Put down your weapon or I'll shoot you to death!" utos niya. Napasinghap ako matapos niyang itutok rin sa akin ang baril na umuusok pa. Sa takot ay dali-dali kong itinaas ang dalawang kamay ko bilang pagsuko.

Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon