CHAPTER 2 – THE SCHOOL MEMO
RINIG ko ang sunod-sunod na busina ng sasakyan kaya agad kong binuhat ang maleta ko at iika-ikang bumaba ng hagdan nitong condo. Bumungad sa akin si Janet na nakasilip lamang sa bukas na bintana ng kotse.
"Need help, little demon?" nakangisi niyang alok at inalis ang suot na shades.
"No, thanks," tanggi ko. Kahit napakabigat ay nagawa ko namang mailagay ang mga gamit ko sa compartment ng sasakyan niya. Nang maisara ko, napasandal ako sa likod ng kotse habang habol ang hininga. Pinagpagan ko ang mga palad ko.
"C'mon, Ezelle! We're gonna late for your orientation. This is your first day of school," rinig kong sambit ni Janet kaya agad na akong sumakay ng sasakyan.
"So, how excited you are today?" tanong ni Janet habang binabagtas namin ang kahabaan ng highway patungong Dolorous Academy. I heaved a deep sigh and look at her.
"I drank too much caffeine last night and I'm absolutely nervous," sagot ko na lamang. Tulad ng dati, inihilig ko ang ulo ko sa bintana ng kotse.
"Relax. Tingin ko ito na ang greatest break mo sa pag-aaral. Kaya habang nasa loob ka ng academy nila, make the most of your life as a student. Ipakita mo na kaya mo pa ring magbago. That's what your grandfather wants you to do," nakangiti niyang paalala.
Napaiwas ako ng tingin.
"Do you still believe that I murdered them?" Dahil sa naging tanong ko ay naramdaman ko ang pag-slowdown ng minamaneho niyang sasakyan. I received no response.
"Silence means yes," sarkastiko kong wika dahilan para buksan niya ang stereo ng kotse. Mapang-iba talaga ng atensyon ang isang 'to.
"By the way, nakausap ko na ang admin ng Dolorous and she's expecting that we will arrive today. Dala mo na ba lahat ng gamit mo? Wala ka bang nakakalimutan?" sunod-sunod niyang tanong.
"Meron ata," wala sa sarili kong sagot.
"Ano?"
"Ang swiss knife ko." Sinamaan niya ako ng tingin.
"Ezelle, that's not a good joke." Halata sa boses niyang kinakabahan siya kaya natawa na lamang ako.
"Have you already talk about this to my lolo?"
"Yes, and he's glad that they offer dormitories for their students. Parang iwas disgrasya na rin. Tingin ko naman maganda rin ang facilities nila. Don't worry, I'll visit you there so you won't miss me."
Whoa. Ako pa talaga ang makaka-miss, ha?
After a 4-hour ride, tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang napakataas na gate. Hindi ko tuloy maiwasang mapanganga. Napakaangas nito kumpara sa inaasahan ko.
"We're here," anunsyo ni Janet. Napalingon ako sa kanya at ngumiti nang tipid.
So this is it.
"Tutulungan pa ba kitang buhatin ang mga gamit mo?" aniya habang nakapatong ang mga kamay at ulo sa manibela.
"Hindi mo ba ako sasamahan sa loob?" I asked her looking back at the close gate.
"The admin told me that the parents or guardians are not allowed inside. Kaya hanggang dito na lang kita masasamahan. Just text me if there's anything you need. I got your back. Good luck." Tinapik niya ang balikat ko ng dalawang beses kaya napangiwi ako.
Ang galing naman talaga ng moral support niya.
Dali-dali akong bumaba ng kotse at kinuha na ang maleta ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa excitement na nararamdaman. First day of classes, new environment, new classmates and new life.
"I'm going now," paalam ni Janet at ini-start na ang makina ng kotse.
"J-Janet, wait!" pigil ko nang akma na niyang isasara ang bintana ng sasakyan.
"Thank you," I mumbled out of nowhere that made her chuckled.
"For what?"
"For helping me. And please tell lolo that I'm gonna miss him."
"Oy, Ezelle. Kung makapagsalita ka naman para ka nang namamaalam! Mag-aaral ka lang naman at magdo-dorm. Nagawa mo ngang mag-stay sa rehab, diyan pa kaya sa campus? Jusme!" palatak niya kaya natawa na lamang ako.
Wala lang. Pakiramdam ko kasi ay matatagalan pa ako bago makalabas ulit sa eskwelahan na ito lalo na at hindi sila basta-basta nagpapapasok at nagpapalabas. I knew it because I already read their memo.
"You can do it, Ezelle. Be a good girl inside," muli niyang paalala bago patakbuhin ang sasakyan paalis. Napabuga ako ng hangin habang inihahatid siya ng tingin palayo.
Napatingala ako sa gate na nasa harapan ko ngayon.
"Welcome to Dolorous Academy," basa ko at agad tinulak ang gate para makapasok.
I directly headed to the admin's office as what Janet said to me. I knocked three times before opening the door.
"Greetings, Ezelle Lamontez! Welcome to Dolorous Academy. We accept who you are!" Nanlaki agad ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng isang babae gamit ang lapel.
Mayamaya pa'y umikot ang swivel chair. Nakita ko ang nagsasalita. Isang babaeng naka-formal attire. Nasa edad trenta anyos. Nakangiti ito sa akin habang pinaglalaruan ang hawak na ballpen.
"Actually, kanina pa kita hinihintay. I'm Caroline Saturnini by the way." She extended her hands for a handshake kaya alinlangan ko itong inabot at nakipagkamay rin.
"Maupo ka for your orientation. But first, I'll let you fill up this form for our own records," aniya at hindi maalis ang ngiti sa mga labi na parang natutuwa pang dito ako nag-enroll.
Dapat nga ba akong matuwa? Kinakabahan ako.
Binasa ko ang nasa form.
Dolorous Academy, the only school that offers special services a normal university couldn't give. It is an academy founded last year 2019 for young people who habitually commited criminal acts or offenses.
Shit, mukhang tama nga talaga ang nasa description. They're accepting juvenile delinquents. Napalunok-laway ako.
"Please do include complete information so our computer system won't experience any troubles if we release your grades," utos pa niya.
"O-okay," aligaga kong sagot at nabitawan pa ang ballpen hanggang sa nahulog ito sa sahig. Pupulutin ko na sana nang pigilan ni Ma'am Caroline ang kamay ko. Nakatitig siya sa akin.
"Are you alright? You're shaking. You look pale too." Napaiwas ako ng tingin. Nanginginig na nga ang mga kamay ko. Itinago ko ito sa likuran ko at pilit na ngumiti.
"Y-Yeah. Hindi po kasi ako kumain ng agahan. Hehehe," palusot ko at umupo muli.
"It's okay. Siguradong kinakabahan ka lang dahil first day mo rito. Masasanay ka rin."
Ngumiti na lamang ako. Pero ang totoo'y nagwawala na ang kaloob-looban ko.
Lolo and Janet have no idea about this form I am filling up right now. As if they scammed us. Ibang form ang sinagutan ko bago ako makapasok rito.
Am I already in trouble again?
***
BINABASA MO ANG
Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETED
Mystery / ThrillerMURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was still a minor, she was forced to stay in a rehabilitation center. After her sentence, she was devoted...