CHAPTER 9- THE CONFUSION

1.9K 126 21
                                    

CHAPTER 9 - THE CONFUSION





"ART Villamor?" Lahat kami ay napatingin sa estudyanteng tumawag mula sa labas ng room namin. Pagkuwa'y dumako ang tingin sa pwesto ni Art.

Pansin ko ang pagiging lantang-gulay niya ngayong araw. Parang walang tulog at napakagulo ng buhok. Depress ba ang isang ito?

"Bakit?" kunot ang noong tanong niya sa tumawag.

"Pinapatawag ka sa admin's office."

Agad tumayo si Art, sinukbit ang bag niya at naglakad palabas. Ang bibigat ng bawat hakbang niya na parang tinatamad. Nilingon ko ang iba kong mga kaklase.

Nakakatamad talaga ang ganitong senaryo. Hindi na naman kami sinipot ng professor namin. Sabagay, sino ba namang sisipagin sa pagtuturo kung ganito ang mga estudyante niya?

Wala si Mavie dahil kasamang umalis ang boyfriend niyang si Malcolm. Kung saan nagpunta ay hindi namin alam. Kakaalis lang rin nina Marsh at Rain. Paniguradong cutting na naman iyon. Kaming lima na lang ang narito.

Napasulyap ako sa upuan ni Caelum. Bakante rin ito.

Absent rin ata siya.

Napahikab ako dahil sa antok. Punyemas. Ganito na lang ba lagi ang senaryo?

After 30 minutes ay wala pa ring dumarating na prof kaya napagpasyahan ko nang ayusin ang gamit ko para lumabas ngunit sakto namang dating ni Art na pasuray-suray pa.

"What the heck? Is he drunk?" tanong ni Imara. Nanatili kaming nakatitig kay Art na tila nakainom nga dahil halos gumapang na ito sa sahig papasok.

"Darius, help him! Baka kung ano nang nangyayari riyan!" sigaw ni Tanisha kay Darius na prente lamang ang upo sa teacher's table. Tila wala itong pakialam kay Art.

"Oh my gosh! Oh my gosh!" Pati ako ay napasigaw na rin nang magsimulang mangisay si Art sa sahig at bumula ang bibig. Nag-panic na kaming lahat. Agad nagtatakbo si Imara sa labas upang humingi ng tulong. Umupo ako sa tabi ni Art at pilit siyang pinapabangon ngunit nangisay na naman siya nang paulit-ulit.

Si Tanisha naman ay hindi na makagalaw sa tabi ko. Natutop niya ang kanyang bibig at napaiyak sa takot.

"Art!" Mayamaya, ang bulang lumalabas sa bibig ni Art ay sariwang dugo na. Mas tumili si Sitti sa tabi ko. Nanginginig na ang mga kamay ko pero inalalayan ko pa rin siya.

Mas tumindi ang panginginig ng kanyang buong katawan hanggang sa tuluyan na siyang bumulagta sa sahig. Napakagat-labi ako.

"Ezelle, what now? He's gone!" naiiyak na sambit ni Sitti. Halos tumulo na ang pawis ko sa noo.

"I-It's a poison," I muttered and look at Art. He's not moving anymore.

Narinig ko ang biglaang paghalakhak ni Darius habang nakaupo lamang.

"Iyon na 'yon? Ang boring panoorin. Nakakaantok," aniya at may isinilid sa bulsa. Hindi ito nakaligtas sa matalas kong paningin. Nakuyom ko ang kamao ko at tumayo. Sinugod ko siya at kinuwelyuhan. Wala na akong pakialam kung mamantsahan rin ng dugo ni Art ang white polo niya.

"You!" Nagtiim-bagang ako at sinamaan siya ng tingin. "You poisoned him, don't you?!" nanggagalaiti kong tanong.

Blanko siyang tumitig sa akin.

"Answer me! You poisoned him! You gave him the poison!" sigaw ko pa pero isang halakhak lamang ang tinugon niya sa akin.

"Are you accusing me? I didn't do anything. Dumating siya na ganyan na. So bakit ako ang sisisihin mo?" Mas hinigpitan ko ang kapit sa kuwelyo niya para masakal siya.

"You, son of a bitch!" Hindi na ako nakapagpigil pa at inundayan siya ng suntok. Hindi iyon kalakasan pero sapat na para mapadugo ko ang labi niya. Nasapo niya ang dumudugong labi at pinahiran iyon gamit ang likod ng kanyang palad.

Ngumisi siya.

"And so what if I really gave him the bottle? Binigay ko lang pero hindi ko sinabing inumin niya. Maybe someone told him to drink it. Still, I am not guilty."

"Hayop ka!" Hindi na ako nakapagpigil at sinugod ulit siya. Todo awat na si Sitti pero wala akong pakialam.

Panay pa rin ang halakhak niya. Pinagtulungan na ako nina Tanisha at Sitti na ilayo kay Darius pero mas hinawakan ko nang mahigpit ang uniporme ng gago.

"Hayop ka, papatayin kita!" nanggigigil kong sigaw at halos daganan na siya. Nakahiga na siya sa mesa dahil sa pananakal ko.

"Ezelle!"

"Guys! I have something to tell you!" boses ni Imara ang umalingawngaw sa buong classroom kaya otomatiko kong nabitawan si Darius. Paubo-ubo itong bumangon at gusot na ang polo na suot.

"What?" tanong ni Tanisha sa balisang si Imara. Namumutla na ito at napasulyap sa nakabulagtang si Art. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming apat.

"Natagpuang patay si Ma'am sa bodega. S-she's b-been m-murdered." Napalunok-laway ako pero pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

Ang tinutukoy niya ay ang teacher namin kahapon. Iyong 5'1 ang height at petite ang pangangatawan. Hindi ako pwedeng magkamali. Buhay pa siya kahapon lang.

"M-Mavie killed her."

Dahil sa sinabi niya, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Kinalimutan ko na ang pagkainis ko kay Darius at ang nakabulagta ring bangkay ni Art sa sahig. Dali-dali akong nagtatakbo palabas. Rinig ko pa ang tawa ni Darius pero hindi ko na siya pinansin pa.

"EXCUSE, excuse me!"

Pilit kong hinawi ang mga estudyante na nakikiusyoso sa labas ng bodega. Napatda ako sa pwesto ko nang makita ko ang isang duguang bangkay ng babae. May nakatarak na punyal sa mismong dibdib niya at may busal pa sa bibig. Bukod roon, nakagapos rin ang mga kamay at paa niya. Halos matutop ko ang bibig ko. I saw Mavie infront of her. Duguan ang uniporme niya pati na rin ang braso habang hawak ang isa pang kutsilyo.

Nanginginig niyang inilibot ang paningin sa aming lahat. Naibagsak niya ang hawak na patalim at napaiyak.

"Ezelle," rinig kong tawag sa akin ni Sitti na sumunod pala. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at pilit akong hinahatak palayo pero 'di ako nagpatinag. Nakatitig lamang ako kay Mavie at sa bangkay ng teacher namin.

Nakarinig ako ng mga bulungan.

Mayamaya ay napaatras ang mga paa ko.

"Ezelle!" Kung saan ako dadalhin ng paa ko ay hindi ko alam. Hindi ko na pinansin pa si Sitti na tinatawag ako sa aking pangalan.








"PANSIN mo? Mula nang binuo ang Aonaran section, sunod-sunod na ang namamatay rito?"

"Natatakot na ako."

"They're killers! Pinatay nila si Ma'am. Napakabait niya pero bakit siya pa?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang makarinig ako ng bulung-bulungan sa hallway. Naikuyom ko ang kamao ko at kinuwelyuhan naman ang babaeng naabutan kong nagsasalita ng masama tungkol sa section namin.

"Anong sabi mo? Ano nga kami?" nanggigigil kong tanong dahilan para mapatili siya pero wala akong pakialam. Puno pa rin ng dugo ni Art ang mga kamay ko kaya hindi makalapit sa akin ang isa pa. Sasaklolohan sana niya ang kaibigan kaso sinamaan ko siya ng tingin.

"Bitawan mo siya!"

"We're not killers, you bitch!" sambit ko at sinandal na siya sa pader at sinakal na.

"She's right. We're not killers. We are murderers."

Unti-unti kong naluwagan ang pagkakasakal sa babae nang marinig ko ang boses ni Caelum sa likuran ko. Otomatiko ko siyang nilingon.

Blangko lamang siyang nakatitig sa ginagawa ko. Napaiwas ako ng tingin. Naabutan pa niya akong nakikipag-away. Nakakahiya.

"Whether you kill her or not, you're still a murderer," wika niya at naglakad na papalayo.

Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa utak ko at tuluyang binitawan ang babaeng sinasakal ko kanina. Sinundan ko ang naglalakad na si Caelum.

***

Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon