CHAPTER 6 - NEW ROOMMATE
"ANG astig talaga ni Caelum! Kung hindi ko lang talaga jowa 'tong si Malcolm, pinatulan ko na 'yon."
"Ang harot mo!"
"Ah, basta ako loyal kay Darius."
Nakikinig lang ako sa usapan nina Mavie habang pinagpatuloy ko ang naudlot na pag-aayos ng gamit. Si Sitti naman ay panay ang headbang dahil nakapasak na naman ang headphone sa ulo.
Nakakarinig ako ng metallic songs. Tangina, bingi na ata ang isang 'to sa sobrang lakas ng music volume niya. Sana ayos lang siya.
Sandali pa ay nakarinig kami ng katok. Bumukas iyon at tumambad ang nakangiting si Ma'am Caroline. Sumilip mula sa pintuan ang mukha ng nerd na na-bully kanina sa cafeteria.
"Your new roommates, Kai." Pinasadahan niya kami ng tingin isa-isa at ngumiti nang tipid.
"N-nice to meet you," mahina niyang bati sa amin. Hindi kami sumagot. Nakatitig lamang kami sa kanya.
"Here's your key. Just come to my office if there's anything you need. Befriends with them." Iniwan ng admin si Kai na nakatayo lamang sa labas ng pintuan. Sa paanan niya ay ang napakalaking maleta.
Hirap na hirap niya itong ipinasok at isinarado ang pintuan.
"Tulungan na kita," alok ni Tanisha na bungad lamang ang kama malapit sa kanya.
"T-Thanks." Pinagtulungan nilang buhatin ang maleta hanggang sa kama na katapat lamang ng akin. Napasulyap ako sa kanya. Tulad ng inaasahan ko, tumalon na naman si Sitti mula sa double deck at hinarap ang bago.
"I saw you earlier in the cafeteria," panimula ni Sitti bilang chismosa sa aming lima.
"Make it clear, Sitti. We both saw her," sabat ni Mavie na abala sa pagse-cellphone. Sitti coughed three times just to clear her voice.
"Okay, take two. We saw you earlier in the cafeteria. Bakit ka nagpa-bully sa gagong iyon?" Bakas sa boses ni Sitti na malaman ang dahilan.
Hindi sumagot si Kai bagkus ay sinimulan niyang buksan ang maleta niya.
"It's okay if you can't tell the reason why you're disguising. But a simple reminder, no one could keep a secret here too long. Malalaman at malalaman namin ang bahong tinatago n'yo."
Napakagat-labi ako at napatingin kay Mavie. Nakangisi na siya kay Kai.
"Quit threatening our new roommate. Ganyan rin ang ginawa mo kay Ezelle kanina, e!" suway ni Imara kaya napahagalpak lamang ng tawa si Mavie.
"Anyway, what's up for our dinner tonight? Magluluto tayo o kakain na lang sa cafeteria?" pag-iiba ni Tanisha sa usapan.
"I'm sorry. I can't eat with you tonight. Magkikita kami ni bebe mamaya," ani Mavie na bumalik sa pagkakahiga.
"Sana all," komento ni Sitti dahilan para matawa ako.
"Okay, sa cafeteria na lang tayo magdinner."
NAISIPAN kong maligo pagkatapos kong maayos lahat ng gamit ko. Nasa loob pa ako ng CR nang makarinig ako ng katok.
"Ezelle, are you coming with us for dinner?" Narinig ko ang boses ni Imara.
"Susunod na lang ako. Salamat!"
"Okay!"
KATAHIMIKAN ang sumalubong sa akin paglabas ko pa lamang ng banyo. Wala na sina Imara, Sitti at Tanisha. Naabutan kong mag-isa si Kai habang abala pa rin sa pag-aayos ng kanyang mga damit.
"Akala ko kasama ka nila," bati ko. Saglit lang siyang sumulyap sa akin pero hindi sumagot.
"You're an introvert, I guess."
"Nope. I just don't feel like talking to anyone here." Nagulat ako sa biglaan niyang pagsalita.
"Mukha ba kaming hindi mapagkakatiwalaan?"
"Nowadays, you can't trust anyone." Napatango na lamang ako.
"I see. Mukha ba talaga kaming kriminal?" tanong ko pa dahilan para maitigil niya ang pagtutupi ng damit at mapatitig sa akin.
"We are all criminals here."
"Kung ganoon, anong kasalanan mo?" ganti ko pa rin sa kanya dahil ayokong magpatalo.
"I killed my sister. What's yours?"
Dahil sa sinabi niya ay halos matuyot ang lalamunan ko. Wala sa hitsura niya ang makagawa ng krimen na ganoon. Umawang ang bibig ko para sana sumagot nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko.
Agad ko iyong kinuha at sinagot para makatakas sa tanong niya.
TAHIMIK kaming naglalakad ni Kai patungong cafeteria. 'Di tulad kanina na puno ang hallway ng mga estudyante, ngayon ay parang inabandona ang buong paligid. Sarado na rin ang classroom at iilan na lang ang bukas na ilaw.
"Bilisan natin. Hanggang 9:30 na lang ng gabi at magsasarado na rin ang cafeteria," ani Kai kaya nilalakihan ko na rin ang mga hakbang ko.
Pagdating sa cafeteria ay hindi ko na naabutan pa sina Imara. Baka nalihis lang kami ng daan at sa ibang corridor sila lumiko. Paniguradong nasa dorm na sila ngayon.
Iilan na lang ang mga estudyante na naghahapunan kaya mabilis kaming naka-order ng pagkain. Tahimik pa rin kaming kumakain.
Feeling ko kapag araw-araw na si Kai ang kasama ko, baka mapanis na ang laway ko dahil hindi man lang ako kinakausap.
"Uso magsalita, Kai," puna ko pero hindi niya ako pinansin.
"Gabi na nga pero inaatupag pa ang boyfriend," wala sa sariling sambit niya kaya nakunot ang noo ko.
Napalingon ako sa kabilang direksyon. I saw Mavie five tables away from us. She's talking and laughing with a guy. I know him. He's Malcolm.
"May galit ka ba kay Mavie?" tanong ko dahilan para maibagsak niya ang tinidor at kutsara pagkuwa'y iniurong ang plato. Inayos muna niya ang suot na salamin bago nagsalita.
"I dont't like her. All of you. Honestly, I don't want to mingle with you too. This academy is teaching us not to trust anyone," direktang sagot niya.
"What do you mean? Ang dami mong sinasabi."
Wala akong maintindihan.
"Nevermind," pagsuko niya at uminom ng tubig.
Napangisi ako at nasuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko.
"You know what's funny, Kai? You're judging us pero hindi mo pa naman talaga kami kilala. The funniest thing is..." Tumigil muna ako sa pagsasalita at tinusok ng tinidor ang karne hanggang sa magpira-piraso ito.
Nakatitig lamang siya at inaantay akong magsalita.
"...you are a a criminal who acts innocent infront of your co-criminals. Don't flip your card, Kai. We all have the same red card."
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Iniurong ko rin ang plato ko at tumayo na para bumalik sa dorm.
Narinig ko ang biglaan rin niyang pagtayo nang mag-ring ang phone niya pero hindi ko na siya pinansin nang magtatakbo siya palayo.
Mas nauna pa sa akin umalis na parang may hinahabol.
***
BINABASA MO ANG
Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETED
Mystery / ThrillerMURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was still a minor, she was forced to stay in a rehabilitation center. After her sentence, she was devoted...