CHAPTER 13 - THE TASK

1.7K 121 16
                                    

CHAPTER 13 - THE TASK





"I-I saw him! I saw the killer! He killed Rain!" Nag-umpisa nang umiyak si Tanisha at nasapo ang mukha. Hindi maipinta ang mga reaksyon nina Sitti at Imara habang nakatingin lamang kay Tanisha na gulong-gulo ang buhok at pawisan.

Napabuga ako ng hangin.

"I saw him too. He's wearing latex face mask," bulalas ko kaya naibaling nila ang mga tingin sa akin.

"Where have you been, Ezelle?!" gulat na tanong ni Imara nang makita ako sa tapat ng pintuan.

"I told you, I was looking for Tanisha. I saw him with Rain."

"For God's sake! Muntikan n'yo nang ibigay ang buhay n'yo sa killer! Shit! Ano bang sumasagi sa isip n'yo at inilalapit n'yo sa kamatayan ang buhay ninyo?!" Naihilamos ni Imara ang palad sa mismong mukha.

"You better ask Tanisha too what is she doing inside the gymnasium with Rain," giit ko.

Bago pa makasagot si Tanisha ay narinig ko na ang muling pagbukas ng pinto. Niluwa nito si Mavie. Malinis na ang damit nito ngunit bakas sa mukha ang sobrang depresyon. Mukhang walang tulog. Wala rin ang dating ngisi sa mukha niya.

"I thought she's still in detention office?" bulong ni Sitti kaya sinamaan siya ng tingin ni Imara. Panay pa rin ang hikbi ni Tanisha. Hindi tulad ng dati, magagaan at dahan-dahan ang hakbang ni Mavie patungo sa kama niya. Sunod lamang ang tingin namin sa kanya.

Napakatahimik niya ngayon.

"What are you looking at?" walang emosyon na tanong niya sa amin kaya kanya-kanya kaming iwas ng tingin.

"I didn't kill that bitch if that's what you're thinking," sambit niya kahit hindi naman namin tinatanong.

"I believe in you." Napatingin siya sa akin na parang gulat na gulat. Mavie's maybe a murderer too or a savage bitch but I know she won't do any crime here inside Dolorous premises.

Halos maluha siya at mayamaya'y humikbi na rin tulad ni Tanisha. Halatang kinakabahan siya at depress na.

"I've been set up. I heard her crying for help inside the storage room. Pero pagpasok ko roon, nakagapos na siya at hindi na humihinga. Pinilit ko pa ring putulin ang tali na nakagapos sa kanya. It w-was..."

Hindi na niya maituloy ang mga sasabihin dahil sa sobrang emosyon.

"Where was Malcolm that time?" usisa ko pa.

"He's with Marsh and Rain. Hindi pa kami nagkakausap. I don't want him to get involve with this mess."

Natahimik kaming lahat. Maririnig lamang ang mga singhot ng umiiyak na sina Tanisha at Mavie. Mayamaya ay humarap ako kay Tanisha.

"Ikaw, what are you doing with Rain inside the gym?" Pinahiran muna ni Tanisha ang pisngi bago sumagot.

"He was supposed to tell me who poisoned Art but the killer appeared." Halos mabitawan ko ang hawak kong cellphone dahil sa sinabi niya.

"D-Did he left some clues or something?" tanong ko pa.

Napailing siya. Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko punong-puno na ang utak ko ng mga katanungan. Gusto ko nang sumabog.

Pagod na pagod ako. Pero hindi ko ikukwento na kasama ko si Darius kanina at halos makita na namin ang killer nang harapan. Tumikhim ako at tinitigan silang lahat.

"Sir Jericho is already dead," anunsyo ko dahilan para mapaawang ang mga bibig nila.







"TWO deaths in just one night. The killer is a record-breaker." Naramdaman ko ang biglaang pagtabi sa akin ni Darius. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat ng notes.

"Kumusta ka?" sambit pa niya kaya isinarado ko ang notebook at hinarap siya. Kinukumusta niya ako matapos mangyari iyong kagabi.

"Last night was a nightmare," tukoy ko sa naranasan namin kagabi kaya napasandal siya sa upuan at ngumisi. Kulang ang tulog ko, pero siya, mukhang mahimbing pang nakatulog base sa kinikilos niya ngayon.

"Tingin mo alam na nila na wala na sina Rain at sir Jericho?" halos pabulong ko pang tanong sa kanya at nilingon si Marsh na abala sa pagse-cellphone. Si Caelum naman ay nakaub-ob sa desk niya habang may pasak na earphone sa tenga.

"The admin will be here to announce the loss of their second professor, Mr. Jericho Patumbayan," kampanteng sagot niya.

"I already told it to Imara and the others. They won't be shocked anymore." Napatango siya at bumalik na sa sarili niyang upuan nang dumating ang professor namin para sa second subject. Nasa late 40's na siya.

Bagong teacher na naman ang isang ito. Inilapag niya ang mga folders na dala niya bago magsalita.

"Kayo lang? Where are the others?" bungad niya pero walang sumagot.

"By the way, Ms. Lamontez?" tawag niya sa akin kaya naitaas ko ang kamay ko.

"Yes, Ma'am?"

"Please proceed to the admin's office. Ma'am Saturnini wants to talk with you," sambit niya at sinulyapan ako. Alinlangan akong napalingon sa mga kaklase ko. Pagkuwa'y sinukbit na ang bag para lumabas ng classroom.

Bakit kaya niya ako pinapatawag ngayon? Kinabahan ako bigla.





BLANGKONG pagmumukha ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lamang sa opisina ni Ma'am Caroline. Bumuntong-hininga muna siya at tulad ng dati ay nilalaro ang ballpen sa mga daliri.

Pinabilis niya ang pag-ikot nito bago ibagsak sa mesa. Napakislot ako sa napakatalim niyang titig.

"Sit down, Ezelle," saad niya kaya otomatiko akong napaupo sa upuang katapat lamang ng kanyang desk.

"Gusto mo raw po akong makausap. Tungkol saan?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at tinanong na siya.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay may inilapag siyang mga bagay sa ibabaw ng mesa niya na siyang naging dahilan para mapaawang ang bibig ko. I look at her in disbelief.

"What's the meaning of this?" hindi makapaniwalang tanong ko pa pero hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon.

Nanginginig ang mga labi ko at hindi ko alam ang dapat sabihin. Sa ibabaw ng mesa ay nakalatag ang iba't ibang uri ng kutsilyo at lubid.

"I want you to kill your classmates," bulalas niya.

Parang gusto nang tumigil ng utak ko sa pag-iisip dahil sa sinabi niya.

"W-what? Nagbibiro ba kayo? May CCTV ba rito? Sabihin n'yong prank lang ito!" giit ko pero umiling siya at inusog ang mga kutsilyo palapit sa akin na tila sinasabing mamili na ako ng patalim na gagamitin.

"One of them killed Sir Jericho, Ma'am Noilisa and the others. You can't trust any of them."

I smiled bitterly and look up to the ceiling. I burst out a sarcastic laugh.

"You want me to kill them. Hindi mo ba naisip na isa rin ako sa hindi mapagkakatiwalaan?" Ngumiti siya ng tipid sa sinabi ko. Ayaw talaga niyang magpatinag.

"I know who you are, Ezelle Lamontez. You were in the newspaper and television for murdering your parents two years ago. I'm sure you can kill someone again." Halos matuyuan ako ng laway nang ngumisi siya. Hindi ako nagpatalo at ngumisi rin.

"Kill all of them. Kung hindi, isa ka rin sa papatayin nila. Lahat tayo mauubos. Ayaw mo rin naman sigurong patayin ng kapwa mo mamamatay-tao, hindi ba?" Nawala ang ngisi sa mga labi ko.

"Take it or leave it. Nakasalalay rito ang buhay mo. Tomorrow, there will be a big announcement for the upcoming acquaintance party. Make sure you do your assigned task."

"Kill them all. In that way, you can instantly kill the real culprit."

"I'll leave you here for a while and think about it." She smiled and stood up. She closed the door shut behind me. I was left astounded and shocked looking at the murder weapons in her table.




***

Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon