CHAPTER 15 - DEMONS
"WHAT are we doing here?" nakakunot ang noo na tanong ko kay Caelum nang hatakin niya ako papasok rito sa loob ng music room. Iginala ko ang paningin sa malawak na kwarto. Napapitlag pa ako nang marinig ang biglaan niyang paglock ng pinto.
Nakaawang ang bibig na napalingon tuloy ako sa kanya.
Nakita ko ang blanko niyang mga mata habang nakatitig lamang sa akin. Napaatras ako nang unti-unti na siyang humahakbang palapit. May nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.
Bawat hakbang niya ay ang pagkarera ng dibdib ko. Hindi kaya siya ang...
"Tabi nga, mas maganda kasi ang tunog kapag sarado ang pintuan." Agad niya akong tinulak palayo sa malaking piano at siyang umupo sa harap nito. Hindi maipinta ang pagmumukha ko nang gawin niya iyon sa akin.
Napahawak ako sa naninikip kong dibdib at ipinilig ang ulo. Akala ko kaya dinala niya ako rito ay para patayin ako.
I sit beside him when he starts to play a familiar tune.
Napakaseryoso ng mukha niya at nakatitig lamang sa malilikot niyang daliri.
Napatitig ako sa kanya at ngumiti.
Hindi ko alam na magaling pala siyang tumugtog ng piano. Sa isang iglap ay naging klaro ang musikang naririnig ko at hindi mapigilang mapapikit sa nang-aakit nitong tono.
When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see
Are all made of gold
Inumpisahan niya ang awitin. Napakalamig ng boses. Para akong dinuduyan. Hindi ko na napigilan ang sarili at ako na ang kumanta ng sunod na verse kahit alam kong napakaepal ko sa part na 'to.
When your dreams all fail
And the ones we hail
Are the worst of all
And the blood's run stale
Nagkatitigan kaming dalawa. His eyes are very cold. I see no emotions, but still he stares at me like he wants me to know the real him aside from being a criminal.
I wanna hide the truth
I wanna shelter you
But with the beast inside
There's nowhere we can hide
No matter what we breed
We still are made of greed
This is my kingdom come
This is my kingdom come
Pakiramdam ko sa bawat linyang binibitawan niya ay may gusto siyang ipahiwatig. Hindi ko alam kung ano iyon. Bakit ganito ang pakiramdam?
When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Don't get too close
It's dark inside
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Itinigil niya ang pagtugtog sa piano at napatungo. Napapikit siya at nanginginig ang mga daliri na parang nadadala siya ngayon ng sariling emosyon sa kanta. I bit my lower lip and hold his right hand tightly. Naiangat niya ang paningin. Nagulat ako dahil may mga luha mula roon.
Pagkuwa'y napaiwas siya ng tingin at muling tumugtog upang ipagpatuloy ang naudlot na kanta.
At the curtains call
It's the last of all
When the lights fade out
All the sinners crawl
So they dug your grave
And the masquerade
Will come calling out
At the mess you made
Don't wanna let you down
But I am hell bound
Though this is all for you
Don't want hide the truth
Nakangiti na siya habang nakatitig sa akin. Sa huling nota ay napaiwas muli siya ng tingin. Halos masamid naman ako.
Bigla akong nakaramdam ng pagkailang kaya agad akong lumayo sa kanya. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang hawakan niya nang mahigpit ang braso ko.
"Sit still," utos niya kaya muli akong naupo. Napatahimik ng buong music room dahil kaming dalawa lamang ang narito.
"I bet I can trust you now," I said and smiled at him. Though I may not know him that much, I feel like he's safe to be with.
I heard him chuckled.
"That's not true. You can't trust me too, Ezelle. You are right. You can't trust anybody, including yourself."
Nawala ang ngisi sa labi ko dahil sa sinabi niya.
"Why? You said a while ago that you'll save me if I trust you," giit ko pa. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng masasandalan sa mga oras na ganito.
"I'm a demon. Please stay away from me."
"Hindi lang naman ikaw ang demonyo sa eskwelahang ito. That's not a valid reason for me to stay away from you." I was too desperate to know him more and I don't know why.
Mas humalakhak siya na parang baliw at inihilamos ang mga palad sa mukha.
"I am earning money for every families that I murdered. I killed them mercilessly. I stabbed the innocents for an errand. Now, I'll ask you if you still want to go with me in hell." Ngumisi siya ngunit bakas ang kalungkutan.
Now I know what's his crime. Pumapatay siya para sa pera.
"I killed my parents two years ago. Are we even now?" pag-amin ko kaya napatingin siya sa akin.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinabi ko sa iba ang krimen na ginawa ko sa mga mahal ko sa buhay. Isang bagay na hindi ko magawang aminin sa sarili ko na ginawa ko talaga.
"But it's okay to admit what we were before. Uso naman magsisi at magbago." Napatungo ako. Hindi ko siya kayang patayin.
Naramdaman ko ang biglaan niyang pagtayo at paglalakad.
"Wait!" pigil ko bago siya tuluyang umalis. Tumigil muna siya saglit nang tawagin ko siya.
"Are you coming tomorrow?" tukoy ko sa masquerade party na magaganap bukas na gabi.
"I won't attend the masquerade party. Enjoy the night tomorrow, you all."
Hindi na niya ako hinintay. Iniwan niya ako sa loob ng music room. Narinig ko ang pagsarado ng pinto.
"He is really something!" I mumbled at napatitig sa piano. Nagpe-play pa rin sa utak ko ang boses niyang kumakanta at ang pagluha niya.
Humigpit ang hawak ko sa swiss knife na nasa bulsa ko lamang.
Naipikit ko ang mga mata ko.
"I'm a demon. Please stay away from me."
"Mas demonyo ako, Caelum," bulong ko sa sarili at tinitigan ang mga nanginginig kong palad.
"Mas demonyo ako."
***
BINABASA MO ANG
Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETED
Mystery / ThrillerMURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was still a minor, she was forced to stay in a rehabilitation center. After her sentence, she was devoted...