CHAPTER 4 – AONARAN SECTION
NAKIPAGSIKSIKAN ako sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa bulletin board para malaman ko kaagad kung anong section ako. Napakamot na lamang ako sa kilay sa sobrang inis. Bakit kasi hindi agad ini-announce kanina? E'di sana papasok na lang kami sa assigned room namin. Ngayon, hahanapin ko pa ang pangalan ko sa napakahabang listahan na ito.
"Excuse me!" Nagmamataray ko nang pinagtulakan ang iba para lang mas makalapit nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likod.
Maging ang mga estudyanteng nasa paligid ko ay otomatikong napalingon sa lalaking nagsalita.
"A-ako ba?" turo ko sa sarili ko.
"Ikaw ba si Ezelle Lamontez?" Agad akong napatango kahit nagtataka. May kinuha siya mula sa kanyang itim na coat at iniabot sa akin. Isa itong plain red card.
Nakakunot ang noo kong tinanggap ito kahit hindi ko alam kung para saan.
"No need to scan your name on the list. Your name belongs to Aonaran section." Naramdaman ko ang biglaang pag-atras ng mga estudyanteng kanina lamang ay nakikipaggitgitan sa akin. Unti-unti na silang lumalayo at nagbubulungan. Napatingin ako sa paligid habang hawak ang red card.
Bakit nila ako nilalayuan?
"Just present that red card to your professor so you can enter the class. Come with me. Ikaw na lang ang hinihintay at magsisimula na ang klase," utos ng lalaki kaya kahit naguguluhan, sumunod na lamang ako sa kanya.
RAMDAM ko pa rin ang malalagkit na titig ng ibang estudyante sa akin. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa tapos magbubulungan.
"Goodluck," tinapik ng lalaking naka-formal attire ang balikat ko matapos niya akong iwanan sa tapat ng isang classroom. Napatitig ako sa loob. Nakatingin silang lahat sa akin pati na ang professor.
Tumikhim ang teacher at ibinaba ang antipara na suot.
"Get inside. We're about to start." Masyadong strikto ang boses niya kaya bigla akong kinabahan. Ilang hakbang ang ginawa ko para makapasok. Iniabot ko ang red card sa kanya.
Tinitigan niya ako pati na rin ang card na hawak niya. Inilagay niya ito sa isang kahon kasama ng iba.
"So you're the 11th," bulong niya pero hindi ito nakaligtas sa matalas kong pandinig.
"Go to your seat."
"T-Thank you, sir."
Napakatahimik ng buong classroom. Taguktok lamang ng suot kong heels ang maririnig habang nilalakad ang direksyon kung saan naroon ang assigned seat ko. Hindi ko tinitingnan ang mga mukha ng kaklase ko pero alam kong kinikilatis na nila ako.
Pagkaupo pa lamang ay nanlaki ang mata ko.
Hindi ko napansin na iilan lamang kami rito sa loob. Binilang ko. Labing-isa lamang kami. Kaya pala sabi niya kanina, pang-11th ako. May hinihintay pa ba kami?
Bakit iilan lang kami rito? Shit, ano bang section 'tong napuntahan ko?
Nanatili kaming tahimik. Hanggang sa mayamaya, may isang babae ang humahangos papasok ng classroom. Nakasuot ito ng eyeglasses at pawisan pa. Hingal na hingal nitong iniabot ang red card sa teacher namin pagkuwa'y dumiretso na sa bakanteng upuan sa dulo. Katapat ko siya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatingin sa kanya. Ang haggard niya.
Napaharap ako sa unahan nang pukpukin ng teacher ang mesa niya gamit ang patpat na dala.
"I received the last card. It's the 12th. Wala na tayong hinihintay so I must close the door," paliwanag niya dahilan para magdilim ang paligid. Kusang bumaba ang mga kurtina ng bintana at automatic na sumara ang pintuan. Napakadilim. Wala akong makita. Isang spotlight lang ang buhay at nakatutok iyon ngayon sa teacher namin sa unahan. May hawak siyang remote. Tingin ko ito ang nagpapagana sa buong classroom.
Sigurado akong ginawa niya iyon para sa kanya lang kami magfocus at makinig.
I can't help but to feel amaze. They are very high-tech!
"You are only twelve in this class. Kaya palagay ko, matatandaan ko bawat pangalan n'yo. Pero bago iyon, let me introduce myself to all of you." Nagpalakad-lakad siya kaya halos sundan namin siya ng tingin.
"I am Mr. Jericho Patumbayan and I will be your adviser this school year 2020. Do you have any idea why you are only 12?"
Walang sumagot. We are so clueless.
Sa isang iglap ay biglang namatay ang spotlight na nakatutok kay Sir Jericho. Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng ilaw sa ulunan ng isang babae. Nanlaki ang mga mata ko.
It's Sitti. Shit, magka-section kami?
"Ikaw, Miss? Do you want to answer? What's your idea?"
I saw her mumbled something. Pero ibang sagot ang binigkas niya.
"Because we're special, I guess?" Nagkibit-balikat siya. Napabuga ako ng hangin nang mamatay ang ilaw sa tapat ni Sitti. Kumakabog ang puso ko.
Tangina. Mas malala pa pala ito sa binabalasa na index card, aba.
"Any other answer?" tanong pa ni Sir. Nanatiling patay ang ilaw. Sinanay ko ang mata ko sa kadiliman.
"Cool!" bulalas ng isang lalaking nasa unahan na upuan at nakabukas na ang spotlight niya. His turn to answer.
Sinilip ko siya. Nakangisi ito at tila hindi kinakabahan habang idinantay pa ang dalawang paa sa desk niya. Sino naman ang isang ito?
"Maybe the reason why we are only 12 here is because you diffuse those students who had criminal records. You isolate us from the others because we're fucking sinners," dire-diretso niyang sagot dahilan para mas kumabog ang dibdib ko. He has a point.
Nakita kong sinuklay niya ang magulong buhok gamit ang daliri bago tuluyang namatay ang ilaw sa tapat niya.
Narinig namin ang halakhak ni Sir Jericho at ang mabibigat niyang yabag pabalik-balik sa unahan.
Pinagpapawisan na ako kahit malamig naman ang aircon.
Ang kaninang halakhak ni Sir ay mas lumakas pa. Nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa kaba.
"What a nice answer, Mr. Carter. I feel bad knowing that your uncle sent you here. Sayang ang talino mo." Bakas ang panghihinayang sa boses ng teacher namin. Saglit akong napasulyap sa pwesto noong lalaki pero hindi ko na maaninaw ang reaksyon niya.
"Masyado pa kayong bago para maintindihan ang lahat. Pero nakikinita kong hindi naman kayo mangmang para hindi agad matuto," sambit pa ni Sir at saglit kaming tiningnan isa-isa. Tumigil ang titig niya sa mismong direksyon ko. Napayuko ako.
"From now on, you have to deal with each other. Learn each other's strengths and weaknesses. Got each other's back." Tahimik pa rin kami.
"You received red cards because you are all chosen. Welcome to Aonaran section."
Napakurap-kurap ako nang bumukas lahat ng ilaw. Nakakasilaw. Lahat kami ay napapikit.
"Good bye, class. See you for tomorrow's discussion. Have a great day!" paalam ni sir at tuluyang lumabas ng room. Naiwan kami na parang mga na-brain freeze.
"Aonaran. Person who lives in self-isolation or seclusion from the world. Kung ganoon, are we already secluded?"
Napalingon ako sa babaeng nakasuot ng eyeglasses at nagsasalita mag-isa. Nakatulala siya at nanginginig ang mga kamay. Bumilis ang tibok ng puso ko.
***
BINABASA MO ANG
Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETED
Mystery / ThrillerMURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was still a minor, she was forced to stay in a rehabilitation center. After her sentence, she was devoted...