CHAPTER 17 - BAD LIAR: Dancing with the Killer

1.6K 119 18
                                    

CHAPTER 17 - DANCING WITH THE KILLER: BAD LIAR





PINILIT kong iwaglit sa isipan ang mga bagay na nagpapabagabag sa akin at sumabay sa saliw ng malakas na tugtog. Tumigil ang musika. Ibig sabihin, magpapalit na naman ng partner. Bumitaw ako sa pagkakahawak-kamay namin ni Marsh at sa isang iglap, iba na naman itong kaharap ko.

Hinawakan ng lalaki ang kamay ko at ngumisi sa akin. Dahil nakasuot rin ng mascara ay hindi kami magkakilanlan pero pakiramdam ko kilala ko rin ang isang ito o assuming lang ako.

"Kumusta?"

"Darius?"

"Ha?" Napakunot ang noo habang kasayaw siya. Napalingon ako sa paligid ngunit hindi ko na makita sina Imara at ang iba pa. Kinabahan ako lalo.

"W-Wala. Akala ko kasi, ikaw siya. Kaboses mo kasi," sagot ko. Dahil sa mascara, naiiba ang boses namin kaya hindi ko masigurado kung sino ba itong kasayaw ko ngayon.

"Bakit ka pa pumunta rito? Mapapahamak ka lang kung sakali," aniya kaya otomatikong napaawang ang bibig ko.

"A-ano? Sino ka ba?" Napakadilim ng paligid para maaninaw ko kung sino itong lalaking kinakausap at kasayaw ko. At isa pa, mahina ako makaalala ng identidad ng isang tao. Hindi ko masigurado kung nagkausap na ba kami nito dati o hindi pa.

"Mag-ingat ka," babala niya. Nanlamig ako.

"Kilala mo ba ako?" muli kong tanong pero hindi na siya umimik pa hanggang sa matapos ang tugtog. Ayoko na namang magtanong pa dahil mahahalatang interesado ako sa kanya.

"Teka, Darius!" tawag ko pa at akma na sanang titingnan ang kaliwa niyang daliri nang muli na namang tumigil ang tugtog at napalitan na.

Tulad ng inaasahan, pinaikot niya ako at binitawan ang kamay hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Nahihilo na ako dahil kanina pa ako pinaiikot-ikot ng mga kasayaw ko. Isang hindi pamilyar na kamay ang sumalo sa aking bewang at kamay. Nanlaki ang aking mga mata nang mapaharap sa kanya.

Hindi tulad ng suot namin na mascara, buong mukha ang tinatakpan ng isang ito. Mas lalong hindi ko maaninag kung sino ang nasa likuran ng maskarang suot niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang titigan niya ako sa mga mata. Ang mga tingin na iyon, parang nakita ko na noon pa. Natutunaw ako, nakakapanghina.

Nagsimulang tumugtog ang isa sa mga awiting pinakapaborito ko sa lahat. Doon niya hinawakan nang mahigpit ang kamay ko at inalalayan ako sa pagsasayaw.

Oh, hush, my dear, it's been a difficult year
And terrors don't prey on
Innocent victims
Trust me, darling, trust me darling

The way he looks at me. Napakapamilyar. Hindi niya inaalis ang mga titig niya sa akin dahilan para manlambot ang mga tuhod ko.

It's been a loveless year
I'm a man of three fears
Integrity, faith and
Crocodile tears
Trust me, darling, trust me, darling

"Hey," sambit ko habang nakikipagsayaw sa kanya. Sa mabagal na tugtog ay dapat lang na kausapin ko siya. Ayokong mapanis ang laway ko rito. Pero wala akong narinig na sagot.

So look me in the eyes

Tell me what you see

Perfect paradise

Tearing at the seams

I wish I could escape

I don't wanna fake it

Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon