CHAPTER 10 - CAELUM CARTER

1.8K 128 10
                                    

CHAPTER 10 - CAELUM CARTER






"WHY did you follow me?" iritado niyang tanong at saglit lumingon sa akin nang makita niya na sinundan ko siya rito sa rooftop.

Nagpamewang ako, pumikit at lumanghap ng sariwang hangin.

"Malay ko bang dito ka rin pupunta?" pabalang kong sagot. Narinig ko siyang bubulong-bulong at sumalampak sa sahig.

"This is my territory."

"Ah, talaga? Wala naman akong nabasa sa school memo na sa 'yo nakapangalan itong rooftop," pang-aasar ko at nakatingin lamang sa ground floor.

"Talagang wala. Kasi nakasaad sa buong memo na akin ang academy na ito." Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. Nakita ko ang biglaan niyang pagngisi. Halata namang nagbibiro lang siya pero nagugulat pa rin ako sa tuwing siya na ang magsasalita.

"You look shocked," sambit pa niya at doon nag-sink in lahat sa akin.

Agad niyang ibinalandra ang kanyang ID sa mismong mukha ko. Halos lumuwa naman ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Caelum Truxillo Carter?" basa ko at napaisip. Sino nga ba itong may surname na Truxillo? Kanino ko ba ito narinig?

"Wait! Kaano-ano mo si Arkanghel Truxillo?" bulalas ko kaya napabuga siya ng hangin at tinago na muli ang ID niya.

"That's none of your business," sagot niya pero hindi ko siya tinigilan.

"Fine. Kahit hindi mo sabihin kung kaano-ano mo siya, naniniwala pa rin akong hindi mo pagmamay-ari ang institution na 'to. This is for everyone."

"No, this academy is for criminals and murderers." Natahimik ako at napaatras. Tinitigan niya ako.

"Those students that pass by the hallway, they also commited crimes. Stealing and bullying. A shallow crime a normal student commits whenever they want." Hindi ako nakasagot.

"And Aonaran section is for murderers only that's why the we are only twelve. Now, you belong to Aonaran. What's your crime?"

Bigla akong kinabahan sa naging tanong niya. Nanlalamig na naman ako. Paulit-ulit akong napalunok. Nauuhaw ata ako.

Sa isang iglap ay humagalpak siya ng tawa habang hawak pa ang tiyan. Tinuro-turo niya ako habang tumatawa.

"What's funny?" naiinis kong tanong at naikuyom ang kamao. Mukhang bukod kay Darius, may isa pang lalaki na makakatikim ng suntok ko.

"Your epic face! Sana nakita mo ang hitsura mo! Mukha kang nakakita ng multo! Ang putla!"

Nagpantig ang tenga ko at agad siyang sinugod. Dinaganan ko siya at sinamantala na hampasin siya ng dala niyang bag.

"Aray ko. Fuck!" mura niya pero hindi ko siya tinigilan.

Saglit kaming nagkatitigan at natigilan ako nang may ma-realize. Napaka-awkward ng posisyon namin ngayon. Nasa ibabaw kasi niya ako. Dali-dali akong umalis at umupo malayo sa kanya.

Pinagpagan naman niya ang suot niyang polo. Naningkit ang mata ko nang makakita ako ng bakas ng tuyot na dugo sa uniporme niya. May sugat rin siya sa bandang ilong. Maging ang kamao, parang sinuntok sa makapal na pader.

Napaiwas ako ng tingin. Napatitig tuloy ako sa kamay ko na may dugo na rin. Ang dami ko nang nakikitang dugo ngayong araw. Pakiramdam ko mababaliw na ako.

Tumikhim siya at umayos ng upo.

"Do you know why this academy was named Dolorous?" Siya ulit ang nagsimula ng topic.

"Why?" tanong ko pabalik sabay sulyap sa kanya.

"Dolorous means expressing sorrow or distress. All of the students that enrolled here are secluded. We're being dumped here because we do not belong to the outside world. Nilayo tayo ng Dolorous sa mundong mapanghusga. Pero malungkot. Mag-isa." Napasandal ako sa pader at ini-unat ang mga binti ko.

"The walls of Dolorous won't let you feel lonely only if you have your own circle of friends. Why not make friends with the others? At least, hindi ka loner plus mababawi mo pa ang bad image mo."

"You can't please anyone here. They will just treat you as a juvenile. A criminal."

Napatitig ako sa mga palad kong may bahid pa ng dugo mula kay Art.

"Ikaw, Carter." Napatingin siya sa akin nang tawagin ko siya sa apelyido niya. "What's your crime?"

Isang katahimikan ang namayani sa pagitan namin.

"If I tell you my crime, are you going to confess yours too?" hamon niya na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Buong buhay ko ay wala pa akong sinabihan ng krimen na binibintang nila sa akin.

Napakagat-labi ako at iniba ang usapan.

"Art has been poisoned," untag ko pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. "And our teacher yesterday was found murdered inside the storage room. The culprit is still missing. I have a bad feeling about this," dagdag ko pa na siyang naging dahilan para mapangisi siya.

"Why are you all afraid of the serial killer wherein fact you are also one?"

"I am not afraid. May kutob lang akong nasa malapit lang ang killer."

I heard him chuckled. Napakunot ang noo ko. Mayamaya ay tumayo na siya at pinagpagan ang uniporme niyang nadikitan ng alikabok. Pagkuwa'y inilahad niya ang kamay sa harapan ko.

"Ano 'yan?"

"Helping you to stand up?" he answered sarcastically. Agad ko iyong inabot at tumayo na rin. Pinagpagan ko muna ang suot kong palda bago sumunod sa kanya.

Hindi ko namalayang tumigil pala siya sa paglalakad kaya nauntog ako sa mismong likuran niya.

"Aray ko naman!"

"Shhh!" pagpapatahimik niya sa akin sabay tingin sa paligid. Nakiramdam na rin ako kahit hindi ko alam kung anong nangyayari.

Naigala ko na rin ang tingin ko. Pakiramdam ko ay may pares ng mga mata na nagmamasid lamang sa amin rito.

Sa isang iglap, nakarinig kami ng kaluskos at pagtumba ng isang basurahan. Doon nagsimulang kumilos is Caelum at hinabol ang estudyanteng kanina pa pala nagtatago. Nang mahagilap niya ang uniporme nito'y marahas niya itong isinandal sa pader at sinakal.

"Who told you to look after us?" bakas ang inis sa boses niya.

"Let him go! Baka mapatay mo siya!" pigil ko pero hindi siya nagpaawat. Halos lumuwa na ang mata ng lalaki.

"S-sinabi ng admin na manmanan ang Aonaran section. G-ginawa ko lang naman ang utos ni---acckkk!"

Panay ang ubo ng lalaki nang hatakin ko si Caelum palayo sa kanya.

Nanginginig siyang napatingin sa amin.

"Mga demonyo! Mamamatay-tao!" sigaw nito at dali-daling nagtatakbo palayo. Naiwan kaming hingal na hingal. Hindi ko pa rin binibitawan si Caelum dahil baka habulin siya nito.

Napaisip ako bigla.

Bakit inutusan siya ni Ma'am Caroline na matyagan ang bawat isa sa amin?





***

Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon