CHAPTER 20 - TWO REMAINING RED CARDS

1.6K 116 16
                                    

CHAPTER 20 - TWO REMAINING RED CARDS




DAHAN-DAHAN ang ginagawa kong paglalakad sa malamig na sahig ng hallway. Parang ayaw nang lumapat ng talampakan ko. Bawat pag-apak ko ay nag-iiwan ng bakas ng dugo mula sa mga taong napaslang ko kanina. Malagkit ito.

Tahimik lang akong humahakbang bitbit ang dos por dos na kahoy. Umaagos mula rito ang sariwang dugo.

Suminghot ako. Amoy malansa.

Nakarinig ako ng mga yabag. Naging aktibo ang pandinig at paningin ko.

May kumakaluskos at nagtatakbuhan. Nabitawan ko ang hawak na kahoy at sinundan ang pinanggagalingan ng ingay.

"Mavie? Malcolm?" tawag ko dahilan para mapalingon sa akin ang umiiyak na babae sa sulok ng kwarto. Yakap niya ang isang lalaki na nanghihina na at duguan.

"P-Please, help us! Please!" pagmamakaawa niya kaya dali-dali ko silang nilapitan. Tinulungan ko siya na itayo ang duguang si Malcolm. Inalalayan namin itong makalakad kahit nanghihina na.

"The killer! He's after us! Papatayin niya tayo! Umalis na tayo rito!" umiiyak niyang sambit at napasulyap kay Malcolm na hawak ang dumudugong sikmura.

Palagay ko ay nasaksak na siya kanina ni Caelum pero pinatakas pa niya. Napakagat-labi ako.

"Ezelle, nasaan ang iba?" tanong pa niya habang tinatahak namin ngayon ang corridor na walang ibang tao kundi kami lamang.

Duguan na rin sila gaya ko.

"They are all dead."

"Oh fuck," mahinang mura niya sa narinig.

"Let's go to the clinic. Malalim ang sugat niya. Nauubusan na siya ng dugo," suhestiyon ko kaya napatango siya. Lumiko kami para dumako sa pinakamalapit na clinic. Nahihirapan na akong alalayan si Malcolm at alam kong ganoon rin si Mavie.

Narinig ko ang paghikbi niya.

"Kaunti na lang, Mal. Kapit ka lang, malapit na tayo. Mabubuhay ka, okay? Makakaligtas tayo. Please, kapit lang," pagpapakalma niya kay Malcolm na dumadaing sa sobrang sakit ng bawat paghakbang. Napaiwas ako ng tingin.

"Oh my God!" tili ni Mavie nang may maaninaw mula sa hindi kalayuan namin. May mabibigat na yabag akong naririnig. Papalapit ito sa amin. Makakasalubong namin siya.

Pero kahit ganoon, hindi man lang ako kinakabahan.

Natigil kami. Ramdam ko ang panginginig ng dalawa kong kasama.

"Mavie, r-run!" sigaw ni Malcolm nang maaninag ang papalapit na killer. Nakasuot pa rin ito ng mascara. Halos mahigit ko ang hininga at napaatras na rin.

"Ezelle, take Mavie with you! Run!" Iwinakli ni Malcolm ang mga braso namin na nakaalalay sa kanya at pinagtabuyan kami. Napahagulhol si Mavie na ayaw siyang bitawan.

"Malcolm please! Huwag ka namang ganyan!" giit ni Mavie. Naghahalo na ang dugo at luha sa pisngi niya pero wala siyang pakialam.

Kumikirot ang puso ko.

"Please don't be so stubborn! Save yourself. You need to survive. I'm sorry. I can't make it." Napalunok si Malcolm. Marami nang dugo ang lumalabas sa bibig niya.

Ilang metro na lamang ang layo ng killer sa amin.

"Ezelle! Tumakbo na kayo!"

"Malcolm!"

Agad ko nang hinatak si Mavie palayo sa kanya at nagtatakbo pabalik sa pinanggalingan namin kanina. Ayaw niyang magpahatak pero mas hinigit ko siya nang makitang nalapitan na ng killer si Malcolm at walang awa itong hinampas ng dala niyang palakol.

"No!" tili ni Mavie at napaiyak na lamang.








NAPASINGHAP ako at iminulat ang mga mata sa dilim. Pareho kaming nakaupo ni Mavie sa sahig nitong clinic. Napatungo ako. Rinig na rinig ko ang pag-iyak niya sa sulok.

"Malcolm's probably gone by now. The killer caught him," bulalas ko. Nakatitig siya sa kawalan.

"Bakit parang ayos lang sa 'yo na may namatay?" sarkastiko niyang sambit dahilan para maiangat ko ang tingin sa kanya. Hindi ako umimik.

Narinig ko ang mahina niyang halakhak ngunit bakas ang kalungkutan.

"When I enrolled here in Dolorous, Malcolm became my anchor. If it's not because of him, I won't probably survive here. I was accused of murdering my classmates. I killed them all during our camping. I left no one including my bestfriend," kwento niya at napahikbi ulit.

"Si Malcolm lang ang tanging nakakaintindi sa akin. Sabay kami sa lahat. Sa pag-aaral, sa pagbabago. Kaya hindi ko makita ang buhay ko na wala siya sa tabi ko. Hindi ko... hindi ko kaya." Napailing-iling siya at napahagulhol.

Bumuntong-hininga ako at inilabas ang isang maliit na bote. Naglalaman ito ng kung anong likido. Inihagis ko ito sa tabi niya. Nanginginig niya itong pinulot habang nanlalaki ang mata.

"W-what's the meaning of this?" tanong niya kaya ngumiti ito nang tipid.

"I feel sorry for you. Losing Malcolm, the love and anchor of your life is somewhat heartbreaking. Have you ever think to follow him in the afterlife if you drink that?" walang emosyon kong sambit kaya napanganga na lamang siya.

"You... you!" Hindi niya maituloy ang sasabihin nang titigan ko siya. Ngumisi ako at inilabas ang cutter. Napalunok siya sa kaba.

"You choose. This one or that bottle you're holding?" tanong ko kaya napaatras siya.

"You can't do that to me!" Umiling-iling siya. Hindi ako umimik.

"I was the one who killed the others. Might as well do this to you," bulalas ko kaya napatayo siya.

"Ezelle!" sigaw niya kaya napahalakhak ako. Natatakot na siya.

"Choose your death, Mavie! Choose now!" sigaw ko kaya napatili siya. Itinumba niya ang mesa na nasa tabi ko dahilan para masagi ako. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para daganan ako at agawin sa akin ang cutter.

"Ikaw ang dapat mamatay!" Nanggigigil niya akong sinakal pero naging mabilis ang kamay ko at hinataw sa likod niya ang talim ng cutter.

Napangiwi siya sa sakit.

"Looks like you don't want to die in a peaceful way, huh?" sarkastiko kong komento at pagkuwa'y ginilitan na siya sa leeg. Sumirit ang masaganang dugo. Halos malasahan ko na ito.

Tinulak ko siya palayo habang nangingisay pa. Umubo siya at dugo na ang lumabas. Pinilit kong bumangon pera tinadyakan siya. Nagtiim-bagang ako at binuksan ang botelya na naglalaman ng lason. Ibinuhos ko ito sa nakaawang niyang bibig. Napaiyak siya.

"Why not we try the two?" Ngumisi ako at tinapon ang botelya na wala nang laman. Nag-umpisa nang bumula ang bibig niya hanggang sa mangisay at tumirik ang mga mata.

Napaatras ako at saka lumabas ng clinic. Iniwan ang walang buhay niyang katawan sa loob.

Pagkalabas ko pa lamang ay natigil ako sa paglalakad nang makita ko si Caelum ilang metro ang layo sa akin.

Nagtama ang aming mga titig. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tulad ko ay duguan rin siya at maraming galos.

Napalunok ako at naluha. Parang nanghihina ang mga tuhod ko nang makita ko ang natural niyang ngiti. He flipped the two remaining red cards in the air and let them fall down in the cold floor.

"C-Caelum..." bulong ko at naglandas ang mga luha.





***

Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon