CHAPTER 7 - NIGHT
DEADsturbance"SHE'S too young! What are your evidences that she's the suspect?!" sigaw ni lolo habang kausap ang mga pulis. Nakakarinig ako ng mga usapan. Flash at pag-click ng camera. Boses ng mga reporter. Pati na rin ang sirena ng mga pulis.
"Sir, nadatnan namin siyang hawak ang murder weapon. Wala kaming nakitang bakas ng robbery. She stayed with the victims all the time."
Napatakip ako sa dalawang tenga. Nakakarindi.
Nanginginig akong napatitig sa mga palad ko.
Puno ito ng dugo. Pati na rin ang puti kong damit. May tilamsik ito ng tuyot na dugo at laman. Sa 'di kalayuan ay nakita ko ang dalawang bangkay na ini-examine na ng mga pulis. Tinakpan na ng puting tela ang isa. Maraming dugo sa sahig.
"Mama! Papa!" Tuluyan nang naglandas ang luha ko at napahagulhol nang may mapagtanto. Pilit akong inilalayo sa crime scene. Napalilibutan na ito ng barricade tape.
"Ilayo n'yo na ang bata," utos ng isang pulisya. Nakita ko ang bangkay ni Mama na hindi pa natatakpan ng puting tela. Nakabulagta ito at duguan. Dilat ang mga mata. Waring nakatitig sa akin.
Tuluyan akong napasigaw.
"Mama! Papa!"
Habol ko ang hiningang napabalikwas ng bangon. Pawisan ako at nanunuyo ang lalamunan.
Narito pa rin ako sa dorm at mahimbing nang natutulog ang mga kasama ko. Patay na ang ilaw kaya hindi na ako nag-abala pang tumayo para kumuha ng tubig. Napaupo na lamang ako habang hinahagod ang dibdib.
Mayamaya pa'y napakislot ako nang makarinig ng isang tili at mga kalabog. Kumabog ang dibdib ko. Sigurado akong mula sa labas ang sigaw na iyon.
"Girls? N-narinig n'yo 'yon?" Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Sitti. Nakarinig na ako ng kaluskos ng iba ko pang kasamahan.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad binuksan ang flashlight ng cellphone ko. Itinutok ko sa bawat higaan nila ang liwanag nito para makasigurong wala sa aming anim ang sumigaw.
Nakita ko ang pupungas-pungas na pagbangon nina Sitti, Tanisha at Imara. Maging si Mavie ay iritadong nagtalukbong ng kumot.
"Bitch, huwag mo ngang itutok 'yan rito! Nakakasilaw!" bulyaw niya kaya naitutok ko ang flashlight sa direksyon ng higaan ni Kai.
Napakunot ang noo ko. Bakante ang higaan niya.
"Guys? Nasaan si Kai?"
Dahil sa naging tanong ko ay bigla silang natahimik. Sa isang iglap, nakarinig kami ng mga yabag na waring nagtatakbuhan palapit sa kwarto namin. Impit na sigaw ang sumunod at hinahampas na ang pintuan. May gustong pumasok.
"Lock the door! Oh my God!" tili ni Imara kaya hindi na nagdalawang-isip pa si Tanisha at sinugod ang pintuan upang i-lock at iharang ang mesa.
"Turn off your flashlight!" Nagsisigawan na kami at ilang sandali lamang, nabalot na ng kadiliman ang buong dorm. Ang malalakas na katok na aming naririnig ay nawala.
"Shit!" mura ni Sitti nang marinig ulit ang isang hampas at pilit binubuksan ang pinto. Hanggang sa muling tumahimik ang lahat.
Nakarinig kami ng pagsinghap sa mismong labas ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Dolorous Academy: School Of Murderers | COMPLETED
Mystery / ThrillerMURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was still a minor, she was forced to stay in a rehabilitation center. After her sentence, she was devoted...