Magkahalong saya at kaba ang bumalot sa aking katawan. Hindi ko alam kung tama bang itago ko ito sa ama niya, ngunit nasisiguro kong wala rin namang managyayari kung sasabihin ko. Para ano pa? Para ipagpilitan ko ang aking sarili? Para pa ulit-ulit pang masaktan? He doesn't love me and indeed he will not. Mas lalong bumuhos ang aking luha.
Mangiyak-ngiyak akong niyakap ni Venus. "Gaga ka talaga. Congratulations, Gem."
Napayakap din ako sa kanya. Lumapit din si manang para yakapin ako ganoon rin si Pattie.
"You must stay healthy para kay baby. Wag na magpapagod sa trabaho, Gem." Si Pattie, tumango naman ako.
"Siya.. dito na kayo kumain.. Kailangan natin itong e-celebrate. Abay magkaka-apo na ako." Magiliw na sabi ni manang. Napangiti naman ako.
"Salamat nalang 'ho. Ms. Valiente, I have to go." Sabi ni doktora saka siya tumayo. Tumayo rin ako. Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit. "Congratulations Ma'am." She smiled. At kumawala sa yakap. "Refrain from stress, okay? Eat veges and fruits. Uminom ka rin ng gatas, tsaka healthy foods lang ang kakainin." Sabi niya at may kinuha sa bag. "Here are the vitamins that you need to take para maging malusog at healthy si baby, okay?"
Tumango ako. "Thank you for today, Dok." Naluluha kong sambit. "I'll send the payment to your bank account. Mukhang madadalas na ako nito sa clinic niyo."
"Ofcourse. You will be monitor and check monthly kaya dapat ka talagang pumunta sa clinic." Aniya.
Matapos magpaalam sa doktora ay agad na naghanda si manang. Sina Venus nama'y panay ang pagpapaalala sa akin nang mga dapat gawin.
"Tuwing lunch hahatdan nalang kita ng pagkain sa opisina mo, wag ka nang lakad ng lakad." Si Venus.
"Magmumukha naman akong lumpo niyan, Vem? Exercise din yung lakad nu!" Sabat ko.
"Lumpohin mo nalang Vem. Kapag talaga matigas ang ulo, lagutan mo na agad nang hininga." Si Pattie. "Tigas nang ulo mo buntis!"
"HAHAHAHA fine. I'll be extra careful and I'll stay healthy. Ayaw ko namang abalahin kayo parati kaya.." Magiliw kong sabi.
Nanguso naman sila. "Hindi ka abala sa amin, Gem. Muntanga ka! 'tsaka inaanak namin yang dinadala mo kaya talagang mag-iingat ka!" Sabay batok ni Venus.
"Aray naman Vem! Pag ako talaga nakunan! Humanda ka!" Sabay hagud ko sa aking tiyan.
"Ang OA ha! Mahina lang yun, gusto mo lakasan ko? Bwis—.."
"Vem" Singhal ni Pattie. "Wala nang magsasalita ng badwords mula ngayon! Magaya pa yan ni baby! Mga bunganga nyo talaga!" Ayan na naman ang pagiging guro niya. Natahimik naman si Venus, habang ako pa ngiti ngiti lang. Ang swerte natin anak.
"Pumarito na kayo sa kusina, kakain na." Si manang.
Nalukot ang mukha ko nang makita ko ang nakahain sa mesa. "Manang naman... ba't puro gulay ito lahat? Hindi ba pwedeng magkarne kahit onti?" Malungkot kong sambit.
"Hinalu-an ko naman yan nang konting karne, Gem. Kumain kana. Sabi ni doktora ay veges at prutas ang dapat na kinakain mo." May inilapag siya sa mesa. "At siyempre ang paborito mong Fruit salad na mayroong napakadaming gatas." Na siyang nagpaliwanag ng aking mukha.
Hindi na rin masama, ugh.
"Gem.." tawag ni Venus. "Sasamahan kita every monthly check-up mo, kaya kailangang tawagan mo ako." Aniya.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED HUSBAND
Romance✔️completed✔️ Will you fall inlove to the man which you didn't knew? Will you accept being his unexpected wife? Or you'll run away.