Chapter 13
Venice POV.
Nakatingin ako ngayon sa papalayong kotse ni Ivan,hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot habang tanaw ang ito paalis.
"Ma'am Venice ,hindi pa ba kayo papasok? Aambon na,"si mang jojo na na nasa labas na ngayon ng mansiyon. Napatingin naman ako sa langit ng makumpermang madilim na nga ito dahil tuluyan nang nakain ng dilin ang liwan na nagmumula sa araw.
Wala naman akong nagawa kundi tumango nalang dito at pinagbuksan ako ng pinto.
"Salamat po,"pasalamat ko sa kaniya sabay tango at naglakad papasok ng bahay. Nakabukas naman kasi ang pintuan nito kaya patuloy ako sa paglakad hanggang sa umabot ako sa harap ng isang mataas na hagdanan. Nakatingin lang ako dito at hindi alam kung ihaihakbang ko ba ang paa ko pataas hanggang sa may narinig akong nagsalita sa likuran ko.
"Venice...Hija." si manang Solidad na siyang mayordoma ng bahay. Nakatingin lang ito sa akin na habang nakangiti.
"Manang..."tawag ko sa kaniya at napangiti ako ng malapad dahil nakita ko itong muli.
Si manang Solidad ang isa sa naging sandigan simula nang dito ako tumira. Siya ang nagsilbing taga gabay ko sa bawat araw na nanatili ako dito.
Mabilis naman akong pumunta sa kaniya at niyakap ito ng mahigpit.
"Wala ka pa ring pinagbago,Iha."sabi nito habang magkayakap kami.Natawa nalang ako sa sinabi nito bago ko siya pinakawalan.
"May pinagbago din naman, manang,"nakangiting sabi ko sa kaniya at inakay ito papalapit sa sofa sa hindi kalayuan.
Natawa naman ito sa sinabi ko bago inalalayan ito paupo sa upuan at kinuha ang tungkod nito at inilagay sa gilid ng sofang inuupuan namin.
"Kamusta ka na po manang Solidad?" nakangiting tanong ko sa habang siya ay nagtatakang nakatingin sa kaniya,"May problema ba manang Solidad?"tanong ko dito.
"Umiyak kaba ?"tanong nito kaya agad naman akong napailing kahit ang totoo ay kagagaling lang ako sa iyak."Huwag ka nang magkaila kasi alam kong umiyak ka talaga."dagdag pa nito habang nakatingin sa akin.
Natahimik naman ako sa sinabi nia at sinapo ang mukha ko na naalala ko palang kalat ang make up ko kanina pa .
Sh*t
"A-ahh .."usal ko na lamang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.
Napabuntong hininga naman ito bago magsalita,"Kamusta naman ang buhay sa labas?"tanong nito sa akin at hindi ko maiwasan na bumakas ang lungkot sa buong mukha ko.
"Okay lang naman po,"mahinang usal ko at nakita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin.
"Bakit?"
"Kasi po maraming nangyari simula nang maghiwalay kami ni Drew."paliwanag ko dito.
"Tulad nang?"
"Bumaon kami sa utang dahil mayroong sakit si dad ng panahong iyon."sagot ko dito at napasapo naman siya ng sintido niya dahil sa sagot ko aa kaniya.
"Hindi ko alam na ganito pala ang nagyari sa buhay mo simula ng makipaghiwalay ka sa dating asawa mo."sabi nito at mapait naman akong ngumiti sa kaniya.
"Tapos naman po iyon kaya move on na po ako."mapait na ngiting sambit ko at napangiti naman siya.
"Ganiyan nga ang kilala kong ,Venice na matatag."sabi nito sa akin."Bakit ka pala napadpad dito sa dating bahay niyo ni Drew?"tanong tanong niya na nagpatikom ng bibig ko.
Hindi ba niya nasabing dito ako titira sa bahay niya?
Pilit na ngumiti akong tumingin kay manang Solidad bago sumagot, "Bagong sekretarya po ako ni Drew at dito na po ako titira simula ngayon at uuwi din taga linggo." paliwanag ko dito.
Naukit naman ang gulat sa buong mukha nito dahil sa sinabi ko.
"Kaya pala pinalinisan niya yung isang kwarto na malayo sa kwarto niyo dati." usal nito at nag alangan namang tumango ako. "Gusti mo bang ihatid kita sa kwarto mo?" tanong nito at agad naman naman ako tumango dahil gusto nang makapagpahinga.
"Pagod na din kasi ako manang Solidad kaya gusto ko munang mahiga muna." sbai ko dito at nang akma siya tatayo ay ibinigay ko sa kaniya ang tungkod nito kaya ngumiti siyang nagpasalamat sa akin.
Inalalayan ko si manang Solidad paakyat ng kwarto, medyo may kaedaran na kasi ito kaya medyo nahihirapan na siyang magalakad pataas ng hagdan.
"Dito yung kwarto mo." sabi nito s aakin ng tumigil kami sa isang pinto ng kwarto. Napatingin ako sa dating kwarto namin na hindi kalayuan sa kwarto ko. Gusto ko mang puntahan ito ay hindi ko magawa dahil ayoko na maalala ang lahat na nangyari sa akin kaya pumasok nalang ako sa kwarto ko at napatingin sa maleta kong nasa loob na pala nito. Hindi ko man lang naalala kanina na naiwan ko ang maleta ko sa baba kaya laking gulat ko ng makita ko ito ngayon dito.
"Nandiyan na yung maleta mo." si manang Solidad at nagpaalam bago umalis.
Tiningnan ko ang maleta ko at nalatingin sa higaan. Tamad akong naglakad doon palapit at humiga sa kama ko. Ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko kaya hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Nahising ako kinagabihan ng marinig ko na may kumayok sa kwarto ko, kahit gusto mang matulog muli ay hindi ko na magawa kundi pagbuksan ang taong nasa labas ng pintuan.
"Sino yan?" tanong ko ng buksan ko ito. Papungas-pungas pa akong iminulat ang mata at nalaglag nalang ang panga nang makilala ang kung sino ang nasa labas ng kwarto.
"It's dinner." sabi nito habang seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasan na takpan ang bibig ko na baka maamoy niya ang hininga ko.
Wala akong masabi kundi ang matulala nalang nakatingin sa kaniya. Kaya tumukhim muna ako bago ako nagsalita, "Bababa ako mamaya." sabi ko ito at nakita ko ang pag igting ng panga nito.
"I sad now." seryosong sabi nito kaya sa pagkakataong iyon ay hindi ko maiwasan na kawahan dahil sa tinig ng boses nito.
"S-susunod na ako." nauutal na sabi ko at tumango naman siya sa akin habang nakapamulsa. Hindi ko mapigilan na biglang bumilis ang luso ko dahil sa kung gaano kaseryoso ang boses niya.
Pumasok muli ako sa kwarto ko at isinarado ang pinto. Nanghilamos at nagsipilyo dahil ayoko namang magmukha akong manang habang kaharap siya sa hapagkainan. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng saya dahil inaya ako nitong isabay sa hapunan kaya mabilis akong nagbihis at bumama ng hagdan. Nanlumo naman ako ng hindi ko ito nakitang nakaupo sa harap ng mesa.
"Kain kana po ma'am Venice." isa sa kasambahay na naghahain sa mesa. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot at paghihinayang ng hindi ko siya makita sa hapag. Wala akong nagawa kundi naupo nalang mag isa at kumain hanggang sa matapos ang hapunan.
BINABASA MO ANG
My Ex-husband (Completed ) EDITING
RomantizmVenice Ardel is a beautiful and smart lady. Her life is pretty fun and nice.She has a healthy relationship with her current boyfriend not until her parents arrange her for someone that she didn't know, her life turn upside down and broke but she can...