Buong araw naghintay ng sagot si Jace. Samantala busy naman si Clary sa kanyang mga paper works sa kanyang kumpanya. Kaya nakalimutan na niya itong sagutin.
Gabi na ng matapos si Clary, kaya late na itong nakauwi ng kanyang bahay. Doon pa lamang niya nasagot ang text ni Jace.
"Hi Jace sorry late response i just got home."
-Clary"No problem? Kumain ka na?"
"Jace"Hindi pa.. magluluto pa lang pa lang ako."
-Clary"Send me your exact location pupunta ako jan don't cook sabay na tayo magdinner"
-Jace"Really?? Hala nakakahiya.."
-Clary"Bilis na.. may dala akong food anong street mo ba?"
-JaceWalang nagawa si Clary kung hindi ibigay ang pinaka address niya. Masaya naman siya sapagkat makikita niyang muli si Jace. Bahagyang nag-ayos ng kanyang sarili si Clary at maya-maya nga ay nagdorbell na si Jace.
Pinagbuksan niya ng pintuan si Jace at pinatuloy. Iniabot naman ni Jace sa kanya ang dalang pagkain. Nagtungo sila sa kusina at doon ay naghanda ng hapag kainan.
"Tahimik ka ba talaga kung kumain?" Ani ni Jace
"Hindi naman.. hindi lang kasi ako makapaniwala na kaharap kitang muli." Tugon ni Clary
"Wala kang boyfriend ano?" Ani ni Jace
Nagulat si Clary sa biglaang pagtatanong ni Jace. Napatigil ito saglit at mayamaya naman ay sumagot na ito ng medyo mahina
"Wala.. wala ka pa kasi.." ani ni Clary
"Anong sabi mo?"tugon ni Jace
"Ang sabi ko naghihintay pa ako ng right time." Ani ni Clary
"Right time? Kelan ba yun? Naniniwala ka ba sa ganun?" Tugon ni Jace
"Aba oo naman hindi naman minamadali ang pagmamahal. Kasi kapag nagmadali ka, minsan hindi ka nagiging masaya." Ani ni Clary
"Dami mong alam. Kumain ka na nga!" Tugon ni Jace
Masayang kumain ang dalawa habang nag-uusap. Hindi naman maiwasan ni Clary na mas mapalapit pa siya kay Jace ng husto.
"Jace? Saan ka nagwowork?"ani ni Clary
"Ah! Nag wowork ako sa call center. Night shift ako and then off ko ngayon." Tugon ni Jace
"Hindi ba toxic sa call center? Especially night shift ka." Ani ni Clary
Nagkaroon ng pagkakataon na makapagtanong si Clary patungkol sa buhay nito. Kaya naman sinulit na niya ang kanyang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...