Chapter 18

13 3 0
                                    

Kinaumagahan, maagang nagtawag si Alec upang magsimula ng mga activities. Tinawag niya ang dalawang grupo upang magsama-sama ang mga ito. Nang kumpleto na ang bawat grupo sinabi na niya ang unang laro.


"Ok guys... ang unang laro natin ay thug o war. Siguro naman ay pamilyar kayo dito, dahil uso ang hugot lalagyan natin ng twist ang ating laro Dito natin masusukat ang tatag ng bawat isa, determinasyon upang ipaglaban ang alam nating atin." Ani ni Alec


Napatawa naman ang lahat sa tinurang ito ni Alec. Ilang saglit pa at pumwesto na sila. Inuna na muna ni Alec ang lalaki, Si Jace ang nasa unahan ng group A at si Brian naman ang nasa Group B.


"Ok Ready?" Ani ni Alec


"Yes Ready!" Tugon ng dalawang grupo


Nagsimulang maghilaan ng lubid ang dalawang grupo.


"Hila... 123 hila!!" Sigaw ni Jace


Masyadong malakas ang grupo ni Jace kaya naman mabilis nilang nahatak ang grupo nina Brian.


"Ok round 1 the winner is Group A." Ani ni Alec


Nagpalakpakan sa tuwa ang group A. Sumunod na tinawag ni Alec ay ang grupo ng mga babae. Sa group A ang nanguna ay si Cassandra, samantalala sa group B naman ay si Clary.



"Ok girls.. mukhang magandang laban ito. Ready na ba kayo?"


"Yeah always ready!" Sigaw ni Clary


"Mukhang ready na ready ang Group B! Eh kayo Group A?" Ani ni Alec


"Yeah! Ready na din kami." Sigaw nina Cassandra


Pumwesto si Clary at ngumiti kay Cassandra. Nayamot naman si Cassandra sa inastang ito ni Clary.


"Papatumbahin kita.." sambit ni Cassandra sa kanyang sarili


Nagbigay ng hudyat si Alec na umpisa na ng laban.


Bumwelo kaagad si Cassandra at hinila ang lubid. Nagdulot ito ng pagkakaluhod ni Clary.


"Ganyan ka lang ba kadaling paluhurin?" Ani ni Cassandra


"In your dreams darling" tugon ni Clary na may ngiti sa mga mata


Habang nakaluhod, unti-uniting kumapit si Clary sa lubid at ito ang ginawa niyang pundasyon upang kumuha ng lakas para makatayo. Tinigasan niya ang kanyang mga tuhod at bigay pwersang hinila ang kalaban.


Hirap na hirap ang grupo nina Cassandra sa pagbawi. Ng makakuha ng mahabang lubid si Clary ipinulupot niya ito sa kanyang braso at saka siya muling sumigaw sa mga kasama.


"Pull! Pull!" Sigaw ni Clary


Wala ng nagawa ang grupo nina Cassandra at nahila sila patungo sa grupo nina Clary. Sa puntong iyon nanalo sina Clary.


The Day you Love me... i dieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon